Sino si Flor Contemplacion? Talambuhay, Mapait na Sinapit ng katulong

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Poot ang bumalot sa buong kapuluan nang mabalitaan ng mga Pilipino ang nakatakdang pagbitay sa isang OFW sa Singapore taong 1995. Ang sinapit ni Flor Contemplacion sa criminal justice system ng Singapore ay naging makasaysayan at naging usap-usapan sa buong mundo.

Buhay-Pamilya

Si Flor Contemplacion ay ipinanganak noong Enero 7, 1953 sa San Pablo, Laguna. Napangasawa niya si Efren Contemplacion at nabiyayaan sila ng apat na anak – si Xandrex ang panganay na lalaki, si Russell at ang kambal na Joel at Jon-Jon.

Ang Kaso

Bagaman pumutok ang balita tungkol kay Flor Contemplacion noon lamang 1995, taong 1991 pa siya nakulong. Inaresto siya sa kasong murder dahil sa pagkakapatay umano niya sa kaibigan at kapwa domestic helper na si Delia Maga, at ng inaalagaan nitong batana si Nicholas Huang na isang epileptic. Ayon sa mga magulang ng bata, naabutan nila ang patay na katawan ng bata at ng yaya nito sa kanilang tahanan sa Gangsa Road, Singapore noong araw ng Mayo 4, 1991. Dahil walang sumalubong sa kanila nang sila’y pumasok, hinalughog nila ang bahay at natagpuan ang kanilang 22-buwang batang anak na umiiyak sa kwarto ni Delia. Nakita nila ang anak na lalaki na nakahiga sa sahig ng banyo, ang ulo nasa loob ng balde. Si Delia naman raw ay nasa tabi ng bata at may lubid na nakatali sa leeg. Sinasabing nalunod ang bata at namatay sa sakal gamit ang lubid si Delia. Sa apat na taon na pagkakakulong ni Flor, hindi niya binago ang kanyang statement sa pag-amin niya sa krimen. Naghain rin siya ng ‘plea of insanity’ sa payo ng Philippine Consul sa Singapore sa pag-asang mapababa ang kanyang sentensiya.

Ebidensiya, Paglitis at Hatol

Ika-11 ng Marso, 1995, isang kapwa domestic helper na naging katulong ng tiyuhin ni Nicholas, si Emilia Frenilla, ang tumestigo para kay Flor. Sinabi niyang narinig niya ang isang pag-uusap ng kanyang amo at ng kapatid nito (ama ni Nicholas) at naniniwala siyang ang ama nito ang pumatay kay Delia Maga matapos nitong madiskubre na nalunod at namatay ang anak. Ang impormasyong ito ay nag-udyok kay President Fidel V. Ramos na sulatan si President Ong Teng Cheung ng Singapore para humingi ng ‘stay of execution’ o pagde-delay sa iskedyul ng bitay. Hindi ito pinaunlakan ni Ong sa kadahilanang wala umanong basehan ang mga alegasyon ni Frenilla. Marso 17, 1995, nakatakdang araw ng pagbitay, alas 4 ng madaling-araw, isa pang testigo, isang dating kapwa preso ni Flor ang nagsalita na sa kanya ni ‘Mama Flor’ na ang ama nga ni Nicholas ang nakapatay kay Delia Maga nang makita ang patay na anak. Nabanggit rin daw sa kanya ni Flor kung paano siya pinahirapan para akuin ang pagpatay. Hindi ito pinaniwalaan ng korte at itinuloy ang pagbitay kay Flor.

Paghihirap

Maraming nagsasabi na si Flor ay nakaranas ng iba’t-ibang uri ng torture. Nakaranas daw siya ng pamamalo, pangunguryente at pangmomolestiya ng mga interrogation officers. Minsan rin daw siyang iginapos sa isang silya na halos hubo’t-hubad at hindi pinagbabanyo. Bukod sa mahigit apat na taon na malungkot na pagkakakulong, masalimuot ang naging huling pagkikita ni Flor at ng kanyang mga anak. Sa kabila ng kanyang pakikiusap, hindi siya pinayagang mayakap man lang ang mga anak sa huling pagkakataon. Ibinilin na lamang niya sa mga ito na yakapin ang kanyang katawan kapag nakabalik na ito ng Pilipinas.



Malungkot man ang nangyari kay Flor, naimulat nito ang mata ng karamihan sa kaawa-awang sitwasyong dinaranas ng mga expatriates sa mga bansang pinagtatrabahuhan. Naging daan ito para bumalangkas ng mga bagong batas na magtatanggol sa kapakanan at karapatan ng bawat OFW – ang mga bagong bayani – na umaalis ng bansa hindi dahil para sa sarili, kundi para sa ikagiginhawa ng pamilyang naiiwan.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.