Background
Ang Prinsipe ng mga Makatang Tagalog ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Barrio Panginay, Bigaa, Bulacan. Siya ang bunso sa apat na anak ni Juan Balagtas na isang panday at Juana de la Cruz. Balagtas ang apelyido niya sa kanyang baptismal certificate subalit nang ipag-utos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria ang pagpapalit ng pangalan ng mga Pilipino noong 1849, pinili niyang gamiting ang apelyidong Baltazar. Kilala rin siya sa palayaw na Kiko. Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lang pala pagtutula ang alam ni Francisco Baltazar. Isa pala siyang canon lawyer, o abogado ng batas ng simabahang Katolika. Bukod sa Canon Law, inaral rin niya ang Philosophy, Latin at Classics sa Colegio San Juan de Letran at Colegio de San Jose. Nakapagtapos siya noong 1812. Ikinasal siya kay Juana Tiambeng noong Hulyo 22, 1842. Biniyayaan sila ng labing-isang anak bagaman apat lamang sa mga ito ang umabot ng mayor de edad.
Buhay Bilang Makata
Natutunan niya ang pagsulat ng mga tula sa tanyag na makata ng Tondo, si Jose de la Cruz, o mas kilala bilang Huseng Sisiw. Tinawag siya sa bansag na ito dahil hinihingan niya ng sisiw ang sinumang magpatulong sa kanya gumwa ng mga tula. Si Huseng Sisiw mismo ang personal na naghamon kay Baltazar na husayan pa ang kanyang pagsusulat. Ipinangako naman ni Balagtas na malalampasan niya ang galing ni De la Cruz dahil di tulad nito, hindi siya hihingi ng anumang kapalit bilang manunula.
Noon 1835 ay lumipat siyang Pandacan, at nakilala si Maria Asuncion Rivera. Inibig niya ang dalaga ngunit naudlot ang kanyang panliligaw dahil ipinakulong siya ng mayamang karibal na si Mariano Kapule sa mga kasalanang gawa-gawa lamang. Habang nakakulong siya ay nabalitaan niya na ikinasal ang dalaga at ang tusong karibal. Ang pangyayaring ito ang naging inspirasyon ni Kiko sa pagsulat ng pinakatanyag niyang akda, ang Florante at Laura. Isinulat niya ito sa wikang Tagalog, sa panahong halos lahat ng mga akda ng mga Pilipino ay nasa wikang Español.
Inilathala niya ang Florante at Laura nang makalaya siya noong 1838. Lumipat siya sa Balanga, Bataan taong 1840 para magsilbing asistant ng Justince of the Peace. Naging opisyal rin siyang tagasalin ng korte. Dito na rin sila ikinasal ni Juana Tiambeng. Taong 1856, hinirang siyang Major Lietutenant ngunit nakulong rin di kalaunan dahil pinagbintangan siya na umano’y nag-utos sa isang kasambahay ng isang mayamang tao na mag-ahit ng ulo.
Nakalaya siyng muli noong 1860 at ipinagpatuloy ang pagtutula. Makalipas ang dalawang taon, Pebrero 20, 1862, namatay siya sa edad na 73.
Mga Pamana
Marami ang nagtataka kung bakit dapat ituring na bayani si Francisco Baltazar. Ano nga raw ba ang naibahagi niya para makamit ang kasarinlan? Lingid sa kaalaman ng mga Kastila, ang Florante at Laura, bagama’t isang kwento ng pagmamahalan, ay mapanghimagsik ang tema. Ang matalisik na pamamaraan ni Balagtas sa paglalarawan ng mga pagmamalabis na nararanasan ng simpleng Juan sa kamay ng mga dayuhan ay hindi napansin ng mga Kastila. Malaki ang naging paghanga ni Rizal sa talento ni Baltazar. Sa katunayan, dala-dala niya sa Europa ang aklat ni Balagtas Nagsilbi siyang inspirasyon hindi lang kay Rizal kundi sa iba pang sumunod na mga bayani.. Sa kasalukuyan, naalala pa rin ang husay ni Baltazar sa mga Balagtasan tuwing kabuwanan ng Agosto.