SINO SI FRANCISCO DAGOHOY? TALAMBUHAY NG PAGAKLAS, DAGOHOY REBELLION

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Saksi ang isla ng Bohol sa naging pinaka-mahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas. Tumagal ito ng 85-taon mula 1744 hanggang 1828. Isa ito sa maituturing na unang tagumpay ng mga Pilipino laban sa pananakop ng mga Kastila. Ito ang tinawag na “Dagohoy Rebellion” dahil pinamunuan ito ng magiting, matapang at magaling na Boholanon – si Francisco Dagohoy.

· Bagaman walang rekord na makapagsasabi ng araw ng kanyang kapanganakan tinatantyang siya ay isinilang taong 1724 sa Barangay Cambitoon, Inabanga, Bohol.

· Ang tunay niyang pangalan ay Francisco Sendrijas. Ang bansag sa kanyang “Dagohoy” ay hango sa pinagdugtong na “dagon” o agimat at “hoyohoy” o hangin. Naniniwala ang marami na ang suot niyang agimat ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang makatalon sa kabilang bundok, dahilan kung bakit hindi siya kailanman nadakip ng mga Kastila.

· Siya ay naging kapitan ng isa sa mga barangay ng Inabangan.

· Ang Dagohoy Rebellion ay isa sa dalawang makasaysayang pag-aaklas na naganap sa Bohol. Yung isa ay ang tinawag na Tamblot Uprising noong 1621 kung saan si Tamblot, isang babaylan o katutubong pari ang nag-aklas kontra sa paglaganap ng Kristiyanismo sa kanilang lugar.

· Di tulad ng Tamblot Uprising, ang pag-aaklas ni Dagohoy ay hindi dahil sa relihiyon. Bagkus, ito ay dahil sa mga pang-aaping naranasan ng mga indio sa kamay ng ma Kastila. Pinalubha pa ito ng isang insidente kung saan sangkot ang kapatid ni Dagohoy at isang Heswitang pari.

· Noong 1744, inutusan ng Heswitang pari ng Inabanga na si Gaspar Morales ang kapatid ni Dagohoy na si Sagarino para hulihin ang isang pugante. Tinugis ito ni Sagarino ngunit sa kasamaang palad, nanlaban ito at siya ay napatay. Nang dalhin pabalik ni Dagohoy ang katawan ng kapatid para mabigyan ng isang Katolikong libing, tinanggihan ito nang mismong si Morales dahil labag umano sa Simbahang Katolika ang maglibing ng taong namatay sa isang duelo.

· Nagngingitngit sa galit si Dagohoy kaya kinumbinsi niya ang kanyang mga kababayan na mag-aklas.

· Enero 24, 1746 - Isa sa mga tauhan ni Dagohoy ang nakapatay kay Giuseppe Lamberti, isang Italyanong Heswita. Di kalaunan, napatay rin ni Dagohoy si Morales.

· Disyembre 20, 1745 - Itinatag ni Dagohoy ang Bohol Republic, isang malayang pamahalaan sa kabunduakn ng Bohol. Nagkaroon ito ng 3,000 tagasunod na di kalauna’y umabot ng 20,000.

· Isang kweba sa Danao ang kanyang naging himpilan.

· Dalawampung gobernador-heneral, mula kay Gaspar de la Torre hanggang sa kay Juan Antonio Martinez, ang sinubukang apulain ang rebelyon ngunit hindi nagtagumpay.

· Taong 1825 nang umupo bilang bagong gobernador-heneral si Mariano Ricafort Palacin.

· Mayo 7, 1827 – Sinindak ni Ricafort ang mga rebelde sa pamamagitan ng pagpapadala ng nasa 1,100 na mga Kastila na galing Maynila at Cebu, at 6, 024 na mga katutubo galing Bohol at Cebu para lusubin ang teritoryong hawak ni Dagohoy. Sa kabila ng tagumpay na ito, hindi pa rin ganap na nalusaw ang rebelyon.

· Abril 1828 – isa pang paglusob ng mga Kastila sa pamumuno ni Kapitan Manuel Sanz ang tuluyang umapula sa Dagohoy Rebellion.


· Pinatawad ni Gobernador-Heneral Ricafort ang 19, 420 na sumuko at pinayagang manirahan sa mga bayan sa kapatagan ng Bohol.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.