SINO SI FRANCISCO GUILLEDO? UNANG WORLD BOXING CHAMPION NG ASYA

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Kinikilala bilang isa sa mga pinakamagaling sa kasaysayan ng Filipino Boxing, ang pangalang Francisco Guilledo, o mas kilala bilang Pancho Villa, ay gumuhit ng takot sa lahat ng kanyang mga nakalaban sa ibabaw ng ring. Kilala rin bilang “Little Brown Boy” sa taas lamang ng 5’ 1”, nakapagtala siya ng 89 na panalo, 8 talo at 4 na tabla sa loob lamang ng anim na taon na pagboboksing – hindi pa kabilang ang ilang laban na hindi itinala dahil itinampok sa mga lugar kung saan ipinagbabawal ang boksing.

Unang Bahagi ng Buhay

· Ipinanganak siya sa Ilog, Negros Occidental. Iniwan sila ng kanyang ama noong siya ay anim na buwan pa lamang.

· 11 taong gulang siya ng pumunta sa Iloilo para magtrabaho bilang tagalinis ng sapatos.

· Nagkaroon siya ng isang kaibigang boksingero na nag-udyok sa kanya na sumama sa Tondo, Maynila para magboksing.


Professional Boxing Career

· Ang una niyang laban bilang propesyunal ay kontra kay Alberto Castro noong1919. Makalipas lamang ang dalawang taon, siya na ang Philippine Flyweight Champion.

· Siyam na beses niyang nilabanan ang American World Junior Lightweight Champion na si Mike Ballerino. Anim na beses niya itong tinalo.

· Mayo 1922 – Inimbitahan siya ng sikat na boxing promoter na si Tex Rickard para lumaban sa Estados Unidos. Tinanggap niya ang alok at naglayag kasama ang kanyang Amerikanong promoter na si Frank Churchill at boxing manager na si Paquito Villa.

· Sa loob lamang ng apat na buwan, nagkamit na siya ng panalo mula sa mga Amerikanong sina Abe Goldstein, Frankie Genaro at Johnny Buff – na nagpanalo sa kanya ng titulo bilang American Flyweight Champion. Sa sumunod na taon, napasa kay Frankie Genaro ang titulo nang matalo si Villa sa isang kontrobersiyal na desisyon.

· June 18, 1923 – Ginanap sa Polo Grounds, New York City ang pinakamatunog na tagpo sa boxing career ni Villa. 20,000 na tagahanga ang nakapanood kung paano tinalo ni Villa si Jimmy Wilde, isang Ingles, para sa World Flyweight Championship title. Sa tagumpay niyang ito, siya ang naging unga Pilipino at Asyano na naging world champion sa larangan ng boksing.

· Ipinagbunyi ito sa buong Kamaynilaan. Maingay na pinatunog ang sirena ng mga barko at ice plant sa lungsod.

· Binigyan si Villa ng hero’s welcome pagbalik ng bansa lulan ng SS President Grant.

· Maraming beses niyang naidepensa ang titulo.

· Bumalik uli siya sa bansa noong Setyembre 1924 at tinalo ang isang Pilipino na si Clever Sencio noong Mayo 2, 1925 bago bumalik ng Amerika.


Laban Kontra Jimmy McLarnin at Kamatayan

· Ipinatawag ni Churchill si Villa pabalik ng Amerika para sa kanyang laban kontra Jimmy McLarnin na nakatakdang ganapin sa Oakland California sa ika-4 ng Hulyo, 1925 – US Independence Day.

· Pinirmahan ni Pancho ang kontrata noong Hunyo 8 subalit sa huling bahagi pa lamang ng buwan, namaga ang kanyang mukha dahil sa sumasakit na ngipin.

· Ayon sa ilang diyaryo, nagpunta si Villa sa isang dentista sa mismong araw ng kanyang laban. Pinabunot niya umano ang sumasakit na ngipin at nagdesisyon na ipagpatuloy ang nakatakdang laban.

· Isang kamay na lang ang ginamit ni Pancho Vill sa laban. Ang isang kamay ay panay nakatakip sa apektadong bahagi ng kanyang mukha. Natalo siya sa laban.

· 2-3 days matapos ang laban, ipinabunot ng dentista ang tatlo pa niyang ngipin nang madiskubre na mayroong impeksyong namuo. Pinayuhan siyang magpahinga.

· Sa kabila ng payo ng doktor na magpahinga, pinili ni Villa na magdaos ng kasiyahan ng ilang araw kasama ang mga kaibigan.

· Hulyo 13, 1925 – Dinala siya sa ospital at nadiskubre na kumalat na ang impeksyon sa kanyang lalamunan, isang kondisyon na tinatawag na Ludwig’s angina. Inoperahan siya, nakoma at namatay kinabukasan, Hulyo 14, 1925, sa edad na 24.



About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.