SINO SI GABRIEL “FLASH” ELORDE? UNANG ASYANO SA BOXING HALL OF FAME

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Bilang kauna-unahang Asyano na nahirang sa New York-based na International Boxing Hall of Fame, isa si Gabriel Elorde sa maliit na bilang ng mga boksingerong Pilipino na matagumpay na itinaas ang bandera ng bansa. Siya ang kasalukuyang longest reigning junior lightweight champion sa kasaysayan ng boksing. Hinawakan niya ang kampeonatong ito sa loob ng pitong taon.

Pamilya at Unang Bahagi ng Buhay

Si Gabriel Elorde ay ipinanganak sa Bogo, Cebu sa isang mahirap na pamilya. Bunso siya sa 15 na magkakapatid. Grade 3 lang ang kanyang natapos. Nakapagtrabaho siya bilang tagadala ng bola ng bowling. Nakapagtrabaho rin siya bilang karpentero. Tinuruan siyang magboksing ng isang kaibigan, si Lucio Laborte na dating professional boxer.

Ikinasal siya kay Laura Elorde. Ang mga anak nilang lalaki na sina Gabriel Jr., (bebot), Marty at Johnny ay pumasok sa mundo ng boksing bilang mga promoter at manager.


Buhay Propesyunal

Tinawag siyang “Flash” dahil sa kanyang angking husay at bilis ng kamay. Bilang isang kaliwete, and kanyang istilo ay inilarawan ng writer na si Rober Lipsyte bilang “subtle little temple-dancer moves”. Una siyang sumabak sa professinal boxing sa edad na 16 noong Hunyo 16, 1951 kontra kay Kid Gonzaga. Kahit na baguhan, tinalo niya ang kalaban sa ikaapat na round. Sa loob lamang ng isang taon, siya na ang may hawak ng National Bantamweight title.

Naipanalo niya ang Philippine at Asian bantamweight title mula kay Tanny Campo at Hiroshi Horiguchi. Tinalo rin niya ang all-time great world featherweight champion na si Sandy Saddler noong 1955 sa isang non-title bout.

Nagkaroon sila ng rematch ni Sandler nang sumunod na taon. Natalo si Elorde sa isang desisyon. Marami ang nadismaya sa resulta hindi lang dahil sa hindi patas na pagbibigay ng puntos kundi dahil na rin sa maruming istilo ng paglalaro ng Amerikanong kampeon.

Napanalunan niya ang World Super Featherweight noong Marso 16, 1960 nang maknock out niya ang defending champoion na si Harold Gomes sa ikapitong round. Ito na ang unang world title ng Pilipinas makalipas ang 20 taon. Idinepensa niya ang korona nang sampung beses hanggang ika-15 ng Hunyo 1967, nang talunin siya sa isang majority decision ni Yoshiaki Numata ng Japan.

Dalawang beses niyang tinangkang sungkitin ang lighweight title ni Carlos Ortiz ngunit dalawang beses rin siyang nabigo. Sa kanilang ikalawang laban ay natikman ni Elorde ang kanyang unang talo via knockout sa ika-14 na round.

Nagretiro siya sa rekord na 88 na panalo, 27 taloa ar dalwang tabla. Itinuturing siyang “greatest super featherweight champion of all time” sa kasaysayan ng WBC.


Buhay sa Labas ng Ring

Naging endorser si Elorde ng ilang produkto, tulad ng San Miguel Beer. Ayon kay Ted Lerner, isang boxing commentator, lubos na minahal ng masa si Elorde dahil sa kanyang, mahiyain at mapagkumbabang ugali. Kailanman ay hindi siya nasangkot sa anumang iskandalo. Nagpagawa pa umano siya ng simbahan at bahay-ampunan mula sa kanyang kinita sa pagboboksing.


Kamatayan

Sa edad na 49, namatay ang “The Flash” noong January 2, 1985 sa sakit na cancer.



About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.