SINO SI GRACIANO LOPEZ JAENA? TALAMBUHAY NG “PRINSIPE NG MGA ORADOR”

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Sa payo ni Jose Rizal, binuo ang La Liga Filipina na siyang opisyal na organisasyon ng Kilusang Propaganda Ang La Solidaridad naman ay ang opisyal na pahayagan nga kilusan. Sa tuwing nababanggit ang La Solidaridad, kusang pumapasok sa isip ang pangalang Marcelo del Pilar. Subalit alam mo ba na hindi siya ang tanging naging patnugot nito? Ang unang patnugot ng La Solidaridad na siya ring nagtatag nito ay walang iba kundi ang tinawag na “Prinsipe ng mga Orador” na si Graciano Lopez Jaena.

SINO SI GRACIANO LOPEZ JAENA TALAMBUHAY NG “PRINSIPE NG MGA ORADOR”

· Ipinananganak siya noong Disyembre 18, 1856 sa Jaro, Iloilo sa isang mahirap na pamilya.

· Ang ama niyang si Placido Lopez, bagaman nakapag-aral ay isang pangkaraniwang mangungumpuni. Ang ina naman niyang si Maria Jacoba Jaena ay isang mananahi.

· Nais ng kanyang ina na magpari siya pero tinanggihan niya ito sa kagustuhang maging doktor.

· Nahirapan siyang makapag-enrol sa kursong medisina dahil ang eskewelahang pinanggalingan niya ay hindi nag-aalok ng Bachelor’s Degree. Nakapag-apprentice siya sa San Juan de Dios subalit panandalian lamang dahil nahirapan na ang kanyang magulang na tustusan pa ang kanyang pag-aaral. Umuwi siya sa kanilang bayan at doon ginamit ang natutunan sa panggagamot.

· Habang ginagamot niya ang kanyang mga kababayan ay napansin niya kung paano tiisin ng mga ito ang mga kalunos-lunos nilang kalagayan sa ilalim ng pamahalaang Español.

· Noong 1874 ay isinulat niya ang “Fray Botod” at “La Hija del Fraile” bilang propaganda at paglalarawan ng mga pagmamalabis ng mga prayleng Kastila.

· Napag-initan siya ng mayor ng Pototan nang tumanggi siyang tumestigo para sabihing namatay ang ilang preso sa natural na kadahilanan gayong halata naman na ang mayor mismo ang may kagagawan nito.

· Patuloy niyang nilabanan ang ilan pang mga pang-aabuso at kinailangan niyang pumunta ng España (1880) nang magsimulang bumuhos ang mga banta sa kanyang buhay. Dito ay naging aktibo siya sa Kilusang Propaganda.

· Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng medisina sa University of Valencia pero hindi rrin niya tinapos. Minsan ay tinanong siya ni Rizal kung bakit ayaw niyang tapusin ang kurso, ang naging sagot niya: “Hindi dapat nakapatong sa balikat ng isang alipin ang kapa ng isang doktor”. Sinagot ito ni Rizal: “Hindi ang balikat ang nagbibigay-parangal sa kapa ng doktor, ang kapa ng doktor ang nagbibigay-parangal sa balikat”.

· Pinasok niya nag mundo ng pamamahayag. Ginamit niya ito para palawakin ang galaw ng propaganda.

· Sinasabing humigit-kumulang sa isang libong mga talumpati ang nabigkas ng “Prinsipe ng mga Orador” sa Europa. Sobrang galing niya sa pananalumpati na ayon kay Mariano Ponce na isa ring propagandista: "... a deafening ovation followed the close of the peroration, the ladies waved their kerchiefs wildly, and the men applauded frantically as they stood up from their seats in order to embrace the speaker." Pinatotohanan ito ni Rizal nang mabanggit niya na si Lopez Jaena ay likas na magaling sa pananalumpati na tila ba gusto nitong maging pulitiko.

· Pebrero 15, 1889 – Itinitag niya ang La Solidaridad. Ipinasa ang pagpapatnugot nito kay Del Pilar nang ilipat ang kanilang tanggapan mula Barcelona patungong Madrid.

· Imbes na umuwi ng Pilipinas, tumuloy siya sa Hong Kong nang mabalitaan ng mga Kastila ang kanyang pagbabalik.

· Bumalik siya sa Barcelona at namuhay sa karalitaan.


· Namatay siya noong Enero 20, 1986 dahil sa sakit na tuberkulosis. Ang kanyang mga labi ay nakalibing sa isang mass grave sa Montjuïc Cemetery sa Barcelona.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.