SINO SI GREGORIA DE JESUS? TALAMBUHAY NG ASAWA NI ANDRES BONIFACIO

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Mataas ang pagtingin ng Katipunan sa kakayahan ng mga kababaehan. Nang maitatag ang kauna-unahang sangay ng Katipunan para sa kanila, itinalagang bise-presidente si Gregoria de Jesus ng sangay na ito. Siya rin ang naging katiwala sa pag-iingat at pagtatago ng mga importanteng dokumento ng kilusan.

Family Background

· Isinilang siya noong Marso 9, 1875 sa isang relihiyosong pamilya sa Caloocan.

· Ang kanyang ama na si Nicolas de Jesus ay isang dating karpentero na naging gobernadorcillo.

· Nung kanyang kabataan, isa siyang magaling at matalinong estudyante. Nagkamit siya ng silver medal sa isang pagsusulit na inorganisa ng gobernador-heneral at mga pari.

· Nang mag-hayskul siya, kinumbinsi siya ng kanyang mga magulang na manatili sa bahay para bantayan ang mga nakababatang kapatid at ang kanilang sakahan.


Siya at si Andres Bonifacio

· Napusuan ni Andres Bonifacio ang 18-anyos na si Gregoria. Tinungo niya ang mga magulang ng dalaga para hingin ang kamay nito. Tumanggi ang ama ni Gregoria dahil si Bonifacio ay isang Mason. Sa panahong iyon, mahigpit nang ipinagbabawal ng Simbahang Katolika ang pagsapi sa kapatiran ng mga Mason. Bilang isang taong maka-diyos, hindi tanggap ni Nicolas de Jesus na maikasal ang kanyang anak sa isang kalaban ng simabahan.

· Hindi nawalan ng pag-asa si Bonifacio. Inabot ng anim na buwang panliligaw bago tanggapin ni Gregoria ang kanyang pag-ibig. Kinausap ni Gregoria ang kanyang ama at hiningi ang permisong maikasal kay Bonifacio. Pumayag naman ito.

· Sumali siya sa Katipunan bago pa man sila ikinasal. Ginamit niya ang sagisag na “Lakambini” na nangangahulugang diwata.

· Ikinasal sila sa Binondo Church noong 1893. Matapos ang isang linggo, ikinasal silang muli ayon sa seremonya ng Katipunan.

· Pagkatapos ng isang taon, bumalik siya sa tahanan ng kanyang mga magulang para ligtas na magbuntis. Pinangalanan niya ang kanilang anak ng Andres.

· Semanta Santa ng taong 1896, dalawang buwan pagkatapos manganak, bumalik sila ng Maynila. Nadatnan nila ang kanilang tahanan na nasusunog. Kinailangan nilang magpalipat-lipat ng tirahan at makitira sa bahay ng mga kaibigan at kamag-anak.

· Matapos laman ang ilang buwan, binawian ng buhay ang nag-iisa nilang anak dahil sa bulutong.

· Sa ika-19 ng Agosto, 1896 inilantad ng traydor na si Teodoro Patino ang Katipunan. Maraming miyembro ang pinatay at inaresto.

· Matagumpay na nilusob ng mga natirang Katipunero ang isang imbakan ng pulbura ng mga Kastila. Ang tagumpay na ito ang naging mitsa ng kamatayan ng karamihan sa kanila. Naging kampante kasi sila at itinuloy ang paglusob sa Maynila. Dinaig sila ng bilang ng mga Kastila. Daan-daan ang namatay.

· Lalong humina ang kilusan nang mahati sa dalawang sangay ang Katipunan – ang Magdiwang na nanatili sa pamumuno ni Bonifacio at ang Magdalo na hawak ni Emilio Aguinaldo.

· Abril 28, 1897 – Nabihag si Andres Bonifacio kasama ang kapatid na si Procopio ng mga tauhan ni Aguinaldo. Ang isa pa nilang kapatid na si Ciriaco ay napatay.

· Mayo 10, 1897 – Pinatay ang magkapatid na Bonifacio sa kasong sedisyon.

Pagkatapos ng Himagsikan

· Nahulog ang loob ni Gregoria de Jesus kay Julio Nakpil, isang kumander ng Katipunan na tapat kay Bonifacio.

· Nagpakasal sila sa simbahan ng Quiapo noong Disyembre 10, 1898. Nabiyayaan naman sila ng anim na anak.

· Sa pagtatapos ng himagsikan, tumira sila sa bahay ng kapatid na babae ni Nakpil na si Petrona.

· Hindi nagkaroon ng anak si Petrona at ang kanyang pilontropong asawa na si Dr. Ariston Bautista kaya malugod nilang tinulungan si Greogoria sa pagpapalaki at pagpapa-aral ng kanyang mga anak.


· Namatay si Gregorai de Jesus noong Marso 18, 1943 sa kasagsagan ng pananakop ng mga Hapones.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.