SINO SI HIDILYN DIAZ? TALAMBUHAY KAUNA-UNAHANG OLYMPIC SILVER-MEDALIST

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Nagbunyi ang buong bansa ng muli tayong makasungkit ng pilak sa 2016 Rio Olympics matapos ang dalwang dekada. Sa paligsahang tila mas naayon para sa kalalakihan, isang Pilipinang weightlifter ang nagtaas ng bandera ng Pilipinas. Saksihan natin kung paano ang isang landas na puno ng kabiguan ay nagresulta pa rin sa isang nakaka-inspire na tagumpay.

SINO SI HIDILYN DIAZ TALAMBUHAY KAUNAUNAHANG OLYMPIC SILVERMEDALIST

Buhay-Pamilya

· Tubong Zamboanga City, si Hidilyn F. Diaz ay ipinanganak noong Pebrero 20, 1991 sa mag-asawang Eduardo at Emelita Diaz.

· Siya ay panglima sa anim na magkakapatid. Mahirap ang kanilang naging pamumuhay at kinailangan niyang magtinda ng gulay at isda noong nasa elementarya pa siya.

· Ang pinsan niyang si Allen Jayfrus Diaz ang nagturo sa kanya ng basics ng weightlifitng.

· Kumuha siya ng kursong Computer Science sa Universidad de Zamboanga. Hindi niya ito natapos dahil napagtanto niyang hindi ito nababagay sa kanya.

Weightlifting Career

· 2008 Summer Olympics

o Napasama siya sa Summer Olympics noong 2008 bilang wild card entry lamang.

o Siya ang pangalawang Pilipino na weightlifter na napasabak sa Olympics ngunit natatangi at unang babae sa kasaysayan ng Philippine Weightlifting sa Olympics.

o Natapos niya ang kompetisyon sa pwestong panglabing-isa sa labing-dalawang manlalahok.

· 2012 Summer Olympics

o Siya ang naging kauna-unahan Pilipina na lumahok sa magkasunod na Olympics sa pagsali niya sa women’s weightlifting sa kategoryang under 58 kg sa Continental at World Qualifying Tournament.

o Siya ang pang-siyam (rank 9) patungong Olympics nang taong iyon.

o Siya ang napiling maging flagbearer para sa Opening Ceremony ng 2012 London Olympics.

o Ang coach niya rito ay si Tony Agustin. Target nilang makuha ang 225 kg lift, anim na kilong higit sa personal best ni Hidilyn na 219 kg. Kahit na tagumpay siyang higitan ang kanyang persnal best sa snatch (97 kg), bigo siya sa Clean and Jerk matapos tangkaing maiangat ang barbel nang tatlong beses.

o Isa lamang siya sa dalawang manlalahok sa paligsahang ito na nagtapos sa opisyal na resultang “Did not finish”.

· 2015-2016

o 56.28 kg lamang siya nang unang mapasabak sa Olympics, pinakamagaan sa lahat ng manlalahok.

o Para mas lumaki ang tyansa niya na makasungkit ng medalya sa 2016 Olympics, napagpasyahan niyang bumaba sa kategoryang 53 kg. Napatunayan naman itong epektibo nang masungkit niya ang gintong medalya sa 1st Southeast Asian Weightlifting Championships sa Bangkok, Thailand.

o Nakakuha rin siya ng tatlong bronze medals sa IWF World Weightlifting Championship na ginanap sa Houston, Texas noong Nobyembre 22, 2105 na nag-qualify sa kanya sa 2016 Rio Olympics.

o Marso 2016 – dinomina niya ang 58 kg event ng 2015-16 Philippine National Games na ginanap sa Lingayen Town Plaza sa Pangasinan.

· 2016 Summer Olympics

o Lumahok siya sa 53 kg division na ang balak lamang ay makasungkit ng bronze. Nalampasan niya ang kanyang personal na target at nasungkit pa ang pilak.

o Ito na ang na ang unang silver medal ng Pilipinas sa Olympics sa loob ng 20 taon.

o Ito rin ang kauna-unahang medalya sa labas ng boxing simula 1936.

o Ang partisipasyon niya sa 2016 Rio Olympics ang kanyang pangatlong sunod-sunod na paglahok. Siya ang unang Pilipina na nakagawa nito.

o Siya rin ang natatanging Pilipina na nakasungkit ng medalya sa Olympics.

Military Career

o Nirecruit siya ng Philippine Air Force noong 2013 at natalaga sa Air Force Special Service Group. Noong 2014 ay na-promote siya mula sa ranggong Airwoman tungong Airwoman Second Class. Na-promote uli siya sa ranggong Airwoman First Class matapos ang kanyang naging magandang palabas sa 2016 Olympics.



Noong Agosto 8, 2016, umuwi siya sa Zamboanga City at sinalubong ng isang Hero’s Welcome. Noong Enero 5, 2017 ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo sa De La Salle-College of Saint Benilde.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.