SINO SI JESUS VILLAMOR? TALAMBUHAY NG BAYANING PILIPINONG PILOTO

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Ang Villamor Air Base ang pangunahing himpilan ng Philippine Air Force. Dati itong tinawag ng mga Amerikano bilang Nichols Field bago pa man ang World War II. Taong 1982 lamang ito ipinangalan ni Ferdinand Marcos kay Colonel Jesus Antonio Villamor. Ngunit sino nga ba si Villamor at ano ang naging ambag niya sa kasaysayan ng bansa?

Pamilya at Edukasyon

Ipinanganak si Jesus Antonio Villamor sa Bangued, Abra noong Nobyembre 7, 1914. Siya ang bunso sa pitong anak ng mag-asawang Ignacio Villamor – ang unang Pilpinong presidente ng Unibersidad ng Pilipnas – at Maria Flores. Sa Abra siya nag-aral ng elementarya at sekundarya. Nag-aral siya ng komersiyo sa De La Salle College sa kagustuhang maging negosyante.

Taong 1936, sumali siya sa Philippine Army Air Corps Flying School. Kapuna-puna ang kanyang galing sa pagpapalipad kaya ipinadala siya sa Estados Unidos para sumailalim sa advanced training. Gumradweyt siya sa U.S. Air Corps Flying School noong 1937, at sa U.S. Air Force Technical School noong 1938. Lumahok rin siya sa training ng Bombing Squadron na gumamit sa makasaysayang pamombang eruplano na B-17 at B-22.


Buhay-Militar at Mga Parangal

Pagbalik niya ng bansa ay itinalaga siyang tagapamuno ng 6th Pursuit Squadron kaagad bago ang pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ang mga eruplano ng 6th Pursuit Squadron ay ang Boeing P-26. Lubos itong luma at dehado sa mga makabagong Mitsubishi G3M at Mitsubishi A6M Zero ng mga Hapones. Sa kabila ng malaking desbentaha, tagumpay pa rin na nababagsak ng kanyang squadron ang apat na eruplano ng mga Hapones, dalawa rito siya mismo ang may gawa. Pinarangalan siya ng dalawang beses ng US Army. Isang Distinguished Service Cross para sa katapangang ipinakita niya noong Disyembre 10, 1941, at isa pang DSC para naman sa kadakilaan niya noong Disyembre 12, 1941. Siya ang natatanging Pilipino sa kasayasayan na nagkamit ng dalawang Distinguished Service Cross. Mula rin sa mga Amerikano ang nakuha niyang Legion of Merit. Ang Medal of Valor naman na siyang pinakamataas na parangal para sa isang Pilipinong sundalo ay ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Enero 21, 1954.


Buhay-Espiya

Isa si Jesus Villamor sa mga opisyal na Pilipino na sumama kay Gen. MacArthur sa pagtakas nito mula sa mga Hapones. Naging kumander si Villamor ng Allied Intelligence Bureau, isang asosasyon ng paniniktik na binubuo ng mga Amerikano, Briton, Australians at Olandes laban sa mga bansang ka-alyado ng Axis (Alemanya, Hapon, atbp.).

Inatasan siya ng AIB na magtatag ng ilang hukbo na magpopokus sa military intelligence at secret service. Ang hukbong ito ay pamumunuan rin niya pabalik ng bansa para manabotahe, manikitk at mag-udyok ng isang passive resistance mula sa mga Pilipino.

Mahirap ang dinaanang pagsasanay ng mga kalahok. Inarala nila ang ilang mga codes, pagde-decipher, secret inks, pagababalatkayo, pagkilala sa mga eruplano at sasakayang pang-militar, at celestial aviation. Sa araw ay ginagamit nila ang ilang mga patay na katawan para magsanay sa mga epektibong pamamaraan ng mano-manong laban. Minsan ay iniiwan sila ng tatlong araw sa isang masukal na gubat dala lamang ang isang kutsilyo at pangtali. Kumakain lamang sila ng mga nabibitag na pabo at wallaby (iang hayop na kamukha ng kangaroo).


Noong Disyembre 27, 1972, lumulan sila sa SS Grudgeon pabalik ng bansa. Ang hukbo ni Villamor ang nagsilbing mata at tenga ng Amerika na naglunsad ng ilang ‘clearing operations’ para sa makasaysayang pagbabalik ng mga Amerikano sa pamumumuno ni Gen. Douglas MacArthur. Namatay siya sa Georgetown University sa Washington, D.C. noong Oktubre 28, 1971.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.