Sino si Juan Luna? Talambuhay Rebolusyonaryo Idinaan Laban sa Pagpinta

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Ayon sa isang talambuhay na isinulat mismo ng kaibigang si Jose Rizal, ang nakaraan ni Juan Luna ay pandak, maihahalintulad sa isang halaman – nakatago sa lupa at pilit gumagawa ng daanan para makita ang araw – sa kabila ng libo-libong mga balakid.

Mga Kapatid

Si Juan Luna ay ipinanganak noong Oktubre 23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte. Pangatlo siya sa pitong anak ng mag-asawang Joaquin Posadas Luna at Laureana Ancheta Novicio-Luna. Masasabing kapwa matagumpay sa kani-kanilang mga napiling larangan ang magkakapatid. Ang kanyang kuya na si Manuel, bagama’t namatay sa kanyang ng maaga, ay isang musikero at likas na alagad ng sining. Ang kanyang kapatid na si Jose ay isang doktor, na ayon sa mga salita ni Jose Rizal, ay siyang pinakamagaling na surgeon sa buong kapuluan. Ang pinakatanyag at bunso sa magkakapatid na si Antonio Luna at isa pang kapatid na si Joaquin naman ay naging mga kapuna-punang personalidad sa digmaang Pilipinas-Amerika. Ang iba pa niyang mga kapatid ay sina Numeriana, Manuel at Remedios.

Ang Kanyang Sining

Nag-aral siya sa Escuela de Manila (ngayon ay Philippine Merchant Maritime Marine Academy) at naging mandaragat. Kumuha siya ng drawing lessons sa ilalim ng tanyag na si Lorenzo Guerrero na taga ermita, Maynila. Dito siya naunang natutong magpinta. Nag-enroll naman siya sa Academy of Fine Arts kung saan siya inimpluwensiyahan at tinuruan ng Kastilang pintor na si Agustin Saez. Sa kasamaang palad, hindi nagustuhan ni Saez ang kanyang malakas na paghagod sa brush kaya pinatalsik siya nito sa akademya.

Taong 1877, nang bumyahe siya kasama ang kapatid na si Manuel sa Europa, pumasok siya sa Escuela de Bellas Artes de San Fernando. Dito niya naging kaibigan si Don Alejo Vera na siyang nag-expose sa kanya sa sining ng mga pintor ng Renaissance. Doon na nagsimulang sumali sa mga patimpalak si Juan Luna.

Noong 1881, ang kayang La Muerte de Cleopatra (Ang Pagkamatay ni Cleopatra) ay nanalo ng silver medal. Ang panalo niyang ito ay nagresulta sa isang iskolarship na 600 pesos kada taon sa pamamagitan ng Ayuntamiento ng Maynila. Nagsunod-sunod na ang pagpinta niya ng mga obra na tinangkilik ng iba’t-ibang lahi. Nariyan ang Spoliarium na nagwagi ng tatlong ginto sa 1884 Exposición Nacional de Bellas Artes. Nariyan rin ang El Pacto de Sangre (Ang Sanduguan), ang Rendicion de Granada (Pagsuko ng Granada) at La Batalla de Lepanto (The Battle for Lepanto) na kapwa nanalo ng sa exhibitiion noong 1887.

Lumipat siya sa Paris noong 1885 at doon nakilala si Hidalgo. Naging magkaibigan sila ng hari ng España.

Buhay-Pamilya

Ika-8 ng Disyembre, 1886 – ikinasal si Juan Luna kay Maria de la Paz Pardo de Tavera, kapatid ng kanyang kaibigan na si Felix at Trinidad Pardo de Tavera. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki na tinawag nilang Andres at isang babae na tinawag nilang Bibi, na namatay noong sanggol pa lamang. Sa kabila ng isang tanyag at marangal na estado sa kanyang sining, si Juan Luna ay nagpakita ng isang malaking kahinaan. Bagama’t mahal na mahal niya ang kanyang asawa, madalas niya itong pinagdududahan na mayroong relasyon sa isang nagngangalang Monsieur Dussaq. Sa isang silakbo ng pagseselos, napatay niya ang kanyang asawa at ang kanyang babaeng manugang. Nasugatan niya rin ang kanyang kaibigang si Felix. Setyembre 23, 1892 nang makulong siya sa kasong murder. Pinalaya naman siya noong Pebrero 8, 1893 sa kondisyong babayran ang mga Pardo de Taveras ng 1,651.83 francs at karagdagang 25 francs para bayad sa koreo.

Kontribusyon sa Rebolusyon

Taong 1894, nagbalik siya sa Pilipinas, nagpuntang Hapon noong 1896 at muling nagbalik noong Sigaw sa Balintawak. Setyembre 16, 1896, siya at ang kanyang kapatid na si Antonio ay inaresto ng mga Kastila dahil sa pagkakasangkot sa kilusan ng Katipunan. Kahit nakakulong, nakakagawa pa rin siya ng mga obra. Napalaya siya sa bisa ng isang pardon at nagbalik sa España. Naging miyembro siya ng Paris delegation na nagsusulong na kilalanin ang Republika ng Pilipinas.

Bumalik siya ng bansa ng marinig ang balita tungkol sa pagkamatay ni Antonio. Bumiyahe siya patungong Hong Kong at namatay doon noong Disyembre 7, 1899 dahil sa atake sa puso.


Sa kasamaang-palad, ilan sa mga obra ni Juan Luna ay nasira sa sunog noong World War II. Gayunpaman, hindi maikakaila na magpahanggang ngayon, nananatiling buhay si Juan Luna sa kanyang mga obra na nakaimbak sa mga museo, sa Malacañan at mga pribadong tahanan. Ang obra niyang pinamagatang A Do Va La Nave na kamakailan ay binili ng isang pribadong kolektor sa halagang 46.72 million pesos, ay patunay lamang ng kahalagahan nito hindi lamang dahil sa ito’y obra ng isang henyo kundi dahil na rin sa kwentong ipininta nito sa pandaigdigang kasaysayan.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.