SINO SI LAKAN DULA? TALAMBUHAY NG HULING HARI NG TONDO

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Bago duamting ang mga Kastila, tatlong Rajah ang naghari sa mga kapuluan ng Luzon. Si Rajah Matanda ang hari ng Pasig, si Rajah Sulayman naman ang hari ng Kamaynilaan at ilan pang mga karatig na kapuluan at si Lakan Dula na siayng huling hari ng Tondo.

SINO SI LAKAN DULA TALAMBUHAY NG HULING HARI NG TONDO

· Si Lakan Dula ang naging huling hari ng “Kingdom of Tondo” bago pa man dumating ang mag Kastila bandang 1570s.

· Ayon sa tala ng mga Kastila, magiliw na ipinakilala ni Lakan Dula ang kanyang sarili bilang si “Bunao Lakan Dula, Hari ng Tondo”. Bunao ang kanyang pangalan, at Dula ang kanyang apelyido.

· Madalas siyang tinatawag na “Rajah Lakandula” sa ilang aklat ngunit mali raw ito. Ang Lakan umano ay katumbas na ng salitang hari o Rajah kaya mali ang paggamit ng Rajah at Lakan nang sabay.

Buhay Bago ang ang Spanish Colonization

· Tinatayang ipinanganak siya noong 1503 bilang isang katutubo na may halong dugo ng mga Tagalog at Kapampangan. Ang paggamit niya umano sa panggalang nga Lakan imbes na Rajah ay patunay na hindi siya nagmula sa labas ng bansa tulad ng ibang mga pinunong Muslim.

· Pinaniniwalaang ninuno niya si Haring Balagtas.

· Ayon sa istoryador na si William Henry Scott, naisulat ng Agustininian na si Fray Martin de Rada na ang mga taga-Tondo ay “more traders than warriors”.

· Dominado umano ng mga bangkang galing Tondo ang kalakalan sa buong kapuluan. Minsan ay napagkakamalan silang mga Intsik dahil sa dala nilang mga palamuting galing Tsina.

· Masasabing isang tuso ngunit magaling na mangangalakal si Lakan Dula. Tinatanggalan niya umano ng mga layag at timon ang mga nakadaong na bangka ng mga Intsik hangga’t hindi pa ito nakakabayad ng buwis. Binibili naman niya lahat ng kalakal ngunit binabayaran lamang ang kalahati ng kabuuang halga nito. Saka na niya babayaran ang kulang na kalahati pagbalik ng mga Intsik sa susunod na taon.

· Ipinagbibili naman niya ang mga ito sa karatig-bayan at iba pang kapuluan. Umunlad ang Tondo sa kapanahunang ito dahil naging sentro ito ng pangangalakal.

Panahon ng mga Kastila

· Noong dumaong si Miguel Lopez de Legazpi sa Manila Bay noong Mayo ng1571, naroon sa Lakan Dula para batiin siya.

· Kasama si Rajah Sulayman at Rajah Matanda, napagkasunduan na hindi na papasukin ni Legaspi ang Tondo. Sa halip ay pwede siyang tumuloy sa Maynila at magtatag ng garison doon.

· Nabinyagan bilang mga Kristiyano si Banao Lakan Dula at ang kanyang mga anak. Kinuha niya ang pangalang Don Carlos Lacandola bilang reperensiya sa Haring Carlos I ng Espanya.

· Nang magkaroon ng giri-an sa pagitan ng mga Kastila at ng ilang mga katutubo, nanatiling tapat si Lakan Dula sa mga dayuhan.

· Hindi siya umanib sa koalisyon ni Datu Tarik Sulayman at Rajay Sulayman III sa naganap na “Battle of Bangkusay” noong Hunyo 1571.

· Nang matapos ang bakbakan sa “Battle of Bangkusay”, napatay si Tarik Sulayman at at nakatakas si Rajah Sulayman. Ilan sa mga dinakip at ikinulong ay dalawang pamangkin ati ilang mga opisyal ni Lakan Dula. Pinakawalan naman ang mga ito ni Legaspi dahil napatunayang wala silang kinalaman sa koalisyon at nanonood lamang nang maganap ang labanan.

· Sinasabing si Lakan Dula ang naki-usap kay Rajah Sulayman na makipag-ayos sa mga Kastila na siya ngang nangyari.


· Walang tala ng araw ng kanyang kamatayan subalit tinataayang namatay siya noong 1575, tatlong taon nang mamatay so Legazpi at Rajah Matanda.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.