SINO SI LEA SALONGA? TALAMBUHAY NG SIKAT NA MANG-AAWIT NA FILIPINA

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

FILIPINA

Pinupuri siya sa buong mundo dahil sa kahanga-hangang talento sa pagkanta. Bilang isang mang-aawit, kamangha-mangha ang kanyang soprano range mula D3 hanggang C6. Heto at mas kilalanin pa natin ang tinawag ring “Pride of the Philippines”.

Pamilya

· Ang kanyang buong pangalan ay Maria Lea Carmen Imutan Salonga. Ipinanganak siya sa Medical Center Manila noong ika-22 ng Pebrero 1971.

· Ang kanyang mga magulang ay sina Felicaion Genuino Salonga, isang Rear Admiral ng navy at may-ari ng isang shipping company, at Maria Ligaya Alcantara.

· Noong Enero 19, 2004, ikinasal siya kay Robert Charles Chienm isang Chinese-Japanese managing director ng isang software company sa LA, California.

· Ang anak niyang si Nicole Beverly Chien ay ipinanganak noong 2006.


Edukasyon at Simula ng Singing Career

· Sa edad na pito, nagsimula ang kanyang professional singing career. Ito ay nang gumanap siya sa King and I para sa Repertory Philippines. 50 pesos ang ibinayad sa kanya.

· Naktatangap si Lea ng nominasyon para sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) award for Best Child Actress.

· Naka-tatlong Aliw Awards naman siya para sa ‘best child performer’ sa mga taong 1980, 1981 at 1982.

· Nakapagtanghal siya kasabay ang mga internasyonal na singers na Menudo at Stevie Wonder nang mag-konsiyerto ang mga ito sa Maynila.

· Natapos niya ang sekundarya noong 1988 sa O.B. Montessori Center sa
Greenhills, San Juan, Manila bilang Bergamo 1 Student (Excellent o may gradong 94%-100%).

· Nag-enrol siya sa extension program ng College of Music ng Unibersidad ng Pilipinas.

· Nakapag-aral siya ng isang taon bilang biology student sa Ateneo de Manila dahil pinangarap niya minsan ang maging doktor. Naantala ang pag-aaral niyang ito nang makuha siya para gumanap sa Miss Saigon.

· Ang kantang On My Own ang kanyang kinanta sa audition para sa papel ni Kim sa Miss Saigon. Pinakanta rin sa kanya ang Sun and Moon.

· Ang kaibigan niyang si Monique Wilson na isa ring artista sa Pilipinas ay nag-audition rin para sa papel na Kim. Dahil si Lea ang nakuha, siya ang naging understudy o tagahalili ni Lea. Ibinigay rin sa kanya ang papel na Mimi, isang serbidora sa bar.

· Ilan sa mga parangal na kanyang nakuha para sa pagtanghal niya sa Miss Saigona y ang Laurence Olivier (1990), Drama Desk, Outer Critics Circle, at Theatre World Award. Siya rin ang kauna-unahang babae mula sa Asya ang nakatanggap ng Tony Award. Nakatanggap naman siya ng Presidential Award of Merit mula kay Pangulong Corazon Aquino.

· Habang nagtatrabaho sa New York, kumuha siya ng dalawang kurso sa Fordham University.


Pagkatapos ng Miss Saigon

· Noong 1992, siya ang nasa likod ng “singing voice” ni Princess Jasmine sa sikat na pelikulang Aladdin ng Disney. Ang kanta nila rito ni Brad Kane na A Whole New World ay nanalo ng Oscar at Golden Globe Award.

· 1993 – Ginampanan niya ang papel ni Eponine sa Broadway production ng Les Miserables. Nakailang beses rin niyang ginampanan ang papel na ito.

· Gumanap siya sa maraming musical theatre productions sa Pilipinas at Singapore tulad ng Grease, My Fair Lady at Into the Woods.

· 1995 – Bumalik siya sa Amerika at ginampanan ang papel ni Geri Riordan, isang 18-anyos na Vietnamese-American sa siakat na American movei na Redwood Curtain.

· Gumawa sila ni Aga Muglach sa pelikulang San Maulit Muli. Muli ay nabigyan siya ng FAMAS award nomination for best actress.

· Mula 1997 hanggang 2004, si Lea Salonga ay tumtutok sa paggawa ng mga album na kung hindi man nagpaplatinum ay siguradong nakaka-gold; konsiyerto na halos laging sold-out; at buhay showbiz.

· 2002 – Nagbalik siya sa Broadway at ginampanan ang papel ni Mei-li sa Flower Drum Song. Dito niya nakilala ang kanyang naging asawa.

2013 – Kasalukuyan

· Hunyo 15, 2013 – Isa siya sa apat na coaches ng The Voice Philippines. Bumalik siya sa 2nd season ng talent show at kasalukuyang nagti-taping para sa ikatlong season.


· 2016 – Nanalo siya ng dalwang Aliw Awards, isa para sa Best Major Concert in a Foreign Venue at isa para sa Entertainer of the Year.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.