SINO SI LEONOR RIVERA? TALAMBUHAY NG TUNAY NA PAG-IBIG NI JOSE RIZAL

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Mangilan-ngilan ring babae ang dumaan sa buhay ng ating pambansang bayani. Maaaring sabihin na ang pinakatumatak sa puso ni Pepe ay si Leonor Rivera. Ang kanilang tapat at dalisay na pagmamahalan ay umabot ng 11 taon. Tunay na kahanga-hanga ang angking ganda at katangian ni Leonor kaya siya lang naman ang naging batayan ni Rizal sa karakter na Maria Clara sa kanyang bantog na nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Pamilya

· Si Leonor Rivera ay tubong Camiling, Tarlac

· Siya ang anak ni Silvestra Bauzon at Antonio Rivera, pinsan ni Francisco Mercado na ama ni Jose Rizal. Ibig sabihin, sila ni Pepe ay magpinsan.

· Ayon sa kay Austin Coates, isang Rizal Biographer, si Leonor Rivera ay isang magandang babae na may maliliit at mapanimdim na labi, malambot at maalon na buhok, kataasan na noo, at kahali-halinang dimples (biloy).

· Inilalarawan siya bilang isang matalino at talentadong dalaga. Bihasa siya sa pagtugtog ng pyano at nabiyayaan ng likas na galing sa pagkanta.

· Nag-aral siya sa La Concordia College sa Maynila. Fun Fact: Dito rin nag-aral ang itinuturing na “First Love ni Rizal” – si Segunda Katigbak.

· Tumira ang pamilya Rivera sa Cotabato City mula 1890 hanggang 1891. Pangangalakal ng mga damit ang naging negosyo nila.

· Una silang nanirahan sa Torres Bugallon Avenue sa bahay na pagmamay-ari ng mag-asawang Don Alejandro Venteres at Doña Rosario Laurel Villamil.

· Di kalaunan, lumipat sila sa bahay na pag-aari ng isang Don Andres Palaganas.


Si Leonor Rivera at Jose Rizal

· Una silang nagkita ni Pepe sa Davao noong 13 taong gulang lamang siya.

· Habang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, si Rizal ay nakitira ng isang taon sa tahanan ng mga Rivera sa Casa Tomasa sa Intramuros.

· Labinlimang taong gulang lamang siya nang umalis patungong España si Rizal noong Mayo 3, 1882.

· Dito na sila nagsimulang magpalitan ng mga liham. Naunang sumulat si Rizal ng liham ng pagpapaalam.

· Kinailangan nilang gumamit ng mga code sa kanilang pagsusulat dahil ayaw ng ina ni Leonor kay Rizal.

· Batay sa isang sulat mula sa isang kaklase at kaibigan ni Rizal na si Mariano Katigbak, itinuturing ng magkasintahan ang kanilang mga sarili bilang “engaged”. Nakapaloob rin sa sulat ang naging epekto kay Leonor ng pag-alis ni Pepe. Madalas raw itong magkasakit dulot ng insomnia.

· Nang bumalik si Rizal noong ika-5 ng Agosto 1887, wala na sa Cotabato ang pamilya Rivera. Lumipat na sila sa Dagupan, Pangasinan.

· Gusto nilang makita ang isa’t-isa ngunit pinagbawalan sila ng kani-kanilang pamilya. Noong panahong iyon, si Rizal ay itinuturing nang filibustero. Ang paglapit niya sa pamilya Rivera ay maitututuring na isang malaking sugal at maaring maglagay sa pamilya Rizal sa alanganin.

· Bago siya bumalik ng España, hiningi pa ni Pepe ang permiso ng ama na maikasal kay Leonor dahil sa ipinakita nitong kahanga-hangang katapatan. Walang pag-uusap na nangyari at hindi natuloy ang kasal.

· Taong 1887, natigil ang pagdating ng mga liham galing kay Leonor. Lihim pala itong itinatago ng kanyang ina dahil mayroong isang Ingles – si Henry Charles Kipping – na gusto nitong ipakasal sa kanya.

· Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor noong 1890. Ikinabugho niya ang balitang ikakasal na pala si Leonor sa Ingles na inhinyero.

· Naganap ang kasalan noong Hunyo 17, 1890 sa Dagupan, Pangasinan.

· Nang makabalik si Rizal mula Europa, doon na lamang nalaman ni Leonor ang kapusukan ng ina. Hiningi niya mula rito ang mga sulat na itinago ngunit tumanggi ito at idinahilan na bilang may-asawa, hindi na siya pwedeng tumanggap ng sulat mula kaninuman maliban sa kanyang mister. Ipinag-utos niya ang pagsunog ng mga sulat at hiningi na lamang ang mga abo nito.

· Nagbunga ng dalawang anak ang pagsasama ni Leonor at Henry Charles. Ikinamatay ni Leonor ang pagsilang sa kanyang bunsong anak noong Agosto 28, 1893.


· Ang kanyang huling habilin ay ang mailibing kasama ang abo ng mga sinunog na sulat ni Rizal.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.