SINO SI LUCIO TAN? ANG ‘EL KAPITAN’ ISA SA PINAKAMAYAMANG PILIPINO

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Ika-apat sa listahan ng pinakamayamang Pilipino ayon sa Forbes, Magazine (as of this writing), kilala natin si Lucio Tan bilang Chairman ng Philippine Airlines at Asia Brewery. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may iba pa siyang mga negosyo na hinahawakan ngunit baka magulat at mapahanga ka sa lawak at saklaw na industriya ng mga negosyong hawak ng tinatawag na El Kapitan.

Unang Bahagi ng Buhay

Si Lucio Tan, Sr., o Tan Eng Tsai, ay ipinanganak noong ika-17 ng Hulyo 1933 sa Amoy (ngayon ay Xiamen), probinsiya ng Fujian, Tsina. Lumipat ang kanyang pamilya sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur noong bata pa lamang siya. Siya ang panganay sa walong magkakapatid.

Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Chemical Engineering sa Far Eastern University. Nakatanggap siya ng ilang honorary Doctorate degrees, isa na rito ang honorary Doctorate in Applied Agriculture na ginawad ng Central Luzon State University noong 2001.

Ayon sa Forbes Magazine, namasukan siya sa isang pagawaan ng sigarilyo bilang janitor kung saan siya kumikita na ginagamit niyang pangtustos sa pag-aaral at pamilya. Na-promote siya bilang ‘cook’ ng tabako na siyang nagbigay sa kanya ng ideya at karanasan para maitatag niya ang kauna-unahan niyang kompanya – ang FortuneTobacco Corp.


Kontrobersiyal na Buhay-Pamilya

Usap-usapan magpahanggang ngayon kung sino nga ba ang legal na asawa ni Lucio Tan, Sr. May mga nagsasabing apat umano ang kanyang naging asawa at mayroong ilang kerida na aabot sa 13. Sa apat na sinabing asawa, dalawa ang naisapubliko ang pangalan. Ang una ay si Letty Tan, na “Lucia” ang pangalan sa kanyang birth certificate. Si Carmen Tan naman, ay nauna nang nakilala ng publiko sa ilang mga salu-salong dinadaluhan ni Lucio. Sa ilang dokumento na naisapubliko, makikitang si Carmen Tan ang kadalasang nababanggit bilang tunay na asawa. Hindi nakapagtataka na dahil dito, mahirap rin tukuyon kung ilan at sinu-sino ang mga anak ni Lucio Tan.


Si Lucio Tan at ang Kanyang Ama

Ang amang si Tan Yan Kee ay itinuturing ni Lucio bilang kanyang pinakagamagaling na tagapagturo. Ayon mismo sa kanya, ang kanyang ama ang nagturo sa kanilang mga magkakapatid tungkol sa halaga ng edukasyon, tiyaga at pagsisikap. Aniya, ang pinakamahalagang aral na naituro ng ama ay ang sinabi nitong: “Great achievements are attained only through discipline, hard work and dedication”.

Ayon sa isang panayam ng PeopleAsia sa kanyang asawa na si Carmen, ang relasyon ni Lucio sa kanyang ama ay nakabatay sa kahanga-hangang respeto at paggalang. Noong ma-cremate ang labi ng kanyang ama, dala-dala nito ang urna ng abo nito at lumulan sa isang chopper. Inanyayahan niya si Carmen at ang kanyang kapatid na si Harry na samahan siya.

Noong nasa himpapawid na sila, nagsalita si Lucio at sinabing gustong-gusto umano ng kanyang ama na sumakay sa isang helicopter. Hindi niya lang ito nagawa ni minsan dahil naging masakitin ito at naging bedridden. “Now I give him his helicopter ride”, ani Lucio.


Tax Evasion Controversy

Si Lucio Tan ay malapit na kaibigan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sa panahon ng panunungkulan ng nasabing presidente ay lumago ang mga negosyo ni Tan. Sa unang pagkakataon ay nanguna ang Fortune Tobacco Corp. sa lahat ng mga kompanya ng sigarilyo, nabili rin niya ang General Bank and Trust (ngayon ay Allied Banking Corp.) sa maliit na halaga. Sa panahon ring ito naitatag niya ang Asia Brewery Corp. matapos tanggalin ni Marcos ang ban sa pagtatayo ng bagong mga pagawaan ng beer.

Ang sumunod na administrasyong Aquino at Ramos ay naghabol sa di-umano’y tax evasion at ilan pang mga mga under-the-table na transaksyon. Pinapa-sequester ang ilan niyang kompanya dahil lihim raw itong pinagmamay-ari ng mga Marcos. Noong 2007, isang desisyon ng Supreme Court ang nagsabing walang sapat na dahilan para ma-sequester ng gobyerno ang mga negosyo ni Tan.


Mga Kompanya


Si Lucio Tan ang kasalukuyang Chairman at CEO ng LT Group, Inc. Chairman rin siya ng Philippine Airlines, Asia Brewery, Inc., Fortune Tobacco Corp., Tanduay Distiller, Inc., Asian Alcohol group, Absolute Distillers, Eton City, Inc., Allied Bankers Insurance Corp., University of the East, at marami pang iba. Siya rin ang Direktor ng Philippine National Bank.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.