SINO SI MANNY PACQUIAO? TALAMBUHAY NG PEOPLE'S CHAMP BAGO YUMAMAN

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Manny Pacquiao? Sa katunayan, hindi maikakaila na siya ang pinaka-kilalang Pilipino sa buong mundo, marahil higit na mas tanyag maging sa lahat ng mga presidenteng nagdaan. Sa sobrang sikat niya, ang buhay niya ay parang isang bukas na aklat. Ngunit ano nga ba ang naging buhay ni Pac-Man bago siya naging kilala?

Unang Bahagi ng Buhay

Si Emmanuel “Manny” Dapiran Pacquiao ay ipinangank noong Disyembre 17, 1978 sa Kibawe, Bukidnon. Siya ang ikalawa sa apat na anak ng mag-asawang Rosalio Pacquiao at Dionisia Dapidran. Mayroon din siyang dalawang kapatid sa ina.

Nakapagtapos is Manny ng elementarya ngunit tumigil rin nang mag-hayskul dahil kapos sa pera ang pamilya. Noong 13 taong gulang lamang siya, lalong naghirap ang katayuan nila sa buhay nang iniwan sila ng kanyang ama para sa sumama sa ibang babae. Mayroong maliit na sari-sari store si Aling Dionisia na tulong-tulong na binabantayan ng pamilya. Huminto siya sa pag-aaral at tumulong sa mga gastusin sa pamamagitan ng paglalako ng tinapay at iba pa. Lumipat ang pamilya Pacquiao sa General Santos City para makapaghanap ng mas mapagkakakitaan. Dito unang natuto ng boxing si Manny dahil maraming mga lokal na boksingero ang nagti-training sa lungsod. Sa murang edad pa lang, nakitaan na si Manny ng kapuna-punang hilig sa pagbo-boksing. Sa isang panayam kay Aling Dionisia, sinabi niya “Pati mga titser niya nagsabi: ‘Misis ang anak mo laging lumalabas, malikot, suntok nang suntok sa hangin’.”


Paglalayas at Buhay sa Maynila

Nais ni Aling Dionisia na mag-pari ang anak. At kahit na si Manny ay relihiyosong bata, batid niya ang hirap ng pamilya sa pagpapaaral sa kanila. Kaya naman, lubos na ikinadismaya ng ina nang iniwan ni Manny ang pamilya para sundin ang pangarap nitong maging isang matagumpay na boksingero, para na rin makatulong sa mga gastusin. Kasama ang ilang kabataan, si Manny ay 14 na taong gulang lamang nang palihim na lumulan sa isang barkong papuntang Maynila.

Hindi naging madali ang buhay niya sa Maynila. Kinailangan niyang maghanap ng iba’t-ibang klase ng trabaho. Namasukan siya bilang construction worker. Nasubukan rin niyang mangiskis ng kalawang sa isang junkyard para magkapera man lang na gagamitin pantawid-gutom. Ang L&M Gym kung saan siya nagti-training ang siya na ring tinutulugan niya dahil talagang walang-wala siya. Sa mismong boxing ring siya natutulog, amoy pawis, walang unan, walang kumot. Trivia: Noong 2008, binili niya ang gym, pinagiba at tinayuan ng 7-storey building na may boxing gym, billiard room, recording studio at dormitoryo para sa mga nagti-training.


Pagsisimula Bilang Professional Boxer


Inabot ng pitong buwan bago siya nabigyan ng laban. Masayang ibinalita ng batang Manny sa kanyang ina na lalaban siya sa isang boxing show na pinamagatang Blow by Blow. Noong ika-22 ng Enero 1995, sa edad na 16 lamang, naipanalo ni Manny ang kanyang kauna-unahang laban bilang propesyunal na boksingero. Napansin ng may-ari ng gym na si Rod Nazario at mga prodyuser ng Blow by Blow ang kakaibang galing at potensyal ni Manny. Naging madalas ang kanyang paglaban sa palabas at unti-unting dumami ang kanyang mga taga-hanga. Si Rod Nazario ang naging promoter ni Manny mula 1995 hanggang 2005. Nang maubusan si Manny ng kompetensiya sa Asya, si Rod Nazario ang nagdala kay Manny sa Wild Card Gym kung saan nagsimula ang tambalang Manny at Coach Freddie Roach. Ang tamabalang ito ay nagresulta sa pagkamit ni Manny sa kanyang katangi-tanging 8-division world titles. Matapos ang kanyang unang laban at panalo sa Amerika, sinundan na siya ng milyun-milyong tagahanga mula sa lahat ng sulok ng mundo. The rest, wika nga ng mga banyaga, is history.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.