SINO SI MANSUETO VELASCO? TALAMBUHAY NG BOXING OLYMPIC SILVER MEDALIST

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Tubong Bago City, Negros Occidental, si Mansueto “Onyok” Velasco, JR ay ipinanganak noong January 10, 1974. Ang kanyang nakatatandang kapatiD na si Roel Velasco ay nag-uwi ng Olympic Bronze mula sa 1992 Summer Olympics. Kasama si Elias Recaido at Reynaldo Gallido, isa si Onyok sa tatlong Pilipino na nagkamit ng gintong medalya sa 1994 Asian Games na ginanap sa Hiroshima, Japan. Ang pagkapanalo nilang iyon ang nag-qualify sa kanila para sa 1996 Summer Olympics sa Atlanta, Georgia.

1996 Atlanta Summer Olympics

Sa pagtatapos ng mga paligsahan sa 1996 Atlanta Summer Olympics, si Onyok lamang ang naiwang Pilipino na lumaban para sa ginto. Ipinakita niya ang kanyang kamangha-manghang galing sa pagbo-boksing nang madalian niyang tinalo ang kanyang mga kalaban sa landas na tinahak para makuha ang sana ay naging kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa Olympics.

Una niyang hinarang si Chih-Hsium Tsai ng Taiwan. Ang kanilang laban ay nauwi sa tinawag na ‘referee-stops-the-fight’ sa 2:27 na marka sa ikalawang round. Katumbas ito sa Technical Knockout ng professional boxing. Sa kanyang ikalawang laban, naging usap-usapan na ang pangalan ni Onyok nang walang kahirap-hirap niyang tinalo ang nakaraang Barcelona Olympics Gold Medalist na si Yosvani Aguilera ng Cuba sa iskor na 14-5.

Sa quarter finals, madalian rin niyang niyang tinalo si Hamiud Berhili ng Morocco sa iskor na 20-10. Muli niyang itinaas ang bandera ng Pilipinas sa kanyang kagila-gilalas na pagtalo sa isa sa mga paborito ng naturang event, si Rafael Lozano ng España. Gamit ang kanyang walang habas at epektibong kombinasyon ng mga hook at jab, tinalo niya ito sa iskor na 22-10.


Naudlot na Gintong Medalya

Ang championship bout ay sa pagitan ni Onyok at ng 1992 Olympic silver medalist at 1995 World Championships gold medalist na si Daniel Petrov Bojilov ng Bulgaria. Ang laban ay nakatakdang ipalabas alas-onse ng gabi, Philippine time.

Inabangan ito ng buong sambayanang Pilipino. Gising ang lahat sa kasagsagan ng gabi, napapasigaw sa bawat suntok na binibitawan ni Onyok. Lyamadong-lyamado ang kanilang kababayan.

Subalit sa gitna ng di-magkamayaw na kasiyahan, may nangyayaring ikinadismaya nila kinamamayaan. Tila lahat ng puntos na dapat kay Onyok ay napupunta sa Bulgarian. Gulat at nanggagalaiti ang kanyang mga coaching staff. Isa sa mga ito, ang kanyang kuya na si Nolito “Boy” Velasco ang nagkuwento sa media tunngkol sa kanilang pagkadismaya nang sa gitna ng kanilang kasiyahan ay ang pagtaas at tuluyang paglayo ng agwat sa puntos ni Onyok at ng kalaban, pabor sa Bulgarian. Ganoon din ang opinyon ng mga manonood at aktuwal na naroon sa venue ng laban.

Isa sa mga nakitang dahilan sa nangyari ay ang palpak na computerized scoring na nasa experimental stage at una pa lamang ginamit noong Olympics na iyon. Sa naganap na laban, tila ba sa bawat bitaw ng suntok ni Onyok, para sa kalaban ang napipindot na buton ng mga hurado. May isang round pa nga na hindi nabigyan ni-isang puntos ang Pilipinong boksingero. Nagtapos ang laban, 19-6. Talo si Onyok ngunit nag-uwi siya ng Silver Medal, ang tanging medalya ng Pilipinas sa 1996 Atlanta Summer Olympics.



About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.