SINO SI MIGUEL MALVAR? TALAMBUHAY NG MANANALAYSAY NA IKALAWANG PANGULO

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Hindi maikakaila na si Miguel Malvar ay isa sa mga bayaning hindi gaanong kilala ng mga Pilipino. Sa kabila ng kanyang kahanga-hangang katapangan at galing sa pakikidigma, ang kanyang pangalan ay naisantabi sa lilim ng mga pangalang Aguinaldo, Rizal, Del Pilar at Mabini, at iba pa. Kilalanin natin ang itinuturing ng ilang mananalaysay na Ikalawang Pangulo ng Pilipinas.

· Si Miguel Malvar ay ipinanganak noong Setyembre 27, 1865 sa Santo Tomas, Batangas.

· Ang kanyang mga magulang ay sina Maximo Malvar at Tiburcia Carpio.

· Ikinasal siya kay Paula Maloles taong 1891 at biniyayaan ng labing-tatlong anak.

· Malapit na magkakaibigan ang mga Malvar at Rizal. Ang anak ni Soledad Rizal Quintero (kapatid ni Jose Rizal) ay ikinasal sa panganay na lalaki ni Malvar. Si Saturnina Rizal naman, isa pang kapatid ni Jose Rizal, ay naging asawa ni Manuel, isang kamag-anak ni Malvar. Si Malvar ay pinahiram ni Saturnina ng 1,000 piso para gawing kapital sa isang negosyo.

· Ang perang ibinigay ni Saturnina ang siyang naging dahilan ng pag-angat ng buhay ng pamilya ni Malvar. Likas ang kanyang angking galing sa pagnenegosyo kaya di nagtagal nang makapagpundar siya ng negosyo sa industriya ng agrikultura – asukal at pagtatanim ng kahel.

· Dahil sa kanyang kasipagan at likas na kabaitan, nakuha niya ang tiwala ng kanyang mga kababayan, at inihalal siyang capitan municipal (1889-1890) ng mga ito.

· Tinutulan niya ang mga pang-aabuso ng mga Kastilang Prayle sa kanyang bayan sa Santo Tomas kaya pinaratangan siya ng mga ito na isang “Subversive”.

· Taong 1896, sumali siya sa Rebolusyon at nakipaglaban sa tabi ni Emilio Aguinaldo. Na-promote siya bilang tenyente heneral matapos ang kanayang mga tagumpay sa Cavite.

· Isa si Malvar sa mga tumutol sa Kasunduan sa Biak-na-Bato. Ayon sa kanya, kaya pang ipanalo ang Rebolusyon.

· 1896 – Napilitan siyang sumuko at nagpunta sa Hong Kong sa bisa ng kanyang voluntary exile.

· Bumalik siya sa bansa noong Hunyo 15, 1898 dala ang 2,000 piraso ng baril.

· Tatlong araw matapos magsimula ang giyerang Pilipinas-Amerika, si Malvar ay itinalagang second-in-command ni Heneral Mariano Trias.

· Ipinag-utos ni Aguinaldo noong Hunyo 1900, na si Heneral Trias ang hahalili sa kanya bilang commander-in-chief kung siya ay mabihag, mamatay o mawalan ng kakayanang mamuno.

· Bilang kahalili ni Heneral Trias, si Malvar ang naging commander-in-chief ng natirang kasundaluhang Pilipino. Hinati niya ang Pilipinas sa limang miltary zones at nagsimulang gumamit ng taktikang-gerilya.

· Bilang ganti sa mga pag-atake ni Malvar, nagtatag ang mga Amerikano ng mga reconcentration camps, sinira ang mga mapagkukunan ng pagkain at tubig, at pinahirapan ang mga sibilyan para makakuha ng anumang impormasyon tungkol sa mga gerilya.

· Ilan sa mga kasamahan ni Malvar ay nabihag, ang iba sumuko. Humina ang suporta ng taong-bayan, na ikinabagsak ng buong hukbo. Bumalik siya sa pribadong buhay bilang mangangalakal at tinanggihan ang anumang posisyon na inalok ng gobyernong Amerikano.

· Namatay siya noong ika-13 ng Agosto 1911 dahil sa sakit sa atay.


· Noong Setyembre 18, 2007, ang kongresista ng Oriental Mindoro na si Rodolfo Valencia ay nagpasa ng House Bill 2594, na nagdedeklara kay Malvar bilang Ikalawang Presidente ng Pilipinas. Pinaninidigan ng bill na ito na mali ang ituring si Manuel Quezon bilang ikalawang pangulo sa kadahilanang si Malvar ang humalili kay Aguinaldo (Unang Pangulo) nang ito ay naipatapon sa Hong Kong.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.