Sino si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte? Talambuhay at mga dapat Malaman na hindi pa alam ng Karamihan-Ano ang kanyang Pagkatao at Pinanggalingan?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte o kilala rin sa kanyang bansag na Digong. Siya ay pinanganak sa Maasin,Leyte noong Marso 28, 1945. Pero sa Davao na lumaki. Doon, siya ay dalawampung taong naninilbihan bilang alkalde. Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas. Kumakailan ay nagbitiw siya dahil nagpasya siyang tumakbo bilang president ng Pilipinas.

Ang ama niya na si Vicente G. Duterte ay isang abogadong Sebwano at ang kanyang ina na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran, Agusan. Ang ina niya ay isang guro at civic leader na Maranaw. Ang ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador ng lalawigan ng Davao, ay naging acting mayor ng Danao Cebu.


Nagpakasal si Pangulong Duterte kay Abellana Zimmerman na biniyayaan ng tatlong anak na sina Paolo, Sara, at Sebastian. Pagdating sa pamilya kilalang mahigpit si Digong. Nasangkot sa droga ang pangalawang anak ni President Digong na si Paolo.At ayon sa ama nito na patayin ang anak kung napatunayang involve nga sa droga, ngunit walang ebidensya na nagtutulak nga ito ng droga. Taong 1998, nagpetisyon ng doborsyo si Zemmerman at agad naman itong naaprobahan ng hukuman.


Namatay ang ama ni Digong taong 1968 at 2012 naman ang kanyang ina. Ang kanyang dating asawa na si Zemmerman ay may sakit na breast cancer.


Inulan man si Duterte ng kaliwa’t kanang batikos, kesyo babaero, palamura at bastos. Ganunpaman, ang mga ito ay hindi naging hadlang para magampanan ang kanyang tungkulin. Si Rodrigo ay isang abogado, naging piskal at prosekyutor. Sa Davao matagal na siyang namumuno. Pinamumugaran ng mga rebelde noon, ngayo'y tahimik na ito.


Si Digong ang kauna-unahang Mindanaoan presidente ng bansa. Nagsilbi din siya bilang bise-alkalde at bilang kongresista para sa lungsod. Higit sa isang panahon ng 20 taon, ay bumalik sa Davao City mula sa "Murder Capital ng Pilipinas" sa kung ano ang turismo organisasyon. Ngayon inilarawan bilang "Ang Pinakamapayapang Lungsod sa Timog-Silangan Asya". Ito din ang ika apat na pinakaligtas na lugar sa mundo.


Pinagbabawal niya sa mga taga-Dabawenyo ang mga taksi na bawal manlamang ng pasahero. Bawal magtapon ng basura kung saan-saan. Sa pampublikong lugar bawal manigarilyo. Maraming beses siyang tumanggi sa mga alok na hanggang maayos sa 2015.


Noong Mayo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Duterte bílang President-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo sa opisyal na bilangán ng mga boto ng Kongreso ng Pilipinas noong Mayo 27, 2016, na may 16,601,997 boto, mas mataas nang 6.6 milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar Roxas.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.