SINO SI PEDRO CALUNGSOD? TALAMBUHAY NG PATRON NG MGA SAKRISTAN AT OFW

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Kilala natin siya bilang patron ng mga sakristan, subalit alam mo ba na si Pedro Calungsod rin ang itinuturing na patron ng mga OFW? Sa kanyang murang edad ay pinili niyang iwan ang kanyang pamilya para sundin ang tawag ng pananampalataya. Heto’t kilalanin pa natin ang pangalawang santo ng Pilipinas.

SINO SI PEDRO CALUNGSOD TALAMBUHAY NG PATRON NG MGA SAKRISTAN AT OFW

Kontrobersiya sa lugar ng kapanganakan

· Ipinanganak noong Hulyo 21, 1654, walang tiyak na makapagasasabi kung saan nga talaga nanggaling si Pedro Calungsod. Kilala lamang siya ayon sa ilang historical records bilang “Pedro Calonsor, El Visayo”.

· Maraming mga bayan ang umaangkin sa lugar ng kapanganakan ni Calungsod subalit dalawa lamang rito ang itinuturing na mas kapani-paniwala: 1. Molo (Iloilo), at 2. Ginatilan (Cebu).

· Ayon sa mga taga-Ginatilan, Cebu, dito raw matatagpuan ang pinakamaraming bilang ng mga Calungsod.

· Ayon naman sa panig ng mga Ilonggo, ang terminong “Visayan” raw ay tumutukoy lamang sa mga taga-Negros o Panay, habang ang mga nakatira sa Cebu, Bohol at Leyte ay tinawag na “Pintados”. Samakatwid, siya ay dapat tinawag na “Calonsor El Pintado” kung totoong galing siya ng Cebu, sa halip na “Calonsor El Visayo”.

· Ang katwirang iyon ng mga Ilonggo ay mariin namang pinabulaanan ng mga iskolar. Ayon sa kanila, ang salitang Pintados ay ginamit rin noong mga panahong iyon para tukuyin ang mga Bisaya, hindi alintana ang lokasyon ng pinanggalingan ng mga ito.

· Ayon sa isang masusuing pananaliksik, mayroong natukoy na tatlong magkakapatid na Calungsod noong kalagitnaan ng 1600s.

o Valerio Calungsod – lumipat sa Ilo-ilo

o Casimiro Calungsod – lumipat sa Bohol

o Pablo Claungsod – nanatili sa Ginatilan, Cebu at pinaniniwalaang ama ni Pedro.

· Ayon kay Cardinal Ricardo Jamin Vidal, hindi na lamang siya pipili ng eksaktong lugar na pinagmulan ni Calungsod dahil tanging “Pedro Calonsor, El Visayo” lamang ang nakasaad sa talaan ng mga Kastila. Isa pa, sinabi nya na ang mga kapuluan naman sa Visayas ay dating sinasaklaw ng hurisdiksyon ng Archdiocese of Cebu noong panahon ng pananakop ng ma Kastila.

Misyon at Kamatayan Bilang Martir

· Noong 1668, sa edad na 14 bilang isang katekista, napasama siya sa isang misyon patungong Isla de Ladrones (Isla ng mga Magnanakaw), na ngayon ay Mariana Islands. Kasama ang paring si Diego San Vitores, tinungo nila ang Guam para binyagan ang mga katutubong Chamorros.

· Isang Intsik na arbularyong nagngangalang Choco ang nainggit sa katanyagan ng mga misyonaryo. Siniraan niya ang mga ito at sinabing ang agwa-bendita na ginagamit sa pagbibinyag ay mayroong lason. At dahil iilan sa mga sakiting sanggol na Chamorro ang namatay matapos mabinyagan, marami ang naniwala sa Intsik at tuluyang tinalikuran ang Kristiyanismo.

· Abril 2, 1672 – Nabalitaan ni Pedro at Padre Diego Luis na isang bata ang isinilang sa bayan ng Tomhom. Tinungo nila ang bata at hiningi ang pirmiso ng amang si Matapang para ito’y mabinyagan. Si Matapang ay isa sa mga naniwala sa kasinungalingan ng Intsik na si Choco. Tinalikuran na niya ang Kristiyanismo kaya galit na tumanggi.

· Upang mabigyan ng panahon para huminahon, tinipon ni Pedro at Padre Diego ang mga bata sa baybayin at doon ay nagkantahan ng mga papuri sa Panginoon. Inanyayahan nila si Matapang na sumali ngunit galit pa rin ito at sabay na umalis.

· Pinuntahan ni Matapang si Hirao, isang pagano. Inudyok niya itong samahan siya para patalsikin sa lugar ang mga misyonaryo. Habang wala si Matapang sa kanyang bahay, ay nabinyagan na ang kanyang anak sa pahintulot ng kanyang Kristiyanong asawa.

· Nagngingitngit sa galit si Matapang at hinagisan ng sibat si Pedro. Mabilis naman siyang nakailag, subalit dahil nag-aalala siya kay Padre Diego, pinili niyang manatili at ipagtanggol ang pari. Di kalaunan, tinamaan siya ng sibat sa dibdib. Pagbagsak niya sa lupa ay tinaga naman siya ni Hirao sa ulo. Matapos bigyan ni Padre Diego ng Sacramental Absolution si Pedro ay siya naman ang sunod na pinatay.

· Hinubaran ni Matapang at Hirao ang patay na katawan ng pari at katekista at itinapon sa Tumon Bay.

· March 5, 2000 – Bilang pagkilala sa kanyang walang-takot na pagtatanggol sa pananampalataya, siya ay na –beatify si sa Vatican City ni Pope John Paul II (labing-limang taon matapos ma-beatify si Padre Diego Luis de San Vitores).


· Oktubre 12, 2012 naman siya ginawang santo (Canonized) ni Pope benedict XVI.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.