SINO SI PIA WURTZBACH? TALAMBUHAY NG PILIPINANG MISS UNIVERSE 2015

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Pamilya at Unang Bahagi ng Buhay

· Isinilang si Pia Alonazo Wurtzbach sa Stuttgart, Germany noong ika-24 ng Setyembre 1989 sa mag-asawang Uwe Wurtzbach at Cheryl Alonzo.

· Panganay siya sa dalawang magkakapatid. Dalawang taon ang agwat nila ng kanyang kapatid na si Sarah.

· Mula Germany ay umuwi sila ng bansa at tumira sa Iligan City. Makalipas ang ilang taon ay lumipat sila sa Cagayan de Oro.

· Sa Kong Hua School siya nag-aral ng kindergarten at sa sa Corpus Christi naman nag-elementarya. Sa ABS-CBDN Distance Learning Center niya natapos ang kanyang sekundarya at sa Center for Asian Culinary Studies siya kumuha at nagtapos sa culinary arts.

· Si Pia ay bihasa sa Cebuano, Tagalog at Ingles. Marunong din siyang magsalita ng German sa antas na “enough to get myself a bratwurst (isang uri ng sausage)”, aniya.

· Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang noong 11 taong gulang siya, siya na ang tumayong breadwinner ng pamilya sa pamamagitan ng pagmomodeling at pag-aartista.


Buhay Showbiz

· Apat na taong gulang lang siya nang magsimulang mag-artista gamit ang screen name na Pia Romero.

· Kasali siya sa Star Circle Batch 11 ng Star Magic, isang talent agency ng ABS-CBN.

· Lumabas siya sa mga palabas sa TV gaya ng K2BU, ASAP, Your Song, Bora at Sa Piling Mo.

· Lumabs din siya sa ilang pelikula tulad ng Kung Akon na Lang Sana (2003) at All About Love (2006).

Paglahok sa mga Pageant

· Bilang representative ng Cagayan de Oro City, nagtapos siya bilang 1st Runner-up sa unang sabak niya sa beauty pageant – ang Binibining Pilipinas 2013.

· Sumali siya ulit sa sumunod na taon – Binibining Pilipinas 2014 – ngunit hanggang top 15 lamang siya.

· Hindi siya nawalan ng pag-asa at lumahok ulit sa ikatlong pagkakataon – Binibining Pilipinas 2015 – at inuwi ang korona para sa pinakmataas na parangal, ang Miss Universe Philippines 2015.

· Agosto 24, 2015 – Araw kung kailan niya pinirmahan ang kontrata para sa paglahok sa Miss Universe 2015 Pageant. Ito ay araw ng kaarawan ng kanyang ama na pumanaw na dalawang taon ang nakalipas. Itinuring niya ang pangyayari bilang ‘gift’ mula sa sa kanya.


Buhay Miss Universe 2015

· Disyembre 20, 2015 – Itinanghal na Miss Universe 2015 si Pia Alonzo Wurtzbach sa Las Vegas, Nevada. Siya ang pangatlong Miss Universe na Filipina.

· Enero 21, 2016 – Bumiyahe siya patungo Bali, Indonesia para mag-shoot ng kumersyal para sa C 1000, isang sikat na vitamin brand sa Indonesia.

· Pebrero 1, 2016 – Dumating siya sa San Francisco, USA para maging correspondent ng sikat na Super Bowl 50.

· Pebrero 28, 2016 – Tumungo siya sa Toronto, Canda para magbigay ng speech laban sa bullying sa Speakers Forum para sa International Students of the Language Academy of Canada.

· Abril 21, 2016 – Naging hurado siya para sa Miss Peru 2016 Pageant. Siya rin ang nag-korona sa nanalo na si Valeria Piazza.

· Mayo 26, 2016 – Bumiyahe siya patungong Machala, Ecuador para magbigay ng tulong sa mga napinsala ng 2016 Ecuador Earthquake.

· Hunyo ng 2016 – Kinatawan niya ang Pilipinas at Miss Universe Organization sa prestihiyosong pagpupulong ng United Nations para sa pagsugpo ng AIDS.


· Enero 29, 2017 – Ipinasa ni Pia ang korona sa Pranses na si Iris Mittenaare sa 65th Miss Universe na ginanap sa Maynila.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.