SINO SI RAFAEL NEPOMUCENO? BUHAY NG BOWLING ATHLETE OF THE MILLENNIUM

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

MILLENNIUM

Hindi pa isinisilang ang taong hihigit o makatutumbas man lang sa mga nakamit ng tinaguriang International Bowling Athlete of the Millennium. Bilang panimula, si Rafael “Paeng Nepomuceno lang naman ang may hawak ng hindi lang isa, kundi tatlong Guinness World Records sa larangan ng bowling. Una, para sa Most Bowling World Cup Wins (Apat sa loob ng tatlong dekada); pangalawa para sa paggiging pinakabatang kampeon ng Bowling World Cup sa edad na 19; at pangatlo para sa pagpanalo ng pinakamaraming titulo (131 titles as of 2016).

Pamilya

· Ipinanganak siya noong Enero 30, 1957 sa mag-asawang Angel Nepomuceno, isang negosyante, at Teresita Villareal na dating Bb. Pilipinas noong 1951-1952. Pangalawa siya sa pitong magkakapatid.

· Ikinasal siya kay Saira “Pinky” Puyat, Managing Director ng Puyat Sports Grop. Nabiyayaan sila ng tatlong anak: si Rafael Jose, Jr., Saira Margarita Paz at Isabel Angela.


Simula ng Karera

· Una siyang nahilig sa larong golf dahil ito ang laro ng kanyang ama. Isang araw nang magpunta sila ng Baguio para mag-golf, inabot sila ng ulan. Nagkataon na sumilong sila sa Mile High Bowling Center at doon pinalipas ang ulan. Tila isang tagpo ng tadhana, nagustuhan niya ang bowling simula’t sapul.

· Ang ama ang naging una at tanging coach ni Paeng. Kinailangan pa nitong pag-aralan ang bowling mula sa mga libro dahil wala pang mga Pilipinong trainer sa Pilipinas noon na pwede nilang mahingan ng payo.

· Apat na taon lang makalipas, nag-kampeon siya sa prestihiyosong Philippine International Open sa edad na17 – pinakabatang nagkampeon ng naturang event.

· 1976 – Sa edad na 19, nag-grand salam siya sa iba’t-ibang kompetisyon. Siya ang naging Philippine, Asian at World champion sa loob lamang ng limang buwan.

Mga Nakamtan at Mga Parangal

· 1984 – Ginawaran siya ni Pangulong Ferdinand Marcos ng Presidential Medal of Merit, ang pinakamataas na parangal na pwedeng igawad ng pangulo ng Pilipinas.

· Tatlong beses siyang tinanghal na World Bowler of the Year ng World Bowling Wirters (1984, 1985, 1992).

· 1989 – Binigyan siya ng Presidential Citation ni Pangulong Corazon Aquino bilang pagpupugay sa kanyang naibigay na national pride.

· 1993 – Siya ang unang manlalarong nailuklok sa Hall of Fame ng World Bowling Writers.

· Pinarangalan rin siya sa tatlong pagkakataon ni Pangulo Fidel V. Ramos.

· 1999 – Pinarangalan siya ng Philippine Legion of Honor ni Pangulong Joseph Estrada. Siya ang unang Pilipinong nakatanggap ng naturang parangal.

· Nobyembre 1999 – Tinagurian siya ng Federation Internationale des Quillerus bilang International Bowling Athlete of the Millennium.

· 2008 – Pinarangalan siya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Order of Lakandula with Class of Champion for life at idineklarang Best Filipino Athlete of All Time.

· Abril 19, 2009 – Si Paeng ang naging kauna-unahan at tanging bowling player na tumanggap ng lahat ng parangal sa lahat ng kategorya ng World Bowling Writers.

· Marami pa siyang ibang lokal na parangal at Hall of Fame inductee rin ng ilang lokal na institusyon tulad ng La Salle Green Hills Sports, Sports Columnists Organization of the Philippines, at iba pa.


Buhay sa Ngayon

· USBC GOLD Level Coach – Si Paeng ay isa sa 25 lamang na certified nito ng United Stated Bowling Congress. Siya lang din ang Asyano sa lahat ng mga ito. Ang USBC GOLD ay maihahambing sa isang doctorate degree.

· Siya ang kasalukuyang International Bowling Ambassador for Bowling ng USBC.

· Siya ang head coach ng Philippine Bowling National Mens and Bowling team.


· Isa rin siyang senior lecturer professor sa University of the Philippines bilang tagaturo ng bowling.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.