SINO SI RAJAH SULAYMAN? TALAMBUHAY NG HULING HARI NG MAYNILA

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Sinasabing ang mga Pilipino na ang pinaka-hospitableng tao sa buong mundo. Nothing beats Filipino hospitality, ika nga. Pinatunayan ito ng ating mga ninuno maging noong bago pa dumating ang mga Kastila. Salungat sa kagawian ng mga ganid, sila ay sibil na nakisalamuha sa iba’t-ibang lahi at mainit na tinanggap ang kanilang mga panauhin. Ito nga ang ipinakita ng Batang Raha ng Maynila. Ang kanyang pamumuno ay larawan ng isang Pilipinong magiliw tumanggap ng panauhin ngunit handang lumaban sa tuwing karapatan ay naaapakan.

SINO SI RAJAH SULAYMAN TALAMBUHAY NG HULING HARI NG MAYNILA

Family History

· Bagaman marami nang Sulayman ang nauna sa kasaysayan, si Sulayman III na siyang naging huling hari ng “Kingdom of Manila” ang mas tumatak sa mga libro. Kilala siya sa payak na Sulayman o Raha Sulayman.

· Si Sulayman I na kanyang lolo sa tuhod ay apo ni Abdul Bolkiah na Sultan ng Sultanato ng Brunei.

· Hindi ginamit ni Sulayman I ang apelyidong Bolkia. Bagkus, pinili niya ang titulong Rajah Soliman Dula I, bilang senyales ng isang bagong salinlahi ng nakakaisang aristokrasya sa Maynila.

· Ang Maynila ay mayroon pang dalwang hari labas kay Sulayman III. Ito ay sina Raha Matanda at Lakan Dula I na tulong-tulong na nilabanan ang mga Kastila sa huling parte ng ika-16 na siglo.

· Ayon sa ilang dokumentong Espanyol, si Raha Sulayman ay tinatawag ng kanyang mga nasasakupan sa pangalang Raja Mura o Raja Mura. Ito raw ay nangangahulugang “Batang Raha”, isang reperensiya sa paggiging pamangkin niya ni Raha Matanda.

Pananakop ng Kastila

· Naabutan ni Raha Sulayman ang conquistador na si Miguel Lopez de Legaspi. Siya at ang kanyang hukbo ay galing nang Cebu at napalipat sa Panay dahil sa pang-aangkin ng mga Portuges sa ilang kapuluan. Ipinadala niya sa Martin de Goiti at Juan de Salcedo sa isang ekspedisyon papuntang hilaga dahil narinig nila na may mayayamang kalupaan roon.

· Narating ni Goiti ang Cavite at pinadalhan ng mga “liham ng pakikipag-kaibigan” ang mga pinuno sa mga karatig-bayan. Tinanggap naman ito ni Sulayman pati ng iba pang mga pinuno. Nagkaroon ng ilang kasunduan at malayang nakalabas-pasok ang mga Kastila.

· Nang mamatay si Legaspi noong 1972, hindi tinupad ng humaliling si Governor-General Guido de Lavezaris ang ilang napagkasunduan. Biniyak niya ang ari-arian ng mga hari at hinayaan niyang magpatuloy ang mga pang-aabuso ng kanyang mga tauhan.

· Manila Revolt of 1574. Bilang ganti, nilusob ng magksanib na grupo ni Raha Sulayman at Lakan Dula ang bayang ng Navotas. Sinamantala nila ang pagkakataon ng paglusob rin ng piratang Intsik na si Limahong. Ang tagpong ito ay tinawag ng mga mananalaysay na “Sulayman Revolt” at “Lakandula Revolt”.

· Ang prayleng si Geronimo Marian at Juan de Salcedo ang naatasang makipagbati sa mga pinuno ng tribo. Tinanggap naman ni Sulayman at ni Lakandula ang pakikipag-ayos ni Salcedo at nagkaroon ng alyansa sa pagitan ng magkabilang panig.

Battle of Bangkusay Controversy at Kamatayan ni Sulayman

· May ilang kontrobersiyang bumabalot sa pagkakakilanlan ng pinuno ng mga Macabebe na namuno sa tinawag na “Battle of Bangkusay”.

· Ang pinunong ito ay tinawag ng mga istorayador na si Tarik Sulayman. Sa ilang bersyon ng Battle of Bangkusay, sinasababing ang Tarik Sulayman ng Macabebea at si Sulayman III ay iisa.

· Noong Hunyo 3, 1571, pinangunahan ni Tarik Sulayman ang kanyang mga tauhan pababa ng Pampanga River at nilusob ang mga Espanyol sa look ng Bangkusay, di-kalayuan sa daungan ng tondo.

· Kahit na napalibutan ang barko ng mga Espanyol, natalo pa rin ang grupo ni Tarik Sulayman at ikinisawi niya ito.

· Napatunayan rin kalaunan na ang namatay na lider ng mga Macabebe noong 1571 at si Sulayman III ay magkaiba dahil nakilahok pa ang huli sa Manila Revolt noong 1974.

· Walang naitalang eksaktong araw ng pagkamatay ni Raha Sulayman. Ang Manila Revolt ang naging huling rekord ng mga Espanyol tungkol sa buhay ng “Batang Raha”.





About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.