SINO SI ROBERT VINCENT JAWORSKI? TALAMBUHAY NG “THE LIVING LEGEND”

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Unang Bahagi ng Buhay at Amateur Career

Si Robert Vincent Salazar Jaworski, na mas kilala bilang Jawo ay ipinanganak noong Marso 8, 1946 sa Lungsond ng Baguio. Ang kanyang ama na si Theodore Vincent Jaworski ay isang Polish-American habang ang ina naman na si Iluminada Bautista Salazar ay isang Ilokana.

Noong 1964 ay naglaro siya sa UAAP para sa koponan ng University of the East Red Warriors. Nakuha nila ang back-to-back championship para sa taong 1996 at 1997.

1966 nang kinatawan niya ang Pilipinas sa Bangkok Asian Games. 1967 naman nang inuwi nila ang ginto sa Asian Basketball Chamioship (kasalukuyang FIBA Asia Championships) sa Seoul, South Korea. Ang mismong host country ang tinalo nila para sa titulo.

Taong 1967 nang maging parte siya ng YCO Painters. Napanalunan nila ang National Seniors at National Invitational. Lumipat siya sa bagong buo na koponan ng MERALCO Reddy Kilowatts noong 1968 ngunit tasong 1970 lang nakalaro dahil sa problema sa papeles.

1970 - Naging MVP siya sa unang pagkakataon sa Presidential Cup. Hinirang din siyang Best Filipino Player ng Manila Industrial and Commercial Athletic Commission (MICAA) para sa taong 1971 hanggang 1974 dahil sa pagtamo niya ng Player’s All-Around Value na 35.7.

Noong 1971 ay nasangkot siya sa isang iskandalo kung saan napatawan sila ni Aberto “Big Boy” Reynoso ng lifetime ban ng Basketball Association of the Philippines dahil sa pagsalakay sa mga referee sa kanilang laban kontra Crispa Redmanizers.

Nakabalik sa paglalaro si Jaworski at Reynoso noong 1973 at naglaro sa huling pagkakataon para sa Meralco nang talunin nila ang pambansang koponan ng Japan sa isang exhibition match. Noong taon ring iyon nang lumahok ang dalawa sa 1973 Asian Basketball Confederation Championship at nakuha ang kampeonato. 1973 rin nang kunin si Jaworski ng Komatsu Komets (naging Toyota Comets) at pinangunahan ang koponan para makamit ang 1973 MICAA title.


Bilang Professional Basketball Player

Nang mabuo ang Philippine Basketball Association noong 1975, isa ang Toyota Comets sa mga pioneer franchises ng liga. Ito ang simula ng propesyunal na karera ni Jaworski. Pinangunahan niya ang siyam na kampeonato ng Toyota sa loob ng siyam rin na season.

Nang mabuwag ang Toyota Comets noong 1983, ibinenta ito sa Basic Holdings, Inc., ang kompanyang may-ari ng Beer Hausen – isang mahigpit na karibal ng Toyota Comets. Ikinadismaya ito ni Jawo sahil aniya, isa itong kabastusan at hindi dapat ipinambibili ang mga manlalarong tulad niya “por kilo”. Si Fernandez ang ginawang franchise player at isinantabi lamang si Jawo.

Isang kontrobersiyal na pangyayari ang naganap nang ang PBA president na si Carlos Palanaca III, na may-ari ng La Tondeña, ay inalok si Jawo na maglaro para sa kanyang koponan na Gilbey’s Gin (kasalukuyang Ginebra San Miguel). Unang sabak pa lamang sa 1984 conference ay pinakita na ni Jawo na kaya ng koponan maging bigatin sa liga.

Taong 1986 nakamit ni Jaworski ang kampeonato para sa koponan habang siya ay nagsisilbi bilang playing coach. 1988 naman nang napanalunan niya an kanyang una at tanging All Filipino championship kontra Purefoods Hotdogs. 1991, nakamit ni Jawo ang pangatlong titulo kontra Formula Shell. Inabot ang larong ito ng Game 7 mula sa abante ng Shell na 3-1. Nanilbihan si Jawo para sa koponan hanggang Abril 1998 nang inanunsyo niya ang planong tumakbo para sa senado.


Bilang Senador

Nanalo si Jaworski bilang senador sa 1998 national elections. Siya ang naging Chairman of Economic Affaris, Trade and Commerce Committee at miyembro ng Games ans Amusement Sports Committee.

Karamihan sa mga batas at bill na kanyang isinulong ay may kinalaman sa pagpapahalaga ng kalikasan tulad ng pagtutuon-pansin sa toxic wastes at pagdedeklara ng ilang pook tulad ng Mt. Kitanglad Range at Northern Sierra Madre Mountain Range bilang mga protected area.



About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.