TOTOO BA TALAGA ANG MGA SIRENA? Siyentipikong Ebidensya

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Halos 75% ng planeta natin ay binubuo ng tubig kaya hindi nakakagulat isipin na daan daang taon na ang nakaraan, ang mga dagat ay pinaniniwalaang nagtatago ng maraming mga misteryosong nilalang tulad ng mga malalaking ahas at mga sirena. Ang mga taong isda o mga sirena ay hindi lamang ang tanging mga kalahating tao at kalahating hayop na nilalang na kumiliti sa imahinasyon ng mga tao sa nagdaang mga taon.


Saan nagmula ang kwento ng mga sirena?

Ang Mitolohiya ng mga Greko ay naglalaman ng kwento ng diyos na si Triton, ang sirenong tagapagdala ng mensahe ng dagat, at pati na din ang mga modernong relihiyon tulad ng Hinuismo at Candomble (isang relihiyong Afro-Brazilian), ay sumasamba sa mga diyosang sirena hanggang sa araw na ito.

Ayon sa mga alamat, ang mga sirena ay isang simbolo ng kamalasan at masasamang pangyayari. Pinaniniwalaang sila ay umaakit sa mga mandaragat papunta sa mga mababatong parte ng dagat, tulad ng kanilang mga pinsan – ang mga sirens.

Maraming mga alamat tungkol sa mga sirena at iilang mga historical na ebidensya na di umano’y nagpapatunay sa pagkakaroon ng mga sirena. Daan-daang taon na ang nakaraan, ang mga mandaragat at ang mga tumitira malapit sa dagat ay nagkukwento tungkol sa pagkakakita ng mga taong isda. May isang kuwento noong 1600s ang nagsasaad na diumanoy may sirenang nakapasok sa Holland gamit ang isang dike at nasugatan sa pagdaan nito. Siya raw ay dinala sa kalapit na lawa at tinulungan hanggang sa gumaling. Sa kalaunan siya ay naging isang mabuti at produktibong kasapi ng komunidad, natutong magsalita ng Dutch, tumutulong sa gawaing bahay at naging isang mabuting Katoliko.

Hindi lang ito ang tanging ebidensiya na totoo ang mga sirena. Narito ang ilan pang diumanoy ebidensya na nagpapatunay na nakakita ang mga tao ng sirena:

1. Kiryat Yam, Israel – May 2013

Ang Kiryat Yam ay ang tanging lugar sa mundo kung saan mayroong $1 milyong pabuya na nakataya para sa unang taong makakapagbigay ng bidyong makakapagpatunay o makakahuli ng isang totoong sirena. Ang lokal na pamahalaan ay ibinigay ang pabuyang ito dahil na rin daw sa dumadaming saksi na nakakita sila ng mga sirena sa lugar na iyon.

Ayon sa mga saksi, may sirenang nagpapakita tuwing takipsilim. Isa sa mga pinakaunang saksi sa pangyayaring ito ay si Shlomo Cohen, ayon sa Israel National News.

2. Dagat ng Greenland – March 2013

Noong March 6, 2013, si Dr. Torsten Schmidt, isang marine geologist, ay naglabas ng video ng pinaniniwalaang isang sirenang nakunan niya sa camera sa kalagitnaan ng isa sa kanyang mga deep-sea explorations sa dagat ng Greenland.

Si Dr. Schmidt at ang kanyang mga tauhan ay kinontrata noon ng Iceland GeoSurvey para mag seismic mapping at mag sample ng ocean floor para makahanap ng magagandang lugar na may langis.

Sa lalim na halos 3,000 talampakan, isinasaad na nakita ni Dr. Schmidt and sirena at nakarinig din siya ng hindi maipaliwanag na mga tunog. Matapos nito ay ipenetisyon ni Dr. Schmidt na magsagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ngunit hindi siya pinayagan.

Diumano’y ipinaalala sa kanya na siya ay pumirma ng confidentiality agreement at hindi pupwedeng sabihin sa publiko ang kanyang mga nakita habang siya ay nagsasaliksik.

Sa huli ay nagdesisyon si Dr. Schmidt na magsagawa ng kanyang sariling imbestigasyon sa pamamagitan ng pagdala ng dalawang kamera sa tuwing sila ay sisisid sakaling makita nila ulit ito at doon ito nakunan ng video.

3. Zimbabwe, Africa – 2012

Mayroon na ding ilang mga saksi na diumao ay nakakita ng sirena sa iilang mga okasyon sa Zimbabwe. Sinasabing ang planong matapos ang paggawa ng mga dam dahil sa mga sirena. Hinaharass daw ang mga manggagawa ng mga sirena kapag naglalagay ang mga ito ng water pumps.

4. South Africa – August 1991

Halos 30 porsyento ng mga bangkay ng isang hindi makilalang malataong nilalang ang nakita sa tiyan ng isang patay na Great White Shark sa Southern Africa. Ang katawan ay pinag-aralan at napatunayang malatao ang mga kamay nito at bungo. Mayroon ding buntot ng pagi na nakatusok sa panga ng pating na siya raw sandata ng sirena.

5. British Columbia, Canada – 1967

May nakakita raw na mga turista na nasa barko ng isang babaeng may buntot ng isang dolphin. Sinasabing siya raw ay may maganda at blonde na buhok at nakitang kumakain ng salmon.

6. Kei Islands, Indonesia – 1943

Noong 1943, sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may iilang mga sirena na nakita ng mga sundalong Hapon sa baybayin ng Kei Islands sa Indonesia. Sinasabing nakita nila ang mga itong lumalangoy, at isang nasa baybayin. Ang deskripsyon ng isang nakita sa dalampasigan ay mga nasa 4’9” ang taas, may kulay rosas na balat, mala-taong mukha at mga kamay, mga maliliit na sungay sa bandang ulohan, at bibig na mala-isda.

Nang marinig daw ni Sgt. Taro Horiba ang pagkakakita sa patay na sirenang napunta sa dalampasigan, pinuntahan niya ito para imbestigahan. Nakumbinse daw siya nang makita niya ito ng sarili niyang mga mata. Nang bumalik siya sa Japan ay kinumbinse niya ang mga scientists na imbestigahan ito ngunit walang naniwala sa kanya kaya walang imbestigasyong naganap.

Tinatawag na Orang Ikan o “taong isda” ang mga sirena sa wikang Malay. May ilang saksi na din na nakakita sa mga sirena sa lugar na iyon at nahuhuli din paminsan minsan ng mga lambat.


Ang mga sirena ay mga popular na karakter ng mga kwentong pantasya hindi lang sa ibang bansa kundi pati na din dito sa Pilipinas. May iilan na ding mga lokal na palabas na nagkukwento sa diumano’y buhay ng mga sirena tulad ng Marina, atbp.

Ngunit hindi din pupwedeng sabihing tanging bunga lang ng kathang isip ang mga sirena sa ating mundo dahil sa kabila ng mga siyentipikong pag-aaral ng ating mga karagatan, hindi pa ito tuluyang napapag-aralan ng mabuti. Di nga naman kagulat-gulat dahil sa kabila ng kagandahan ng dagat, ang lawak at lalim nito ay hindi pa tuluyang nagagalugad ng husto.

Hindi dapat na I itsapwera ang kuwento ng mga sirena. Kailangan lang buksan ang pag-iisip at malay mo, isang araw ay makakaranas ka ring makakita nito.



About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.