Sinaniban ng Demonyo o Espirito, Engkanto: Pagpapalayas ng Espiritu Masama sanib

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Totoo ba ang mga demonyo? Datapwat ang pagsapi ng mga masasamang espiritu sa katawan ng walang kalaban-labang taong biktima ay tila kathang isip lamang, ang posibilidad na masapian ng isang demonyo ay isang karaniwang pinaniniwalaan ng iba’t-ibang relihiyon sa buong mundo. Karamihan ng mga relehiyon ay nag-aalay ng mga panalangin, orasyon o bulong na ginagamit upang matanggal ang mga sumasanib na espiritu sa pamamagitan ng ritwal ng exorsismo.

Ang pagsapi ng demonyo ay isang komplikadong isyu kung saan hindi lahat na nakikita lamang ng mata ang napapaniwalaan. Sa loob ng pitong taong masusing pagsasaliksik tungkol sa paksang ito, ang SSRF ay natuto tungkol sa iba’t-ibang uri ng pagsapi ng mga demonyo na nagpapakita ng malawak na saklaw ng sintomas at pagtama sa mga indibidwal na nasapian. Walang madaling paraan upang ipaliwanag ang mga antas ng pagsapi dahil may ilang mga paraan at pananarinari o nuance sa pagsuri ng kahit anong uri ng pagsapi. Sa artikulong ito ay susubukan naming maibahagi sa inyo ang ilang mga pananaw sa pagsapi ng mga demonyo at ang kanilang mga nuance.

Ang pagsapi ng mga demonyo ay may tatlong uri: malumanay, katamtaman o malala. Ang susunod na mga parte ay magtatalakay sa mga particular na dahilan o factors na kinokonsidera sa paguuri ng mga pagsabi ng demonyo bilang malumanay, katamtaman o malala.


Antas ng pagsapi ng mga demonyo

Dito natin ikakategorya ang mga antas o degree ng pagsapi base sa lebel ng ikaanim na diwa o pino at mapang-unawang kakayahan para matukoy ang pagsapi.

1. Malumanay na pagsapi ng demonyo. Dito ay kahit na simpleng alagad ng simbahan sa pamamagitan ng kanyang talino at simpleng kaalaman tungkol sa pagsapi ng demonyo ay maiintindihan ito sa pamamagitan lamang ng pag-obserba ng abnormal na pag-uugali ng isang indibidwal kung saan ay may kakaiba sa sinapiang tao. Ang taong sinapian ay umaakto ng abnormal at ang espiritu sa loob ng tao ay sigurado nang nagpapakita. Ang pag-uugali ay maaaring iba sa nakasanayang ugali ng tao tulad ng sobra-sobrang pagka agresibo mula sa isang karaniwa’y kalmado at malumanay na tao, baliw na pagtawa, pagsasalita ng mga kung ano ano atbp. Posible ding mapatunayang sang sintomas ng isang tao ay dahil sa pagsapi ng demonyo kapag ito ay nagamot ng mga ispiritwal na lunas. Halimbawa, kung ang abnormal nap ag-uugali niya ay kumalma sa loob ng temple o simbahan, o kapag siya ay nakainom o nasabuyan ng Agua Bendita, atbp.

Ang isang psychiatrist na tumitingin sa insidenteng ito ay karaniwang ihahanay ito sa psychosis o pagkabaliw o iba pang sakit sa utak. Maaari ding tignan ang: Bakit may protektadong border sa paligid ng itaas ng litrato?

2. Katamtamang pagsapi ng demonyo. Ito naman ay mangangailangan ng mataas na lebel ng ikaanim na diwa o sixth sense at extra-sensory perception para maunawaan at matukoy kung nasaniban ang tao. Ang ispiritwal na antas ng isang taong tumutukoy ay karaniwang dapat nasa 50-70%. Ang mga sintomas at senyales ay mas mahina. Ang pagsapi na tulad nito ay karaniwang hindi agad agad makikita. Ngunit ito ay hindi madalas na nangyayari at ang espiritu ay magmamanifest at pwede pa ring kalmado at hindi magpapakita ng sintomas na siya nga ay sinapian.

3. Malalang pagsapi ng demonyo. Dito, tanging Santo lang ang makakatukoy kung ang tao ay sinapian. Dahil ang isang tao ay sinapian ng mas makapangyarihang multo, tanging Santo lamang sa pinakamataas na antas ang makakasigurong siya nga ay sinapian.


Halimbawa:

1. Si William Friedkin at tinakot ang mga manonood ng sine dahil sa kanyang 1973 na klasikong pelikula tungkol sa isang maliit na batang sinapian ng sadistang espiritu. Ang The Exorcist ay totoong kathang isip lamang, ngunit ang takot na dala ng pelikula ay base mismo sa totoong malademonyong pangyayari na tumama sa isang 14-taong gulang na batang lalaking nagngangalang Robbie Mannheim. Pinangalanang “Roland Doe” noon panahong iyon para maprotektahan ang kanyang pribadong buhay, si Rolad umano ay sinabian ng isang napakasamang demonyo sa Cottage City, Marylang noong huling bahagi ng 1940s matapos subukang kausapin ang yumaong tiyahin sa tulong ng Ouija board. Sa ilalim ng kontrol ng demonyo, ang bata ay biglang lumutang at nagsalita ng ibang lenggwahe. Pinatawag ang mga pari. Matapos ang higit sa 30 mga ritwal (at paglipat sa Missouri), umalis din ang mga sumapi kay Doe. Kalaunan ay bumalik din siya sa kanyang normal na buhay, tulad ni Regan sa kwento Freidkin – hanggang sa may part 2 nga lang.

2. Ang kaso ng pagsapi kay Anna Ecklund ay masusubaybayan pabalik mula sa isang pamphlet noong 1936 na tinatawag na Begone Satan: A Soul Stirring Account of Diabolical Possession in Iowa. Si Father Carl Vogl ang sumulat ng dokumento, na nagtatalakay sa kwento ng isang mapanampalatayang katoliko mula sa Midwest America na si Anna Ecklund. Ang mga nangalaga kay Anna diumano ay isinumpa ito noong 1908 sa pamamagitan ng paglagay ng mahiwagang mga damo sa kanyang pagkain. Noong si Anna ay 14 na taong gulang na, siya ay nagsimulang magpakita ng mga sintomas ng pagkasapi ng demonyo. Siya ay magsasalita ng ibang mga lenggwahe at kakaibang boses, lulutang at didikit sa dingding ng kanyang kwarto. Ang kanyang unang pag exorcise ay naganap noong 1912, na nakatulong, ngunit sa panandaliang panahon lamang. Siya ay sinapian ulit, ngayon naman ay ng higit pa sa isang demonyo. Ang kasong ito ay nag culminate sa tatlong pag exorcise na naganap sa isang kumbento sa Earling, Iowa sa katapusang ng 1928 na siyang nakagaling kay Anna ng kanyang paghihirap.

3. Isinilang noong 1952 sa West Germany, si Anneliese Michel ay may kasaysayan ng sakit sa utak at dumaranas ng epilepsy. Noong 1973, sa edad na 20, ang kanyang mga sintomas ay lumala. Siya ay na depressed at naging agresibo, hindi na siya sumasamba sa kanyang relihiyon, nagkwento tungkol sa malademonyong mga nakikita, at nakakarinig ng mga boses na isinusumpa siyang pupunta siya sa imprerno. Ang kanyang mga magulang ay kumbinsidong siya ay sinasapian. Si Josef Strangl ay isang katolikong Obispo na siyang nag exorcise sa kanya. Malapit sa 70 ritwal ay ginawa sa pagitan ng 75 at 76 na siyang nagdulot ng kanyang pagkamatay.


Ang autopsy report ay tumukoy na si Anneliese ay namatay dahil sa malnutrisyon at dehydration na resulta ng mga exorsismo. Sa isang napakapublikong paglilitis, ang kanyang mga magulang at ang mga Katolikong opisyal na responsible ay nahatulan ng pagpatay at nasentensyahan ng anim na buwang pagkakabilanggo. Ang sikat na kasong ito ang insirasyon ng horror film na The Exorcism of Emily Rose noong 2005.



Noong unang panahon, maraming mga tao ang naniniwalang ang mga masamang espiritu ay makakapasok sa katawan ng tao at kontrolin ito. Ang karaniwang paliwanag dito ay epilepsy at pagkabaliw. Sa modernong terminolohiya, ang “pagkabaliw” na ito ay tumutukoy sa sakit sa utak tulad ng schizophrenia at delirium. Kahit ngayon, hindi pa din nauunawaan ng husto kung ano ang dahilan ng mga kondisyong ito. Sa mga sinaunang tao na mas kaunti ang kaalaman, sinisisi nila ang mga masasamang espirito.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.