PAANO MAGLUTO NG BEEF PARES? ANO SAHOG, SANGKAP, REKADO, RESIPE, RECIPE

Eiselle Joyce Hidalgo
is a Food Technologist/ Baker & Decorator in the Philippines

Beef Pares

Beef Pares


Beef Pares


Sikat ang beef pares sa Pilipinas. Ito ay karaniwang nakikita sa mga kanto bilang “paresan”. Isa ito sa mga putahe na inihahanda at binebenta sa mga carenderia. Ang napakalambot na baka at ang lasa ng anise ang dahilan kung bakit ito ay binabalik balikan ng mga Pilipino. Ayon kay Connie Veneracion, ang salitang “pares” na sa ingles ay “pair” ay literal na pagpapareha ng ulam na ito sa kanin. Karaniwang kapareha nito ay garlic fried rice.


Ang iba namang uri nito ay, Beef Mami Pares, na sa halip na kanin, ito naman ay inilalahog sa mami. Ang sikreto sa pagkakaroon ng masarap at malasang karne ng pares ay una, ang pagprito nito muna sa mantika hanggang maging brown ang magkabilaang gilid. Mas umaangat kasi ang lasa at linamnam ng karne bago ito ihalo sa paglalagaan.


1 kutsara ng mantika

500g beef brisket (dibdib na bahagi ng baka), hiwain sa maliliit na cubes

5-6 piraso o cloves ng bawang

1 piraso ng sibuyas na pula

1 pirasong maliit na luya (mga isang pulgada), kinudkod

2 kutsara ng soy sauce

2 pirasong star anise

Tubig para sa pagpapakulo ng baka

2 kutsara ng pulang asukal

2 kutsara ng oyster sauce

1 kutsara ng liquid seasoning

Pamintang durog

2 kutsara ng cornstarch na tinunaw sa

1 ½ kutsara ng malamig na tubig

Dahon ng sibuyas, tadtarin


1. Sa isang kaserola, ilagay ang mantika at painitin. Ilagay ang baka at lutuin.

2. Tanggalin sa kaserola at itabi muna. Gamit ang parehong kawali, i-sangkutsa naman ang bawang, sibuyas na pula at luya.

3. Ibalik ang baka, ilagay ang toyo, pulang asukal, star anise, at katamtamang tubig upag lumubog ang karne ng baka. Huwag sobrahan upang hindi lumutang ang karne.

4. Pakuluan ng dahan-dahan, sa mahinang apoy, sa loob ng dalawang oras o hanggang lumambot na ang karne ng baka at nangalahati na ang tubig sa kaserola.

5. Ilagay na ang oyster sauce, liquid seasoning at pamintang durog.

6. Ilagay ang cornstarch na tinunaw sa tubig upang lumapot ang sabaw.

7. Patayin ang apoy ilagay sa paligid ang tinadtad na dahon ng sibuyas. Ihain kasama ng plain rice o garlic rice.


Tip/s:

1. Liquid seasoning – ginagamit ito bilang pampa-alat. Ngunit kung wala nito, maaaring gumamit na lamang ng asin.

2. Kaserola – pinaka mainam kung mayroong ‘heavy bottom pan” na magagamit, sapagkat maiiwasan ang pagsunog ng sangkap sa ilalim at upang mapakuluan ang pares ng matagal ng hindi masusunog.


3. Dalawang oras – kung balik-balikan ang kaserola at patuloy itong haluin upang hindi masunog ang ilalim.

About the author

Eiselle Joyce Hidalgo

Profession: Food Technologist/ Baker & Decorator
Flour Revolution: Art that can be eaten
Philippines , Quezon City , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.