Chicken Arroz Caldo
Ang Arroz Caldo o sa Pilipinas ay kilala rin bilang lugaw ay paboritong inihahain sa umaga bilang almusal at tuwing maulan ang panahon. Ayong kay Mary Anne Cabrera, ang pinagmulan ng pagkain ito ay sa parehong impluwensya ng mga Espanol at Intsik sa Pilipinas. Ang pangalan ay hango sa Espanol na salita, at ang pagkakaluto nito ay kapareho ng “congee” ng Tsina.
Chicken Arroz Caldo
Mantikang pang gisa
1 piraso ng sibuyas na pula, tinadtad ng pino
½ cup luyang ginadgad
4-5 piraso o cloves ng bawang
1 buong manok, tinadtad sa maliliit na piraso
1 ½ cups ng malagkit na bigas
2 kutsara ng patis
3 litro ng tubig o
3 piraso ng chicken cubes na tinunaw sa litro ng tubig
½ cup ng dahon ng sibuyas na tinadtad sa maliliit na piraso
4 na piraso o cloves ng bawang (pang palamuti sa ibabaw ng Arroz caldo)
Kalamansi
Asin at paminta
1. Sa isang malaking kaserola, ilagay ang mantika at ilagay ang sibuyas, i-sangkutsa hanggang lumambot.
2. Ilagay ang luya at bawang at halu-haluin hanggang lumabas ang mabangong amoy nito.
3. Ilagay mga piraso ng manok. I-sangkutsa hanggang mag-brown ang mga gilid nito.
4. Alisin ito mula sa kaserola at itabi muna.
5. Ilagay ang malagkit na bigas at haluin hanggang malagyan lahat ng mantika. Kung kulang ang mantika, lagyan pa ito ng kaunti.
6. Ibalik ang manok sa kaserola, ilagay ang patis, ibuhos ang tubig o tinunaw na chicken cubes sa tubig. Haluing mabuti.
7. Takpan at pakuluan.
8. Kapag ito ay kumulo na, hinaan ang apoy at dahan-dahang pang pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng apat napung limang minuto hanggang isang oras o hanggang tuluyang maluto ang manok.
9. Halu-haluin upang hindi dumikit ang nilulutong kanin sa ilalim ng kaserola.
10. Habang niluluto ang kanin, kumuha ng kawali at igisa ang bawang sa mahinang apoy hanggang ito ay maging golden brown at malutong. Ilagay sa plato na may paper towel upang mabawasan ang mantika.
11. Kapag lumapot na ang arrozcaldo, maglagay na ng asin at paminta ayon sa panlasa. Maaari ding lagyan pa ng patis ayon din sa panlasa.
12. Ihain habang mainit. Lagyan o budburan ng bawang na prinito, dahon ng sibuyas at calamansi.
Tip/s:
1. Ginadgad na luya – gumamit ng batang luya
2. Maliliit na piraso – kung hindi siguardo kung gaano kaliliit, maaaring sabihan ang pinagbilan sa supermarket o palengke na gagamitin ang manok para sa arroz caldo upang mahiwa ito ng tama.