Paano Magluto ng Isaw? Ano Sahog, Sangkap, Rekado, Sawsawan Resipe

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ang isaw ay isang kilalang pagkaing pangkalye sa mga kalsada ng Pilipinas. Ang pagkaing ito ay gawa sa bituka ng baboy at manok na inihaw sa parilla hanggang sa maluto ng maayos. Gustong-gusto ng mga Pilipino, mayaman man o mahirap, ang kumain ng pagkaing ito.

Makikita ang isaw kahit saan sa mga kalsada ng bansa dahil kahit na ang mga nagbebenta nito ay walang sariling pwesto, sila ay may mga karitong lutuan na maaari nilang dalhin upang mag-ikot ikot at magbenta ng isaw kahit saan man sila mapadpad, lalo na sa harap ng isang kilalang mataong lugar o establisimyento tulad ng mga eskwelahan, mga simabahan, at mga opisina lalo na tuwing hapon hanggang gabi.

Ang mga nagbebenta ng isaw ay sinisigurong malinis ang kanilang binebenta kaya binabaliktad nila ang bituka at paulit ulit na nililinis ang mga ito para masiguradong malinis ang mga ito at walang matitikman na mapait o kadiring bagay ang mga kumakain nito.

Karaniwang kinakain ang isaw na isinasawsaw sa iilang klaseng sawsawan:

· Sukang may kasamang sibuyas

· Suka na may kasamang sibuyas at sili

· Matamis na sawsawan

· Sawsawang maanghang

Maaari ring pagsama samahin ang iba’t-ibang sawsawan depende sa panlasa ng kumakain.

Kung ikaw ay interesado na magluto ng isaw o matutong gumawa nito, narito ang isang simpleng recipe para makapagluto ng isaw:


Pangalan ng Recipe: Isaw-Isaw (Bituka ng Manok o Baboy)

Oras ng Paghahanda 40 Minuto

Oras ng Pagluluto 10 Minuto

Kabuuang Oras: 50 Minuto


Mga Sangkap


Kalahating Kilo ng bituka ng baboy o manok (Nalinis ng mabuti)

½ tasa ng suka

2 kutsarang buong peppercorn

2 kutsara ng asin

4 hanngang 6 na piraso ng tuyong bay leaves

4 na tasa ng tubig

1/2 tasa ng ketchup

2 kutsara ng toyo

2 kutsara ng mantika


Paraan ng pagluto:

1) Bumili lamang ng bituka ng manok o baboy mula sa mapagkakatiwalaang nagbebenta. May ilang mga nagbebenta na hindi responsabel at maingat sa paglilinis ng mga ito. Ang mga natitirang dumi sa hindi maayos na nalinis na bituka ay hindi maaaring kainin at magdadagdag lang ng bigat sa iyong binili.

2) Linisin ulit ang mga bituka sa pamamagitan ng marahang pagpiga sa mga bituka gamit ang iyong mga daliri para malabas ang dumi. Maaari mo ring buksan ang mga bituka gamit ang gunting at linisin ito sa gripo. Pwede ring padaanan mo ng tubig mula sa gripo ang loob ng bituka.

3) Magpakulo ng tubig sa isang kaserola at lagyan ng asin, buong pepper corn at tuyong bay leaves. Habang kumukulo, ihanda ang mixture na gagamitin mo sa pag ihaw, mantika, toyo at ketchup.

4) Idagdag ang mga bituka at pakuluan ng ilang minuto.

5) Idagdag ang suka at pakuluan ulit ng hanggang sa 30 minuto o hanggang sa lumambot ang mga bituka. Itabi hanggang sa bumaba ang temperatura.

6) Kumuha ng gusto mong haba ng bituka at tusukin gamit ang barbeque stick.

7) Ihawin ito sa taas ng katamtamang temperatura ng uling ng halos 30 minuto.

8) Baliktarin at pahiran ng marinade mo (hinalong mantika, ketchup, toyo, chili o kung ano man ang iyong nais) bawat 2 minuto.



Simple lang diba? Magandang ihanda ang isaw bilang pulutan sa mga inuman o di naman kaya ay meryenda tuwing hapon kasama ang mga anak.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.