SINIGANG NA BABOY
Maraming bersyon ng Sinigang na ang naibahagi sa ating kultura, ngunit saan nga ba ito nagmula? Dahil nasa taglay na asim ng Sinigang ang kanyang pagkakakilanlan, may iba’t ibang ding lugar sa bansa itong pinagmulan. Ayon kay Chef Claude Tayag, mas kilala ito sa rehiyon ng mga Tagalog (Metro Manila at mga probinsyang nasa bahaging timog – Calabarzon at Mimaropa na talagang naglalagay ng maraming suka, at maasim na prutas bilang natural na pampa-asim sa Sinigang.
Sinigang na Baboy
4 na kutsara mantika/ vegetable oil
½ kg tadyang ng baboy/ Pork ribs
½ kg tyan ng baboy/ Pork belly
1 piraso sibuyas, maninipis at pahabang hiwa
4 na maliliit na piraso kamatis, maninipis at pahabang hiwa
1 ½ litro tubig
1 maliit na pack (100g) o 100g na laman ng sampalok
1 piraso labanos, hiwain ng medyo manipis
1 piraso talong, hiwain ng medyo manipis
200 g o isang tali sitaw, hiwain sa laki ng 1-inch o isang pulgada
2 kutsarita asin at pamintang durog
1 pirasong siling haba
patis and kalamansi
1. Sa isang malaking kaserola, initin ang mantika sa katamtamang lakas ng apoy.
2. Lutuin ang pork ribs at pork belly sa loob ng apat hanggang limang minuto o hanggang maging brown ang bawat gilid. Ilipat sa plato pagkaluto at itabi muna.
Pork ribs at Pork belly
3. Gamit ang mantikang pinaglutuan ng baboy, igisa ang sibuyas hanggang malapit ng maging transparent ang anyo nito at halu-haluin upang hindi masunog. Ilagay na ang kamatis at halu-haluin muli hanggang lumambot.
4. Ibalik ang baboy sa kaserola at ilagay ang isang kalahating litro ng tubig. Pakuluin sa loob ng labinlimang minuto (15 minutes) sa katamtamang lakas ng apoy.
5. Samantala, kung ang gagamitin ay laman ng sampalok, ilagay ito sa isang mangkok o bowl na maaaring paglagyan ng maiinit o heatproof container. Kumuha ng kaunting kumukulong tubig at ibabad sa loob sa labinlimang minuto (15 minutes) upang lumambot. Pagkatapos ay kumuha ng tinidor at durugin ang buo pang laman. Kumuha ng pansala at salain ang dinurog na laman ng sampalok upang mahiwalay ito sa mga mga buto. Itapon ang buto. Ilagay ang dinurog na sampalok kung kumukulo na ang tubig sa kaserola at lutuin ito sa loob ng limang minuto.
Kung sampalok mix naman ang gagamitin, ihalo ito kapag kumukulo na ang tubig sa kaserola.
Sampalok
6. Sunod na ilagay ang labanos at talong. Lutuin sa loob ng limang minuto o hanggang bahagyang lumambot na ang mga ito.
7. Ilagay ang sitaw at lutuin sa loob ng tatlong minuto o hanggang lumambot na rin ito.
8. Lagyan na ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa. Lasahan ito, at ito ay dapat may tamang asim at alat. Ilagay ang siling haba.
9. Ilipat ito sa serving bowl o malaking mangkok. Maglagay ng patis at kalamansi sa maliit na lalagyan at lagyan nito kung kakain na.