PAANO MAGLUTO NG SIZZLING SISIG? ANO SANGKAP, REKADO, SAHOG, SIKRETO

Eiselle Joyce Hidalgo
is a Food Technologist/ Baker & Decorator in the Philippines

Sa aking pagkakaalam ang sisig ay isang Kampanpangan na putahe. Napakasikat nito sa Pilipinas at sa kahit anong carenderia ay laging may binebentang ganito. Kahit din sa mga Filipino restaurants, malimit na ito ay kasama sa kanilang menu.


Ang recipe ng sisig na ito any binubuo lamang ng iilang sangkap. Napakadaling lutuin at sundan.

sisig


Pork Sisig


8 piraso tenga ng baboy1

200g pork belly/ tyan ng baboy

100g atay ng baboy2

2 cups chicharong baboy

1 cup suka

4 kutsara toyo

4 kutsara mayonnaise

3 piraso siling pula, tadtarin

5-6 piraso kalamansi, pigain at itabi ang juice3

2 piraso maliliit na sibuyas, hiniwa sa maninipis na piraso

6 cloves/piraso bawang, hiniwa ng pino

1 piraso maliit ng luya, hiniwa ng pino

dahon ng laurel

itlog

asin at pamintang durog


1. Sa isang kaserola, pakuluan ang tenga ng baboy at pork belly sa suka, dahon ng laurel, asin at paminta sa loob ng dalawampu’t limang minuto (25 minutes).

2. Gumamit ng pansala at i-drain ang tubig na pinagkuluan.

3. Sa isang kawali, maglagay ng mantika at prituhin ang tenga at pork belly sa loob ng dalawampung minuto o sampung minuto sa bawat magkabilang gilid. Hanguin.

4. Gamit ang parehong kawaling pinagprituhan, isunod na gisahin4 ang atay ng baboy.

5. Kapag naluto na, tadtarin ang mga ito ng pinong pino.

6. Sa isang malaking bowl, ilagay ang mga natadtad na laman. Ibuhos ang soy sauce, pamintang durog and tinadtad na sili.

7. Gamit muli ng kawaling pinagprituhan kanina, igisa ang bawang at luya. Ilagay ang mixture mula sa bowl at igisa hanggang lumutong ang baboy.

8. Ihalo ang mayonnaise at chicharon.

9. Ilipat ito sa plato habang mainit na mainit at lagyan ng hilaw na itlog sa ibabaw at pinigang calamansi.


Tips:

1. Tenga ng baboy – Maaari ring gumamit ng pisngi ng baboy sa parehong timbang ng 8 tenga ng baboy.

2. Atay ng baboy – Maaari ring gumamit ng atay ng manok, para sa akin mas malinamnam ito kesa sa atay ng baboy. Ngunit may mga nagsasabi naman na mas masarap ang atay ng baboy. Nasasainyo kung ano ang mas gusto n’yong gamitin.

3. Kalamansi – Maaari ring gumamit ng lemon, nagbibigay ito ng ibang lasa kung masyado na kayong pamilyar sa lasa ng kalamansi.


4. Gisahin ang atay ng baboy – nasubukan ko na rin na sa halip na igisa ang atay, gumamit ako ng food processor at ginawa koi tong puree (hilaw) at inihalo sa tinadtad na laman ng baboy at saka iginisang muli. Maganda na ito rin ay gawin sapagkat lumalabas ang lasa ng atay at naihahalong mabuti ito sa lahat.

About the author

Eiselle Joyce Hidalgo

Profession: Food Technologist/ Baker & Decorator
Flour Revolution: Art that can be eaten
Philippines , Quezon City , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.