PAANO MAGLUTO NG TINOLANG MANOK? ANO SANGKAP, REKADO, SAHOG, SIKRETO

Eiselle Joyce Hidalgo
is a Food Technologist/ Baker & Decorator in the Philippines

Isa sa mga pinakamadaling lutuin na pagkain Pilipino ang tinola. Marami na ring mga bersyon ang lumabas nito, mayroong nilalagyan ng patatas, repolyo ang iba naman malunggay. Itong ibabahagi ko naman ay ang tinolang aking natutunan habang ako ay nanunuod ng TV noong aking kabataan at nahaluan na rin mga nakikita ko sa aking nanay.


Tinola

Tinolang Manok


1 kutsara mantika/ vegetable oil

1 piraso sibuyas

2 cloves o piraso bawang

1 maliit na pirasong batang luya

1 kutsara patis

1 ½ kilo paa at pecho ng manok

2 piraso chicken cubes1 na tinunaw sa

1 litrong mainit o kumukulong tubig

1 sayote, binalatan at hinati sa malilit na piraso o bite size

2 kutsaritang asin at pamintang buo2

1 bungkos pechay tagalog3

1 tali dahon ng sili


1. Sa isang malaking kaserola, initin ang mantika sa katamtamang lakas ng apoy.


2. Igisa4 ang bawang at sibuyas hanggang hanggang lumabas ang mga amoy.


Tinola1

Igisa ang bawang at sibuyas


3. Ihalo ang luya at patis, i-sangkutsa ito bago ihalo ang manok.


4. Ilagay ang manok at patuloy itong haluin upang hindi dumikit sa kaserola at bahagyang lumabas ang tubig sa manok, mga limang minuto (5 minutes).


5. Ibuhos ang tinunaw na chicken cubes and antaying kumulo, mga anim hanggang walong minuto (6 to 8 minutes).


Tinola2

Tinunaw na chicken cubes sa kumukulong tubig


6. Ilagay na ang sayote at pakuluan sa mahinang hanggang katamtamang lakas ng apoy. Antaying maluto ang manok sa loob ng sampu hanggang labindalawang minuto (10-12 minutes).


7. Ilagay ang asin at paminta ayon sa iyong panlasa.


8. Pagkatapos ay isunod na ilagay ang pechay at dahon ng sili. Iluto hanggang lumambot ang mga dahon, mga isa hanggang dalawang minute (1-2 minutes).


9. Ilagay sa malaking bowl o mangkok at ihain habang mainit.


Tips:

1. Maaaring gumamit ng kahit anong brand ng chicken cubes. May nabibili ring mga “chicken broth” sa na nasa de lata. Maganda rin itong gamitin sapagkat nagbibigay din ito ng masarap na lasa sa nilulutong pagkain.


2. Pamintang durog – Painitin ito sa kawali ng mga tatlong minuto habang hinahalo. Natutunan ko ang technique na ito sa culinary school. Sa pamamagitan nito, lumalabas ang aroma ng paminta na magiging mainam sa niluluto nating pagkain.


3. Pechay tagalog – Maaari ring gumamit ng bok choy na variety. Ito ay mas maliliit at mas malambot.


4. Sa pag gisa ng bawang at sibuyas, laging unahin ang bawang bago ang sibuyas. Igisa ang bawang hanggang bahagyang maging brown bago ilagay ang sibuyas.

About the author

Eiselle Joyce Hidalgo

Profession: Food Technologist/ Baker & Decorator
Flour Revolution: Art that can be eaten
Philippines , Quezon City , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.