Advanced French Kissing Techniques, Guide to Halikan Lambingan

Precious Gomez
is in the Philippines

Step 1

Pag-iba ibahin ang ginagawa. Ang mga halik ay tulad ng mga butil ng mais, walang eksaktong magkapareho. Kapag nagiging kumportable ka na sa French kissing, nakakaktukso ulit-ulitin ito. Ngunit dapat mong pigilan ito kung nais mong panatilihing kawili-wili palagi.

Dapat mayroong alindog pero nagdaragdag parin ng mga pagbabago upang mapanatiling kagiliw-giliw ang French kissing. Narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong maiba:

· Bilis: ​​Ang pagbago o pag-iba ng bilis ng iyong mga halik ay isang mahusay na paraan upang subukan ang isang bagong bagay na hindi nai-intimidate ang iyong partner. Kapag nakuha mo na kung paano humalik ng mabagal, subukang bilisan naman ang paghalik.

· Lalim: Kapag komportable ka sa isang tao, subukan ang paghalik ng mas malalim. Ang susi sa pagkuha nito ay ang pagpapanatiling kontrolado sa iyong bilis. O, kung gusto mong ito’y mas mapang-akit at mapaglaro, pwedeng bumalik sa mga mababaw na halik.

· Diin: Tulad ng isang malalim na halik, ang isang hard kiss ay dapat gawin sa isang sitwasyon kung saan alam mong ikaw at ang iyong partner ay parehong kumportable para gawin ito. Maging mas malakas sa iyong dila, ngunit siguraduhin napapanatili ang paggalaw nito.

· Ngipin: Baka gusto mong subukan na i-rub ang mga likod o harap ng mga ngipin ng iyong partner ng iyong dila. Ito ay maaaring lumikha ng isang nakakakiliting sensasyon na nagpapahusay ng iyong halik. Maaari mo ring subukang kagatin ng kaunti ang mababang labi ng iyong kapareha gamit ang iyong mga ngipin. Ngunit hindi lahat ng tao ang may gusto nito - maging handa para dito.

Step 2

Gamitin ang iyong mga kamay. Bagamat dapat mong panatilihing magalang ang iyong mga kamay, lalo na sa iyong unang halik, hindi mo gustong nakabitin lamang ang mga ito sa iyong mga tagiliran. Ang paggamit ng iyong mga kamay at paghawak sa katawan ng iyong partner (ng hindi bastos) ay napapabuti ang romantic feeling ng halik at mas mararamdaman mo at ng iyong partner ang connection. Kapag gumawa ka ng contact sa katawan ng iyong kasiping, maaari mong igalaw ang iyong mga kamay ng dahan-dahan nang hindi nagiging agresibo dito. Narito ang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa paggamit ng iyong mga kamay habang ginagawa ang French kiss:

Kadalasan, magsimula sa hita ng iyong partner at pagkatapos ay dahan-dahang ilipat ang mga ito sa paligid ng kanilang likuran o hanggang sa kanyang mukha at buhok. Isa pang turn-on para sa iyong first kiss ay ang dahan-dahang paghaplos sa balikat ng iyong kapareha. Ipinapakita nito na ikaw ay komportable sa kanya.

Haplusin ang mukha ng iyong partner gamit ang iyong mga kamay, sa kanyang mga pisngi at leeg.

O, balutin mo siya ng iyong mga kamay at yakapin.

Step 3

Basahin ang body language ng iyong partner. Lahat ng tao ay iba-iba kung humalik, at bawat tao ay ini-enjoy ang iba't ibang bagay sa isang halik - walang 'tamang' paraan sa paghalik. Nangangailangan ng give-and-take ang isang magandang halik, kaya basahin ang body language ng iyong partner at bigyang-pansin ang mga pahiwatig na magsasabi sa iyo kung ginagawa mo ito ng tama at nagugustuhan niya. Ang pinaka-mahalagang bagay ay tiyakin na ang iyong kissing partner ay komportable sa bilis ng iyong halik at mapagmahal na haplos.

Hindi lahat ng tao ay gustong na mahalikan sa parehong paraan, kaya’t maaaring enjoy ng iyong dating partner ang paraan ng iyong paghalik, ngunit hindi ng iyong bagong pag-ibig o kasintahan. Kailangan mong malaman kung paano basahin ang mga signal at umangkop sa isang estilo na kumportable para sa inyo.

Kung ang iyong partner ay lumayo o parang hindi komportable sa anumang oras, kailangan mo itong dahan-dahanin lang.

Hayaan mong gantihan ka ng halik ng iyong patner, at sundan siya habang nagiging kumportable sa kanyang ginagawa.

Makinig sa mga pahiwatig na nagsasabi kung nagugustuhan ba ng iyong kasintahan ang iyong paghalik at haplos. Kapag nakarinig ka ng masarap na ungol, o kapag ginantihan ka niya ng mapusok na halik, ibig sabihin nagugustuhan niya ito.

Step 4

Practice. Ang magandang French kiss, tulad ng ibang halik, ay nangangailangan ng pagsasanay. Magiging mahusay ka kung gagawin ito ng madalas. Isa pa, ang madalas na paghalik sa isang tao, ay nagbibigay ng mas kumportableng pakiramdam sa inyong dalawa, habang gumagawa ng isang estilo na akma lamang sa inyong dalawa. Hindi ibig sabihin na kung hindi mo nagawa ng mahusay ang iyong unang halik, ikaw at ang iyong partner ay hindi bagay. Magkaroon ng pasensya at patuloy na magsanay ng dahan-dahan hanggang makamit ang isang ritmo na bagay para sa inyo.

Huwag masyadong seryosohin ang inyong mga sarili. Kung sinubukan mo ang isang bagay at nabigo, okay lang na tumawa, humingi ng paumanhin, at sumubok muli. Kung magiging masyadong desmayado ka sa hindi paghahalik sa unang pagkakataon, baka magkailangan lang kayo sa susunod.

Karamihan sa mga unang halik, tulad ng karamihan ng mga unang pagtatangka sa pagtatalik, ay hindi kailangang matagumpay.

Bahagi ng saya ay ang sabay kayong natuto at nagiging magaling dito.

Step 5

Magusap. Kapag nagustuhan mo ang paraan ng paghalik ng iyong partner, ipaalam sa kanya. Kapag hindi mo naman gusto ang isang bagay, ipaalam rin ito sa iyong partner. Ngunit sabihin ito ng maganda at hindi nakakasakit sa damdamin niya. Purihin din siya sa mga nagugustuhan mo at sa ginagawa niya. Kung ang iyong partner ay prangka at ibinabahagi ang saloobin sa iyo, subukang huwag magalit o masaktan. Kung hindi, magkakaroon ang iyong kasintahan ng pag-aalinlangan na makipag-usap sa iyo sa susunod.

Kahit na may mga nakakahiyang pagkakamali sa unang paghalikan at paglalambingan ninyo, maaari pa rin itong maging mainit at mapagmahal na sandali, kapag pagtatawanan lamang ninyo ang inyong mga pagkakamali. Ang mahalaga ay pareho kayong tapat sa inyong mga nararamdaman at kung ano ang nais ninyong gawin na mapabuti pa inyong relasyon.

Mabuti ring purihin ang iyong kasintahan sa kanyang kagandahan at sabihin sa kanya ang mga nagustuhan mo sa kanya.


Gawing malinaw kung gaano ka kasaya na kapiling siya, at magiging mas natural at mapagmahal ang inyong paghahalikan.


Paano makipag-halikan babae at lalake? Basic techniques and Guide


Ano ang French Kiss? Ano pinagkaiba nito? Basic Guide to Kissing

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)