Bangayan: Paano maiwasan lover’s quarrel o nagaaway sa magasawa o magsyota?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Paano ba maiiwasan ang Lover’s Quarrel sa mga magkakarelasyon?

Imposible talaga na may magkarelasyon, kahit mag-on palang o mag-asawa na ang hindi man lang nagkakaron ng tampuhan. Nagka-kalabuan din ba kayo ng karelasyon mo? Natural lang yan kasi mag-kaiba kayo ng kinalakihan. Sabi ni Mitch Temple, isang marriage therapist, “Kahit na iba-iba ang problema ng mga mag-asawa, kapag natutuhan nila kung pano yon ayusin at kapag napipigilan na yon bago pa mangyari, nagpapatuloy ang magandang relasyon”.

Bangayan Paano maiwasan lover’s quarrel o nagaaway sa magasawa o magsyota

Kaso, may mga relasyon na nauuwi nalang sa paghihiwalay. Kung pakiramdam mo mauuwi na kayo sa hiwalayan, huwag ka munang susuko. Maupo, magrelax at subukan ang mga sumusunod na paraan kung paano maiiwasan ang lover’s quarrel o pagkakatampuhan:

-Palaging mag-usap lalo na kapag may problema. Baka isipin mong sasarilinin mo nalang ang problema, pero ano kaya ang mararamdaman ng asawa o karelasyon mo? Huwag matulog ng hindi pa ayos ang problema. Kapag nagsasalita siya, ipakita mo sakanya na nakikinig ka at naiintindihan mo siya. Matuto kang mag pasensya, yung mahabang pasensya. Kung mahal mo siya at ayaw mo na masira lang ng maliit na problema ang mahaba niyong pinag-samahan, pag-titiisan mo ang maliliit na kasalanan niya. Kung di siya agad naka-reply, nadala niya ang susi, nasunog ang ulam o etchetera, matutong magpalamapas.

-Iwasan na magtaas ng boses. Mahirap? Minsan totoo yan. Kung kailangan niyong mag-usap at parang mauuwi lang sa pagtatalo, magusap kayo sa resturant, library o park, yung mga lugar na mahihiya kayong magsigawan.

-Maging alisto sa pangangailangan ng bawat isa. Kung mag-asawa na kayo, may mga bagay na hindi mo pwedeng ipag-damot sa kapartner mo gaya ng sekswal na pangangailangan. Igalang mo ang desisyon ng partner mo o matutong pahalagahan ang mood niya. Kung seryosong problema niyo yan, baka pwede kayong humingi ng tulong sa sexual therapist o councilor. Kung magkarelsayon palang kayo, maging makonsiderasyon at iwasang maging selosa o seloso.

-Matutong mag-sorry agad. Para hindi na lumaki ang away, matutong umamin sa mga kasalanan o baka kahit maliit na pagkukulang lang.

-Laging tumupad sa napag-usapan at syempre, maging tapat. Iwasang isikreto sa kapartner mo ang mga utang o pautang mo. May karapatan siya na malaman yan. Maiiwasan ang pagtatalo kung hindi na kailangan pang malaman ng kapartner mo sa ibang tao ang mga ginagawa mo.Sa totoo lang, pride at pera ang talagang kadalasang problema. Kung yan ang madalas niyong pagtalunan, pagpaparaya at pagtitipid ang solusyon.

-Paghatian ang mga gawain at wag mag-solo. Mahirap solohin ang pag-aalaga sa bata o pag-luluto. Sa dami ng gawain sa bahay, baka mawalan na kayo ng panahon sa isat-isa. Napatunayan na ng maraming mag-asawa na ang pag-gagawa ng schedule at laging pagsunod dito ang nakakabawas ng tensyon sa loob ng bahay.

-Laging mag-date at iparamdam sa isat-isa ang pagmamahal niyo. Baka sa dami ng ginagawa niyo sa maghapon, nakalimutan niyo na ang talagang prayoridad niyo. Ang relasyon niyo ang proirity niyo at hindi ang gawing tama lahat ng bagay kasi mapapagod lang kayo. Iwasan din na maging seloso o maging dahilan ng ipag-seselos.


Hindi naman talaga masusukat sa dami ng away o bati ang tagumpay ng isang relasyon. Walang perpektong relasyon pero posible ang panghabang-buhay na pagsasama. Kung talagang mahal niyo ang isat-isa, malalagpasan niyo kahit ga-bundok pa na problema. Nakatulong sana ang artikulo na to sayo.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)