NAGTATAMPO KA BA SA AKIN? PAANO SUYUIN BABAE KAPAG GALIT? MATAMPUHIN

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Baka kung una palang eh ayaw na sayo ng isang babae eh umayaw ka na din. Pero gustong gusto mo siya at handa mong gawin ang lahat mapasagot lang siya kahit sobrang ipinagtatabuyan ka na niya. Kung minsan, hindi naman sa simula palang eh ayaw niya na sayo, pwedeng baka may nagawa ka lang na hindi niya gusto.

Baka hindi niya gusto ang paraan mo ng pagsasalita, pagkilos, paglalakad, pagtawa o kung ano-ano pa. O baka may nasabi ka noon na kina-inis niya. Minsan nasakanya ang problema. May magagawa ka pa ba? Syempre naman. Madami kang pwedeng subukang paraan.


Paano mo ba mapapasagot ang babaing ayaw sayo?

Heto ang ilang tips kung pano mo mapapasagot ang babaing ayaw o galit sayo:

- Alamin mo kung bakit ba siya nagagalit o tumatanggi sayo. Syempre masisimulan mo lang ang paglapit sa kanya kung maaalis sayo ang kinaka-ayawan niya. Baka naman kasi may problema lang siya kaya ikaw ang napagbubuntunan niya. Wag kang masyadong mangulit sa paglapit kapag nararamdaman mo na ayaw niyang makipag-usap. Wag mo ding piliting magpakacool o magmukhang cool sa harap niya kahit di naman totoo. Kapag napansin niya na iginagalang mo ang pasiya niya, baka buksan niya ang puso niya sayo. Sabi nga, “give her space”.

- Direkta mo siyang tanungin pero maging magalang. Kapag parang ayaw niyang sagutin, sabihin na: “Okay lang yan, pero sana maging magkaibigan tayo sa hinaharap”. Wag agad umasa na magiging mag-on kayo kapag hinayaan ka niya na maging kaibigan niya. Kung ano man ang mangyari, positibo lang at matutong maghintay. Kapag binigyan ka ng pagkakataon, sabihin mong gagawin mo ang lahat para magbago at talagang gawin mo nga yon, hindi sa salita lang.

- Pag-isipan ang dati niyong pinagsamahan o napag usapan. Baka naman may nakalimutan kang gawin na pinakisuyo niya sayo, may naiwala kang gamit niya, nainsulto siya sa nasabi mo o iba pa. Humingi ng sorry agad kung meron man.

- Magpakitang-gilas sa mga kaibigan at kapamilya nya. Hindi mo naman kailangan na magpakitang tao sa harap niya. Magpakatotoo ka at magpakita ng tunay na interes sa mga taong mahalaga sa kanya. Baka sakaling magbago ang tingin niya sayo.

- Baka naman nagkukunwari lang siya na ayaw niya sayo. Mejo dumistansya ka muna, at mahahalata mo yan kung sa susunod niyong pagkikita eh masaya siya at makikita yan sa mga mata. Habang di kayo nagkikita, mas pagbutihin ang sarili mo.

- Alamin ang mga bagay na gusto niya. Gawin mo ang lahat para maalis ang galit niya sayo. Subukan mo na maging interesado din sa mga ginagawa niya. Baka hilig niya ang isang partikular na pagkain o sports. Wag mo naman siyang sundan ng sundan kasi baka mas magalit siya sayo.

- Mas ma-aappreciate o mapapahalagahan ng mga babae kung susulatan mo sila at mag sosorry. Bigyan siya ng panahon na mag-isip.

- Patawanin siya palagi at wag magsawang magsorry.

- Magbago ka. Malamang na may idea ka naman kung bakit ayaw niya sayo. Kapag nakita niya na nagbabago ka, baka bigyan ka niya ng chance. Pero wag naman sobrang umasa.


Hindi mo makokontrol ang lahat na magustuhan ka, at least sinubukan mo. Basta magpakatotoo ka lang at harapin ang reyalidad para hindi ka masaktan. Nakatulong sana sayo ang artikulo na yan.


Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)