PAANO MANLIGAW SA BABAE? Diskarte sa panliligaw at mapa-oo siya

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

May nililigawan ka at ayaw mo na siyang pakawalan. Pakiramdam mo, siya na nga ang gusto mong maksama habang buhay. Yun nga lang, hindi mo pa siya na papa-oo, at heto ang mas malaking problema. Natotorpe ka. Hindi mo din alam kung pano ba manligaw. Problema nga yan. Pero sabi nga, ‘Walang mahirap na babae sa mahusay na diskarte’’. Baka isipin mo na hindi na hindi na masyadong uso ang mahabang ligawan sa ngayon. Pero sa totoo lang, kung gusto mong makasigurado sa babaeng pinapangarap mo, at kung gusto mo ng pangmatagalang relasyon, hindi ka dapat magmadali!

Eh pano nga ba mapapasagot ang mga babae? Eto ang ilang tips:

- Kilalanin mo muna siyang mabuti. Kung madalas kayong magchat o mag text, okay yan para mas makilala mo siya. Pero iba pa rin yung personal. Kung natotorpe ka naman kapag magkasama kayo, pwede kang hmingi ng tulong sa mga kaibigan mo. Alamin mo kung ano bang mga pagkakapareho niyo at syempre pati rin yung pag-kakaiba. Kapag kilala mo na siya, mas makakaisip ka na ng paraan na mapalapit sa kaniya.

- Makipag-kaibigan at maging totoo sa sarili. Wag mong sabihing mayaman ka kung hindi naman. Sa reyalidad, mas gusto ng mga babae yung totoo sa sarili at hindi masyadong mahangin o maporma. Magpakatotoo ka. Palaging magpakita ng effort. Baka may problema siya o kailangan niya ng kasama. Dapat na laging isa ka sa maiisip niya na hihingan niya ng tulong at na maasahan ka. Wag gayahin yung mga style sa mga pelikula na iniisip mong cool o astig. Manligaw ka sa paraang ikaw talaga.

- Regular na bumisita sa bahay at makipagkwentuhan sa pamilya niya. Lumang style? Hinding-hindi. Mas makikilala mo pa siya ng higit kung makikilala mo ang pamilya niya. Madaming nagliligawan ngayon na patago sa mga magulang. Kapag nakita ng babae na ginagalang mo siya at ang pamilya niya, siguradong mas mapapamahal siya sayo. Ugaliin mong batiin sila. At kapag magdadate kayo, palaging mag-paalam sa mga magulang niya. Dagdag pogipoints din yon!

- Palaging maging nasa oras at magbihis ng maayos sa date niyo. Hindi magandang babae ang pinaghihintay! Dibale ng mag-intay ka ng matagal wag lang ang babae. Normal naman na mag-ayos ka at mag-effort na magmukhang gwapo sa harap ng nililigawan mo. Pero, baka naman over na over ka sa pag aayos at paglalagay ng pabango kaysa sa babae.

- Iwasang puro tungkol sayo ang topic. Kung makikinig ka lagi sa sinasabi niya, mas mararamdaman niya na interesdao ka sakanya. Magisip ng topic na pareho niyong gusto kaysa sa kanya lang o sayo umiikot ang usapan. Palaging tanungin siya kung kelan kayo ulit pwedeng magdate at baka pwedeng siya naman ang magdesisyon kung saan at kailan niya gusto.

- Wag kang masyadong maging malapit na parang kayo na. Baka maalibadbaran siya sayo kung palagi ka nalang lumalapit sakanya. Bigyan siya ng space at siguraduhin lagi na malinis ang intensyon mo. Madaming pagliligawan ngayon na hindi malinis sa moral. Baka pakiramdam mo mas gusto ng babae kung astig ka o masyadong malapit sa kaniya. Pero kadalasan na na hindi maganda ang resulta ng relasyon kapag ganon. May mga babaeng talagang konserbatibo kaya mas gusto nila yung ginagalang mo sila.

- Matutong maghintay!

Madaming paraan para mapasagot ang babae. Iyan ay kung magiging totoo ka sa sarili mo. Kung pakiramdam mo naman ay hindi kayo compatible, o napag isip isip mo na hindi kayo para sa isat-isa, wag kang malungkot. Kung matututo kang mag-hintay at makikinig sa payo ng iba, mahahanap mo din ang babaeng para sayo. Pero sana, nakatulong sayo ang mga tips na yan.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)