Paano Humalik ng Masarap? Tamang Paraan ng Pakikipag Halikan, para di ma-turn off lalake babae

Precious Gomez
is in the Philippines

Marahil nakita mo na ito sa mga pelikula - ang mapusok na kiss na nagpapakita ng romantikong pagmamahal, kung saan naghahalikan ang dalawang tao. Maaari mong malaman kung paano humalik ng hindi nagkakamali!



Step 1

Panatilihing malambot ang iyong mga labi. Ang malambot, makinis, at bahagyang-basang mga labi ay mainam para dito. Bago ka kumilos, dapat tiyaking hindi putok o tuyo ang iyong mga labi para hindi distracted o ma-turn off ang iyong partner. Kung nais mong maging soft ang iyong mga labi bago ang halik, dapat mong subukan ang mga mabilis na tips na ito:

Gumamit ng chapstick. Maglagay nito sa iyong mga labi at pisilin gamit ang mga labi. (Kung ikaw ay babae at may flavored chapstick, mas mabuti!) Ang tanging paalala ay dapat kang mag-aplay ng lip balm o gloss isang oras o higit pa bago ka humalik, para maramdaman ng iyong partner ang lambot ng iyong labi, hindi ang makapal na layer nito.

Uminom ng tubig. Ang tuyong mga labi ay tanda ng dehydration, kaya uminom ng isang mataas na baso ng tubig (o dalawa). Mapapansin mong nagiging soft ang iyong mga labi sa loob ng 20 hanggang 30 minuto.

Dilaan ang iyong mga labi. Kung ikaw ay talagang wala ng oras, pwedeng basain ang iyong mga labi gamit ang iyong dila at pisilin. Nagagawa nitong mamasa-masa ang mga labi. Maaari mo ring dilaan ang iyong mga labi ng konti habang tumitingin sa iyong partner.

Step 2

Mabangong hininga. Hindi mo nais na magkaroon ng mabahong hininga kapag humahalik, maging French kiss man o hindi. Dahil kapag ang iyong bibig ay gusto ng isang French kiss, ang mabangong hininga ay mahalaga. Dapat panatilihin ang mabuting pangangalaga sa kalinisan ng ngipin. Kung hahalik ka, magsipilyo muna ng ngipin o magmumog ng tubig.

Laging magdala ng breath mints o mint-flavored gum kung ikaw ay lalabas. Para hindi naman halata na atat, maaaring gumamit ng breath mint o ngumuya ng gum sa banyo, para hindi masyadong halata na ikaw ay handa ng humalik

Iwasan ang mga pagkain na nag-iiwan ng hindi magandang lasa, lalo na ang bawang, kape, sibuyas, gatas, at mais. Kung ikaw ay nasa dinner date bago ang halikan, kumain ng madiskarte.

Step 3

Hanapin ang tamang pagkakataon. Ang isang mahusay na halik, lalo na ang unang halik, ay ang paghantong sa kakaibang tensyon at namumuong pagpapalagayang loob. Piliin ang tamang sandali upang matiyak na ikaw at ang iyong partner ay parehong handa na magpakawala sa inyong mga halik. Mas mainam kapag walang ibang tao at dapat na pareho kayong masintahin o romantiko, sa halip na pagod o malayo ang isip. Kailan ang tamang sandali? Depende ito sa inyong mga indibidwal na sitwasyon, ngunit narito ang ilang mga palatandaang dapat isaisip:

· Walang ibang tao. Kung kayo man ay nag-iisa sa iyong balkonahe o nakaupo sa isang liblib na bangko sa isang park, hindi ka mag-aalala na may manggugulo na ibang tao.

· Mga pahiwatig ng iyong partner, tulad ng pagkindat ng mga mata at pagtingin sa iyong mga labi, o unti-unting nakatayo o nakaupo palapit ng palapit sa iyo. Anuman ang kasarian ng iyong partner, ang kanilang body language o kilos ay magbibigay sa iyo ng palatandaan para sa tamang sandali.

· Pagtatapos ng isang magandang date. Parehong pweden lokasyon para sa isang goodnight kiss ang sa kotse o sa balkonahe.

· Mararamdaman mo ang tamang sandali. Kung nararamdam mong ang sandali ay tama para humalik, huwag masyadong kabahan na gawin ito. (Basta huwag pilitin ang kapareha mo, kapag di pa siya handa.)

· Magtanong. Kung ikaw ay hindi sigurado kung ang partner ay pareho ng iniisip mo, pagusapan ninyo. Mas mabuti ng makakuha ng pahintulot at gawin ito ng mayroong kumpyansa, kaysa pakawalan ang pagkakataong mahalikan mo ang iyong special someone (o kaya namaý aksidenteng mahalik ang isang tao hindi interesado).


Step 4

Titigan ang mata (eye contact). Titigan ng malalim ang iyong kapareha. Kung nais mong ipakita ang iyong intensyon, dahan-dahang ilipat ang iyong tingin sa kanyang mga labi, pagkatapos ay ibalik sa kanyang mga mata. Maaari ring gumawa ng mapungay na eye contact, tigilan ito nang ilang segundo, at pagkatapos ay tumingin muli sa iyong partner. Ito ay isang paraan ng pagpapakita sa taong gusto mong halikan na ikaw ay hangang-hanga sa pagtitig sa kanya.

Ang mga babae ay maaaring titigan ang isang lalaki, yumuko, at pagkatapos ay tumingin sa pamamagitan ng kanilang pilik-mata upang maging mapang-akit.


Step 5

Ngumiti. Kung ikaw ay talagang nagaganyak sa pag-asam na mahalikan ang isang tao, ipakita ito! Napapanatili ng isang ngiti na maging light at masaya ang sitwasyon, habang naipaparamdam sa kapareha na siya’y kampante at nagiging relaxed. Siguraduhin na ang iyong ngiti ay malambot at tunay, hindi sapilitan, o abot tenga ang ngiti. Basta dahan-dahang iluwag ang iyong mga labi sa pagngiti. Ipakita sa iyong future kissing partner kung gaano ka kasaya kasama siya. Magpatuloy sa paggawa ng eye contact habang ginagawa mo ito, o tigilan muna ito ng ilang segundo bago ito ulitin.

Maaari gawin ang ngiting nakasara ang bibig, sa halip ng ngiting kita ang mga ngipin, na maaaring isipin na ngiting kaibigan lamang kaysa sa kaakit-akit o romantikong ngiti.

Step 6

Tanggalin ang pagka-ilang sa isa’t isa. Kapag nag-iisa kayong magkasama ng taong gusto mo, at ikaw ay nakangiti at nakatitig sa kanya, maaaring mong subukang humalik na hindi siya hinahawakan. Ngunit mas mabuti kapag magkahawakan muna kayo at nang magkapalagayang loob, at maramdaman ang balat ng isa’t isa. Halimbawa, kayo’y parehong nakaupo na magkadikit ang iyong mga binti, magkahawak-kamay, paglagay ng iyong kamay sa kanyang tuhod, paghaplos sa kanyang mga braso, o pagbibigay ng senyales ng pagmamahal. Kung nahalikan mo na siya sa labi nuon pa man, ang paghawak ay magiging mas natural para sa iyo. Dapat gawin ito bago ang paghalik upang kayo ay panatag sa isat’ isa.

Maaari rin itong gawin habang ikaw ay papalapit na halikan siya. Kung ikaw ay nakatayo, maaari mong hawakan ang kanyang mga kamay, leeg, o balikat bago mo siya halikan. Kung naka-upo, maaaring ilagay ang isang kamay sa likod niya.


Step 7

Sugod. Kapag ang sandali ay tila tama, gawin ang iyong diskarte. Karaniwan, dapat ay kumilos ka ng dahan-dahan, sapat para pwedeng humindi ang iyong partner, ngunit hindi masyadong mabagal at pwedeng mawala ang spark ng sandali. Kapag nararamdaman mong handa na ang iyong partner para sa susunod na hakbang, huwag kang magpatayung-tayong. Ilapit ang iyong katawan tungo sa kanyang katawan hanggang sa ang inyong mga ulo ay ilang pulgada na lang ang pagitan. Dito mo sisimulan ang pag-anggulo ng iyong ulo para sa pinakamagandang kissing posisyon.

Dahan-dahan lang ito. Ang mabagal na diskarte ay nakakadagdag ng tensyon at pananabik. Kumilos sa tulin na magbibigay sa kanya ng pagkakataon upang pumayag (o hindi). Kapag nakita niyang papalapit ka na, siya’y kikilos din para tugunan ka. Kaya mapipigilan ang aksidenteng pagbanggga ng mga ulo kung dahan-dahan mong ilalapit ang iyong mukha sa kanya.


Step 8

Bahagyang ikiling ang iyong ulo sa isang tabi. Magreresulta sa pagbabangga ng mga ilong kung parehong diretso ang inyong paglapit. Sa halip, ikiling ang iyong ulo ng bahagya sa kaliwa o kanan. Kung mapapansin mong papunta sa isang direksyon ang kapareha, piliin ang kabilang direction. Huwag maglagay ng masyadong pressure sa iyong sarili na magawa ito ng perpekto. Kung nagkabanggaan ang inyong ulo ng iyong partner at nagkatamaan ang inyong mga ilong ng kaunti, gawing natural na ayusin ang iyong mga ulo sa isang mas kumportableng posisyon, kung saan ang iyong mga ilong ay hindi nagiging sagabal.

Hindi tulad sa mga pelikula, ito ay hindi kailangang mangyari sa masyadong dahan dahan na kilos. Ikiling ang iyong ulo habang papalapit ang mukha sa partner, hindi sobrang mabagal, upang hindi ka masyandong magisip at mag-alala na makuha ito ng perpekto.


Step 9

Ipikit ang iyong mga mata. Bago mo gawin ang eye contact, ipikit muna ang iyong mga mata. Ang paghalik habang nakabukas ang mata ay karaniwang nauugnay sa pagiging hindi matapat at hindi totoo. Ang paghalik ng nakapikit ang mga mata naman ay makakatulong sa iyo na tumutok at namnamin sa inyong mga labi. Gayundin, kung matutukso kang buksan ang iyong mga mata upang makita kung ano ang hitsura ng iyong kissing partner habang nasa silakbo ng damdamin, ito ay maaaring makawala ng gana o mood. Ang pagpikit ng iyong mga mata ay maaari ring makatulong sa iyo na tumutok sa iyong bibig at malasap ang sandali, sa halip na subukang obserbahan kung anuman ang nangyayari sa malapitan at nakabukas ang mga mata.

Maaari mong dahan-dahang buksan ang mga mata, kung papalayo na ang mga mukha, pagkatapos ng halik.


Step 10

Panatilihing nasa kahali-halina ang iyong bibig. Huwag ipakita ang isang matigas at makunot na mga labi o ngumuso, tulad ng gagawin mo kung ikaw ay hahalik sa iyong lola - hindi lamang ito nagpapahiwatig ng non-romantic feelings (parang kaibigan lang o kamag-anak ang turing), ginagawa rin nitong pisikal na mahirap para sa iyong partner ang pagsisimula ng isang French kiss. Sa kabilang banda, kapag sobra namang maluwag ang iyong bibig o nakakanganga lang, ay maaaring magsaad na hindi ka interesado.

Buksan ang iyong bibig ng bahagya. Sa halip na agresibong sumugod sa paghalik na nakabukas ang bibig, panatilihing magkalayo ang iyong labi ng bahagya, sapat upang makalabas ang dila sa pagitan nito.


Ano ang gagawin kapag ang partner ay masyadong malakas huminga habang naghahalikan?


Lumayo ng kaunti, ng ilang ulit upang makakuha ng hangin at makahinga.


Paano kung hindi niya gusto ang paraan ng paghalik ko?


Huwag masyadong mag-alala tungkol dito.


Simulang dampian ng iyong dila ang bibig ng iyong partner, hintayin ang kanyang pagtugon.


Paano lalayo habang naghahalikan?


Dahan-dahang (Marahang) itulak ang balikat ng iyong partner. Ngumiti habang ginagawa ito para hindi niya mahalata.


Sunod: Paano makipag-French Kiss? Ano ang French kiss?




Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)