Paano Lumandi at Kumarengkeng? Senyales ng Haliparot, malandi, karengkeng

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ang pakikipaglandian ay isang uri ng mapaglaro at mapang-akit na klase ng pakikipag-usap na ginagawa ng dalawang tao para magpakita ng atraksyon sa pamamagitan ng galaw ng katawan at mga salita. Tandaan na hindi lahat ay magaling makipaglandian.

Kung makakakilala ka ng lalaking hindi marunong dumiskarte, baka hindi mo masigurado kung totoong interesado nga siya sa’yo. Kung ganito nga ang kaso, maaari mong subukang landiin siya. Ngunit huwag din masyadong magpahalata at baka matakot o maturn off siya. Ang iyong diskarte ay hindi dapat masyadong halata at may kakayahang pukawin ang kanyang interes at maging komportable para sumagot at kausapin ka.

Titigan siya ng mabuti sa mata at ibaling ang iyong paningin. Kapag kinakausap ka niya, siguraduhing tignan mo siya sa mata. Tumango paminsan-minsan at ulitin ang huli niyang mga sinabi para malaman niyang interesado ka sa sinasabi niya. Laging ngumiti at tumawa. Ang iyong ngiti ang magsasabi sa kanyang komportable ka at nag-eenjoy kang kasama siya. Ang malapad at totoong gniti ay nagpapakitang ikaw ay isang masayahing tao. Kung palabiro naman siya, tumawa ka, kahit hindi nakakatawa ang kanyang mga jokes. Siguraduhin ding titigan ang kanyang mga labi paminsan-minsan habang siya’y nagsasalita at tignan uli ang kanyang mata. Ito ay magbibigay sa kany ng tanda na gusto mo siyang makahalikan balang araw.

Purihin mo siya. Kung gusto mo ang estilo niya ng pananamit, sabihin mo sa kanya. O kapag magaling siya sa isang bagay tulad ng sport, sabihin mo sa kanya kung ka-cool iyon sa’yong paningin. Tapos kausapin mo siya tungkol dito. Matutuw siya na may taong interesado sa kanyang kagustuhan o mga interes.

Gamitin ang iyong body language para mapaalam sa kanya na may gusto ka sa kanya. Ayon kay Dr. Lauren Berman sa kanyang website, ang nakahalukipkip na mga braso at paa pati na din ang nakasaradong mga kamao ay nagpapahiwatig na hindi ka interesado. Kung gusto mong magmukhang available at bukas na mas makilala siyang mabuti, i-relax ang iyong mga braso.


Gumawa ng physical contact. Ang paghawak sa kanya ay isang malaki pero hindi halatang pakikipaglandian. Ang pagsagi sa kanyang balikat, pag-ayos ng kanyang buhok o paghawak sa kanyang mga kamay ay mga tanda sa kanya na gusto mong maging malapit sa kanya.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)