Paano makipag French kiss halik dila sa kasintahan at syota? Basic Guide

Precious Gomez
is in the Philippines

Marahil nakita mo na ito sa mga pelikula - ang French kiss, ang mapusok na pagpapakita ng romantikong pagmamahal, kung saan naghahalikan ang dalawang tao gamit ang kanilang mga dila. Nakatira ka man sa Paris o Manila, maaari mong malaman kung paano humalik tulad ng mga French, na hindi nagkakamali! Kung nais mong malaman kung paano mag French kiss, tingnan ang Step 1 upang makapagsimula.

Step 1

Idampi ang iyong mga labi sa iyong kapareha. Gawing mahinhin at dampi lang muna, upang ang iyong mga labi ay halos kumiskis lang ng bahagya sa labi niya. Ito ay nakakadagdag ng pag-pananabik at excitement kaysa sa diretsong ratsadang French kiss. Senyales din ito sa iyong partner na kulang pa at nananabik ka pa, ng hindi lantarang sinasabi ito.

Panatilihing mabagal ang iyong mga paggalaw. Ang mga mabilis, magaan ng mga halik ay hindi kasing-sexy kumpara sa kontroldong mga galaw ng French kissing. Kumilos na parang sa iyo ang lahat ng oras ng mundo. At ang paghalik ay mapapadali rin.

Step 2

Kapain mo muna. Kapag may matatag na pundasyon ka kung paano gawin ang French kissing, na may kasamang walang dila na paghalik, maaari mong iparating sa iyong kissing partner na handa ka na para mas mapabuti pa ito. Karaniwan, kung first time mo pa lang para gawin ito, dapat maging maingat ka bago simulan ang isang French kiss, dahil maaaring lalabas na masyadong maaga pa para dito. Narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan para malaman kung handa ka na para gawin ang French kiss:

Buksan ang iyong bibig ng mas maluwag. Ang pagbukas ng bibig ng maluwang ay nagbibigay ng paanyaya sa kapareha para gawin ang unang pagdikit ng mga dila.

Ipagsama ang mga labi, upang ang ibabang labi ng kapareha ay nasa pagitan ng iyong dalawang labi. Pagkatapos, bahagyang tangayin ang dulo ng iyong dila tungo sa kanyang ibabang labi. Gawin ang isang suwabe at mabilis na kilos upang ang contact ay tumatagal ng mas mababa ng isang segundo. Kung siya ay interesado, tutugunan ka rin niya.

Alamin kung kailan kailangang tumigil. Kung nasubukan mo na ang mga nabanggit sa itaas, at ang iyong partner ay hindi pa tumutugon, itigil muna ito hanggang sa susunod na pagkakataon at tumutok sa mga regular na halik. Iwasang gawin itong malaking bagay, o mapa-konsensya siya.

Step 3

Pagaralan paano gamitin ang iyong dila. Kung ang kapareha mo ay tila interesado, sige lang at simulan ang French kissing ng totohanan. Tandaang panatilihin gumagalaw ng iyong dila at mahinhin lang ang iyong mga paghawak. Una, dahan-dahang ipadulas ang iyong dila sa bibig ng iyong kapareha. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng paglalagay nito sa itaas o ibaba ng dila ng iyong partner, o kahit na ilipat ito sa paligid ng dila ng kaunti kung gusto mong maging mas mapangahas. Tiyakin lamang na ang iyong partner ay tumutugon, nang hindi ka humahalik sa walang gana. Kundi ang pag-romansa ay mawawala na lang bigla. Narito ang ilang bagay na dapat tandaan kung pinagaaralan ang French kiss:

· Manatiling mapaglaro. Dilaan ang dila ng iyong partner nang bahagya at habang tumitigil, hayaan siyang gawin ang sunod na hakbang.

· Ang dila ay puno ng nerve endings, at ang pagkapa ng dila ng iyong kasama gamit ang iyong sariling dila ay masarap at kaaya-aya.

· ‘Wag masyadong laliman - Ang masyadong pagbaba ng iyong dila sa lalamunan ng iyong partner ay maaaring pandirihan. Manatiling simple at swabe muna. Tingnan kung ano ang nais ng iyong partner, at sumunod dito.

Step 4

Huminga. Kung naghahalikan ng matagal, madaling makalimutang huminga. Maniwala ka man o hindi, ang paghingal at kakapusan sa paghinga ay nakakawalang ng gana. Maaari mong isipin na ang isang mapusok na kiss ay dapat ang maraming minuto ng walang tigil na paghahalikan. Ngunit kung gusto mo talagang i-level up ang romance factor, kailangang manatiling alerto. Kapag nakapa mo na, dapat magkaroon ng isang naaangkop na pattern sa paghinga nang hindi naaabala ang paghahalikan. Narito ang ilan sa mga bagay na kailangan mong malaman:

· Paunti unting humigop ng hangin sa pamamagitan ng iyong ilong habang ikaw ay humahalik.

· Huwag matakot na tumigil muna. Kung gagawin mo ito ng tama, maaari pa rin itong maging mapusok at seksing sandali. Bahagyang pumihit para ang inyong mga noo ay magkadikit pa rin, gumawa ng eye contact, at ngumiti.


· Habang ikaw at ang iyong partner ay nagiging komportable habang naghahalikan, maaari mong subukan ang paghinga ng kaunti sa pamamagitan ng iyong bibig. Maaaring nakakadagdag ng pagnanasa ito (ngunit hindi lahat ng tao ay gusto ito).


Susunod: Mga Advanced French Kissing Techniques


Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)