Paano malaman kung kinikilig ang babae sayo? Pakiramdaman Sikreto crush admirer

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Kung ang babae ay hindi ka pinapansin, madaling i-assume na hindi siya interesado.

Ngunit ito na marahil ang nag-iisa at pinakamalaking pagkakamali na ginagawa ng mga lalaki. Maraming mga lalaki ay may napakasamang abilidad na bumasa kung interesado sa kanila ang isang babae.

Kinikilig babae kilig libog hilig gusto iyot

Ikaw marahil ay matagal na na nagtataka kung paanong ang isang lalaki noong high school ay nakukuha ang lahat ng mga babae at hindi nababasted, may malaking tiyansang may kakayahan lang syang basahin ang kanilang mga “interest signals”.

At dahil kaya niyang makita ang mga palatandaang ito, hindi siya nanganganib na kausapin ang mga maling babae at nalalagay sa sitwasyon na maaari siyang mabasted.

Kaya dapat mo ding makita kung gaano kahalaga ang malaman moa ng mga palatandaang ito.

Heto ang 7 Pinakaimportanteng Palatandaan Na Maaaring Hindi Mo Napapansin Sa Mga Babae…

1. Siya ay nakikiag eye contact ng matagal. Ang mga tao ay kadalasang nakikipag eye contact dahil sa maraming dahilan, ngunit kung ang babae ay nakikipagtitigan sa iyo, mabuting mag play safe at isiping gusto ka niya. Ang panganib na hayaan siyang umalis sa buhay mo ay napakalaki para kunin.

Kung kayo ay nag-uusap, ang lebel ng kanyang pakikipagtitigan ay makakatulong para malaman mo kung gaano siya ka interesado. Kung siya ay laging tumitingin sa kanyang paligid o telepono, ito ay senyales na maaaring iniiwasan niyang makipag usap sa iyo.

2. Siya ay ngumingiti gamit ang kanyang mata. Ang pagngiti ay maaaring napaka obvious, ngunit sa aking karanasan (at sa siyentipikong pag-aaral na aking na mention), ang mga lalaki ay kadalasang kinukumbinse ang kanilang sarili na ang babae ay ngumingiti lang dahil siya ay “friendly”.

Ang isang paraan ay ang tanungin ang sarili mo: ito ba ay totoong ngiti o tulad ng taong nagpo pose sa picture? Ang kaibahan ay nakikita sa mga mata. Kung ang ngiti ay totoo, siya ay “ngingiti gamit ang mga mata,” ibig sabihin ay makakakita ka ng napakakaunting kunot sa gilig ng kanyang mga mata.

3. Malapit lang siya. Sa isang lugar na napaka busy tulad ng bar, club o party, ang babae ay ilalagay ang kanyang sarili malapit sa iyo kung siya ay interesado. Ang mga babae ay hindi madalas na mag-umpisa ng conversation kumpara sa lalaki. Sa halip ay gagawin nilang “available” ang kanilang mga sarili. Ilalagay nila ang kanilang sarili sa posisyon na madali silang mapapansin at malalapitan.

Halimbawa, siya ay gagalaw o tatayo malapit sa iyo sa pag-asang kakausapin mo siya.

Susubukan niyang padaliin ang buhay mo para madagdagan ang kanyang puntos sa iyo. Kung makita mong lumapit siya sa iyo sa bar at nag order ng drink, baka hindi ito coincidence lang. Buksan ang iyong mga mata para sa mga oportunidad na ito.

4. Ang tamang hawak sa mga tamang lugar. Kung nakikilala niyo na ang isa’t-isa, makikita moa ng babaeng natural na hahawakan ang iyong kamay, balikat o dibdib. Kung ikaw ay nagbiro, maaari ka pa niyang marahan at palarong sampalin.

Dagdag pa, kung kayo ay magkatabing nakaupo, may tiyansang ang inyong mga paa o balikat ay natural na magtatagpo dahil magkalapit kayo. Kung nangyari ito at okay lang sa kanya, ito ay magandang sign.

Sa huli, ang mga babae ay minsan ding hahawakan o aksidente kang babanggain para mapansin mo siya sa isang mataong lugar tulad ng bar o party.

5. Ang dance signal. Ang mga babae ay ginagamit ang sayaw bilang isang malaking paraan ara mapansin sila. Hindi ito ang laging ibig sabihin ng sayaw, ngunit madalas ay oo. Ito ay maihahalintulad sa isang lalaking pinapamalas ang kanyang lakas, talento o yaman.

Hanapin ang babaeng nagsasayaw nang hindi kasama ang kanyang mga kaibigan. Ibig sabihin nito ay hindi niya kasama ang kanyang mga kaibigan at naghahanap siya ng makakapansin sa kanya.

6. Ang mga paa ay hindi nagsisinungaling. Ayon sa librong What Every Body Is Saying, ang isang dating FBI agent ay sinabi ang totoong meaning ng sinasabi ng ating mga paa. Kung ang paa ng babae ay nakaharap sa iyo kahit na nakatingin siya sa iba, ibig sabihin ay interesado siya sa iyo.

7. Kinakausap ka pa rin niya. Kahit na kakakilala niyo lang o nagliligawan na, kung kinakausap ka pa rin niya, ito ay tanda na interesado pa rin siya sa’yo.

Maraming mga lalaki ang pinanghihinaan ng loob o masyadong nagbabasa sa mga salita at kinukumbinse ang kanilang mga sarili na ang babae ay hindi interesado, ngunit kapag kinakausap ka pa rin niya, ibig sabihin ay naglalaan siya ng oras sa kanyang araw para mag focus sa iyo. Magandang isipin na interesado siya sa iyo.


Sa maraming kaso, kung ang babae ay hindi talaga interesado sa iyo, wala siyang problemang umalis sa gitna ng usapan ninyo o hindi sagutin ang mga text mo.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)