Paano malaman kung kinikilig ang isang lalake sa iyo? Pakiramdam sikreto crush

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Kung ikaw ay may gusto sa isang mahiyaing lalaki at gusto mong malaman kung interesado siya sa’yo, kailangan mo lang siyang bigyan ng tamang pagkakataon para masabi niya ang nasa isip niya.

Ngunit ano ang gagawin mo kung ang lalaking ito ay hindi mo pa kilala ng mabuti? Paano kung feeling mo ay may gusto ang isang cute na lalaki sa iyo ngunit hindi ka sigurado kung totoon gusto ka talaga niya?

Ang pagbasa ng utak ng lalaki ay madali kung kausap ka niya. Ngunit kung siya ay mahiyain o isang lalaking hindi pa napapakilala sa’yo, mas mahirap na ito. Kung ang lalaki ay nagpapakita ng interes sa iyo ngunit hindi mo talaga siya kaibigan, instincts mo lang ang maaari mong pagkatiwalaan para malaman ang kanyang mga intension at kung totoo bang gusto ka niya.

Ngunit kung matututunan mong buksan ang iyong mata kapag nasa paligid siya, ang kailangan mo lang gawin at tignan ang kanyang body language para malaman kung higit pa sa kaibigal lang ang nasa isip niya.

Tanda #1. Maaaring may crush ang isang tao sa’yo kung… kukunin nila ang bawat tiyansang makuha nila para matulungan ka. Karamihan (at kadalasan) ay hindi mag-aaksaya ng panahon ang mga tao para i-drive ka pauwi, gawan ka nila ng pabor o kunan ka ng bagay na kailangan mo ng higit sa isang beses kung hindi sila interesado sa’yo. Ang taong determinadong alagaan ka, gusto ka at gustong maging masaya ka.

Tanda #2. Maaaring may crush ang isang tao sa’yo kung… pinupuri ka nila sa mga kaibigan nila, pamilya o kahit sa harap mismo ng mga kaibigan mo. Maaaring gusto nilang malaman ng mga tao kung ano ang tingin nila sa iyo at gusto din nilang magustuhan ka nila. Importante sa kanila kung may gusto sila sa’yo na magustuhan ka din ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Tanda #3. Kung marahan ngunit palagi ka nilang inaasar. Ito ay napakakaraniwang paraan ng pakikipaglandian. Pagti-tripan ka nila ngunit hindi sapat para masaktan ang iyong damdamin. Lagi silang tatawa sa iyong mga joke kahit na hindi nakakatawa.

Tanda #4. Kung… sila ay ngingiti sa’yo palagi, ngignisi kung ikaw ay ngingisi at tititigan ka direkta sa mata kapag kausap ka. Ang taong may gusto sa’yo ay susubukang i-mirror ang iyong body language para mag relate sa iyo. Ginagawa nila to para mas maging komportable ka kapag kasama sila.

Tanda #5. Kung… napapansin nila kapag may binabago ka sa iyong pananamit o appearance. Kung gusto ka nila ay pupurihin ka pa nila ng mas madalas at sasabihin nila sa’yo kung ano sa’yo ang gusto nila. Ito ay magandang tanda kung may taong may crush sa iyo kung napapansin nila ang karamihan, kung hindi lahat ng tungkol sa’yo.

Tanda #6. Kung… gagawin nila ang lahat para mapansin ang lahat ng iyong ginagawa o sinasabi. Makikinig sila sa iyong mga kwento, reklamo at biro. Tatandaan niya ang iyong mga ayaw at gusto at sasagot kapag kinakausap mo para malaman mong pinapakinggan ka niya.

Tanda #7. Kung… Gagawin nila ang lahat para malaman ang lahat tungkol sa’yo. Magtatanong sila tungkol sa iyong personal na buhay, pamilya, kaibigan, pagkabata, mga dating boyfriend, anong pagkain ang gusto mo – alam mo na yan! Magkukwent din siya tungkol sa kanyang buhay. Gusto niyang makilala ka at makilala mo din siya. Ito ay siguradong tanda na interesado siya!

Tanda #8 Kung… nagiging awkward ba sila kapag kasama ka? Kung sila ay namumula o hindi mapaali kapag kausap ka? Sa kalahatan, ninenerbyos ba sila kapag malapit ka? Kung may napapansin kang nagkakaganito, baka nag-aalala sila na mapahiya sila sa harap mo. Ang mga taong may crush ay naaapektuhan ng taong gusto nila, kung anong iniisip nila at kung paano magrereact ang taong iyong sa sasabihin nila.

Tanda #9. Kung… tatanugnin ka nila tungkol sa interes mo sa ibang tao. Sila ba ay interesadong malaman kung may crush ka sa iba? Kinaklaro ba nila na hindi sila interesado sa ibang tao? Nagseselos ba sila kapag kausap mo ang ibang tao at hindi sila? Ito ay magandang tanda na siguradong may crush sila sa’yo.


Tanda #10. Kung… gusto nilang makilala mo ang mga taong malapit sa kanila sa buhay nila. Mga taong tulad ng kanilang mga kaibigan at pamilya. Susubukan ka nilang ipakilala sa kanilang pamilya at kaibigan para makilala ninyo ang isa’t-isa. Pagkatapos mo silang makilala, ang taong may gusto sa’yo ay gagawin ang lahat para sa inyo at maging maganda ang tingin ninyo sa isa’t-isa dahil gusto niyang magkasundo kayong lahat dahil magiging girlfriend ka niya sa hinaharap!

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)