PAANO MANG-AKIT NG BABAE? PANO MAPAHULOG LOOB NG BABENG CRUSH? POGI POINTS NG LALAKE

Jennifer Magsaysay
is a Nurse / Beauty Consultant in Canada

May mga lalaki na biniyayaan ng kakayahan na makuha agad ang babaeng gusto nila. Likas sa kanila na mapa-ibig ang ilan sa mga babae. At ikaw ay nagtataka kung bakit hindi mo magawa ito samantalang okay ka naman, may hitsura at may sinasabi pero hirap na hirap ka na magustuhan niya. Choices from whom you date, marry and mate to how much money, friends and happiness you acquire often turn on life-altering decisions made within seconds. A lot of this process happens in the deepest, darkest and most primitive corners of the subconscious mind. As much as we want to believe we are so advanced, less than one percent of our evolution have been civilized— our brains have been evolving over 3 million years. And this process doesn’t account for the social, political or conventional knowledge of the day.

Ang artikulong ito ang tutulong sa iyo ng mga paraan kung paano ka magugustuhan ng crush mo.


Narito ang tatlong grupo na dapat mong isaalang-alang.

1. Mahalin ang iyong sarili

a. Magkaroon ng tiwala sa sarili. Ang unang paraan para magustuhan ka ng babae ay dapat gusto mo ang iyong sarili. Paano ka magugustuhan ng iba kung ayaw mo sa iyong sarili? Dapat masaya ka bilang ikaw. Alamin mo kung ano ang talents mo at huwag itong itago. Palaguin ang sarili. Kung kulang ka sa height, at least bawiin mo sa utak—magbasa at mag-aral. Nakaka-impress ang lalaking may sense kausap.


b. Maging kumportable sa iyong itsura. Hindi kinakailangang maging kasing katawan mo si Batista o Arnold Schwarzenegger na malalaki ang muscle dahil hindi naman iyon ang hinahanap ng babae. Iwasang laitin ang sarili sa harap ng crush mo dahil turn-off iyon. Kung hindi ka kagwapuhan tanggapin mo iyon at bawiin sa humor o talas ng kaisipan. Maari mo ring daanin sa ganda ng pananamit. Komunsulta sa ibang mga kaibigan na alam mo ay marunong manamit at hingiin ang kanilang payo. Kung ikaw ay malinis, mabango, malusog na tao, may tsansa ka na mapansin ng mga babae.


c. Mahalin ang mga bagay na ginagawa mo. Kung gusto mong magustuhan ka ng mga babae, bukod sa gusto mo ang iyong hitsura, dapat mahal mo iyong mga bagay na ginagawa mo. Kung hindi ka masaya sa iyong pag-aaral, trabaho o mga kinahihiligang bagay, hindi ka na pagkakainteresan ng sinuman, lalo na ang mga babae.


Kung ikaw ay isang empleyado, mahalin ang trabaho at bumuo ng magandang pakikitungo sa iyong mga katrabaho, pasalamatan ang mga benepisyo ng iyong kompanya at ibigay ang lahat ng iyong kakayahan para ikaw ay magkaroon ng masayang pakiramdam sa iyong sarili.


Kung ikaw ay isang estudyante, ituon ang iyong panahon sa subjects na gustung-gusto mo para malaman ng mga babae na may adhikain kang maganda. Magiging magaling kang estudyante, magkakaroon ng mga kaalaman at makikilala na ikaw ay interesanteng tao.


Magkaroon ng mga bagay na kahihiligan tulad ng sports, pagsusulat, pagpipinta, musika at iba pa. Nakakadagdag appeal ito sa mga babae dahil may talent ka na pwedeng hangaan at maari ka pang maging mas mabuting tao sa mga bagay na natutuhan mo sa mga hilig mong gawin.


2. Maging kawili-wili at kaakit-akit sa mga babae

a. Dagdagan ang karunungan at magbasa. Naaakit ang babae sa mga lalaking maraming ideya o kaalaman mula sa kanyang paligid. Ito ay nagpapakita na pwede kang mag-isip labas sa kinalalagyan mo. Maari kang mag-aral ng iba-ibang uri ng salita. Mai-impress mo ang mga babae kung ikaw ay marunong ng Italian o French. Magbasa ng iba-ibang aklat. Ito ay makakatulong na magbukas ng iba’t ibang uri ng topic kung ikaw ay makikipag-usap sa mga babae. Magbyahe ka rin kung maaari. Nakadaragdag sa kaalaman ang pagpunta sa iba-ibang lugar. Ang iyong karanasan/eksperyensya ay magtuturo sa iyo tungkol sa buhay at magdadala ito ng kalaliman ng iyong personalidad. Manood ng iba’t ibang uri ng pelikula. Ang panonood ng luma at bagong pelikula ay makakatulong sa iyo na makita ang iba-bang mukha ng buhay. Dagdag din ito para ma-impress mo ang babaeng iimbitahan mo na makipag-date, dahil naipapakita rito ang iyong opinyon at pananaw sa mga pelikula. Maging bukas din sa mga iba’t ibang uri ng pagkain. Huwag lang ang pizza at pasta ang kilala mong pagkain. Subukan ang Korean, Japanese, o Burmese na mga pagkain. Makakatulong ito ng magandang lugar ng pagdadalhan mo sa babaeng iyong ide-date.


b. Magkaroon ng maraming kaibigan at matutong makihalubilo at makipag-kapwa tao sa iba. Kung ikaw ay may magandang relasyon sa iyong pamilya at mga kaibigan, nakakadagdag pogi points iyon dahil ito ay nagpapakita na ikaw ay “family oriented man”. Ang maraming kaibigan ay nagpapakita rin na ikaw ay marunong makihalubilo sa iba’t ibang uri ng tao.


Kapag naipakita mo kung paano mo pakitunguhan ang iyong pamilya lalo na ang iyong ina, ito ay nagsasabi ng malaki tungkol sa pagkatao mo. Hindi dahil ikaw ay mama’s boy kung hindi ikaw ay isang taong mapagmahal at mapag-alagang tao.


c. Mag-aral ng iba’t ibang bagay. Isa pang paraan para maakit mo ang mga babae lalo na ang crush mo kailangan marami kang alam sa maraming bagay. Nakaka-turn on sa mga babae ang lalaking marunong magluto. Dahil likas sa babae ang marunong magluto, natutuwa sila na may isang lalake silang nakilala na kayang gumawa ng komplikadong bagay sa loob ng kusina. Kung alam mo na magaling ka ng magluto, imbitahan mo ang mga kaibigan sa inyong bahay kasama na ang iyong napupusuan at ipagluto sila. Tiyak na hahangaan ka nila. Maging kapaki-pakinabang rin sa loob ng bahay. Dapat alam mo ang maglinis, magkumpuni ng sirang mesa, o mag-ayos ng sirang gripo. Naipapakita rito na ikaw ay maaasahang tao.


d. Matutong magpatawa o i-develop ang iyong sense of humor. Maaaring marami ka ng alam at mga bagay na nagpapakita na magaling at mabuti kang tao, wala pa ring tatalo kung napapatawa mo ang babae. Marami ang mga lalaking hindi kagwapuhan ngunit napa-ibig ang isang napakagandang babae, ang dahilan—magaling siyang magpatawa. Ang buhay ay puno ng problema at kung ikaw ang magpapagaan sa nararamdaman ng isang tao lalo na ng nagugustuhan mo, tiyak na mahuhulog ang loob sa iyo ng taong gusto mo.


3. Iparamdam sa babae na espesyal siya sa iyo

a. Huwag matakot na purihin ang isang babae. Hindi kinakailangan sobra ang pagpuri sa babae. Kung nakita mo na maganda ang kanyang blouse, sabihin mo na bagay ito sa kanya. Pwedeng gumamit ng pick up lines na hindi offensive kung hindi sweet. Maaring ito ang linya mo, “May nagsabi na ba sa iyo na maganda ang mata mo?”


Halimbawa may nagawa siyang isang magandang bagay o nanalo sa isang patimpalak, batiin siya ng personal o sa text.


b. Makinig at maging isang tunay na kaibigan. Kung medyo matagal-tagal na kayong magkakilala, magbigay ng ideya o suhestiyon kung paano mo siya matutulungan sa kanyang problema. Maging isang tao na kanyang mapagkakatiwalaan na pagsabihan ng kanyang pinagdaraanan. Ito ay magbibigay daan upang maging komportable siya na sa iyong presensya. Madaling ma-attract ang babae sa kanyang kaibigang lalaki dahil sa kabaitan nito at pagsuporta sa kanya lalo na sa gitna ng problema.


c. Maging gentleman. Iparamdam sa babae na siya ay babae. Hindi ito nangangahulugan na gawin mo siyang paralisado at ikaw na ang gagawa ng lahat. Ipakita ito sa iyong gawi. Ipagbukas siya ng pinto, paunahin sa pila, tulungan siya sa kanyang mga dala-dala, at huwag kalimutan na maglakad sa danger zone kung kayo ay naglalakad na magkasabay. Isa rin itong dagdag pogi points dahil ramdam ng babae na espesyal siya sa ganitong gawi mo.


d. Ipakita na interesado ka sa buhay ng babaeng gusto mo. Nakaka-impress sa babae kung ikaw ay magpapakita ng pagka-interes sa mga bagay na ginagawa niya. Alalahanin ang mga bagay na sinabi niya sa iyo. Kung kayo ay nag-uusap ipakita na interesado ka sa sinasabi niya hanggang sa pinakamaliit na detalye. Para sa susunod ninyong pag-uusap at napunta ang usapan sa dati ninyong napag-usapan at napaalala mo sa kanya iyong pinakamaliit na parte ng topic na pinag-usapan ninyo. Nagpapakita ito na pinahahalagahan mo ang mga bagay tungkol sa babaeng gusto mo. Magtanong rin ng hindi parang nag-iimbestiga. Pwedeng tanungin rin siya ng kanyang opinyon tungkol sa mga kontrobersya sa lipunan, ang kanyang paraan kung paano niya i-balance ang kanyang trabaho at pamilya o dalhin mo na rin ang usapan kung ano ang hinahanap niya lalaking magugustuhan niya, malay mo may ikaw pala yun.


e. Maging maaalahanin. Magbigay ng simpleng regalo kahit walang okasyon. Maaari ring magpadala ng mensahe sa text para iparamdam na naalala mo siya sa linggong iyon. Isang paraan din ang pagbibigay ng bulaklak. Bibihira sa mga babae ang hindi natitinag ng bulaklak. Ito ay nagpapahiwatig ng iyong pagkagusto sa kanya kahit hindi mo man sinasabi. Sa iyong pagpaparamdam, makakapag-isip ang babae kung pwede ka niyang bigyan ng pagkakataon.


Iba-iba ang uri ng babae at may kanya-kanya silang perspektibo sa kung paano sila naaakit sa lalaki. Ang mga paraan na naisulat dito ay iilan sa mga epektibong paraan para maakit at mahulog ang loob ng isang babae. Good luck!

There are lots of ways that a woman uses her body language to communicate her interest and attraction to a man. Reading female body language can be simple or complex but the real trick is recognizing different gestures.

For women, twirling or flicking their hair is a favourite flirting gesture. By tossing her hair a woman is basically really saying: "look at me and my suitability. I am happy, confident and very healthy!" Long hair is feminine while short hair is masculine.

The tilt and smile indicates a submissive, interested and alluring mood on the part of the woman doing it.

The neck is one of a woman's most sensitive and erogenous zones and touching it will attract a man's attention.

A woman dangling a shoe is a strong but subtle message to a man. Translated it says: “By half slipping off my shoe I'm showing that I am relaxed, comfortable and may be willing to undress further."

Psychologists believe that people often transfer inner feelings to external objects. So by stroking the stem of a wine glass (for example) a woman is using female body language to say "stroke me".

A guy’s mind is simple. He wants the attention of all attractive women. If he knows you like him already, he’ll lose interest in wooing you or impressing you. If it seems too obvious that you like him already, he knows that he doesn’t have to work harder to get your attention and he’ll forget all about the chase.

Stare deeply like you want him while talking to him. And glance at him now and then when he’s not close, but look away when he looks at you. It’s all about making him curious.


If you don’t know a guy too well, always be subtle while flirting with him. He has to know you’re interested in him, but he should never realize you’ve fallen hard for him already.

 

About the author

Jennifer Magsaysay

I consider myself open minded and straightforward. I'm not afraid to tell people what I think because I feel that being honest with others is better. I care about people and try to help others as much as I can in any way. I love meeting people from around the world and learn new things. I love animals. I love to travel !! My weakness would be that I get disappointed quickly when things don’t go my way.
Profession: Nurse / Beauty Consultant
Canada , Greater Toronto Area , Toronto
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)