Paano mapa inlove ang isang tao sayo? Paano makuha atensyon at magustuhan ng crush mo?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Naniniwala ka bang hindi nako-kontrol ang pag-ibig?

Naniniwala ka ba na kapag hindi ka talaga mahal ng tao sa simula pa lang, wala nang pag-asa?

Naniniwala ka ba na imposibleng mapahulog nang todo ang isang tao sa’yo?

Kapag ang sagot mo’y oo, malamang ay naniniwala ka rin sa pagkakataon at tadhana. Ayos lang yan, marami ring naniniwala dun!

Naniniwala ang karamihan na ang pag-ibig ay hindi nababago, at naniniwala rin silang hindi ito namamanipula.

Guilty rin ako dito dati.

Pero napatunayan ng ilang taong pag-aaral na nakokontrol nga ang pag-ibig. At magagawa itong lahat sa utak lamang. Nasa pag-aaral lang kung paano gamitin ang isip mo nang tama.

Hindi naiiba ang pag-ibig sa ibang mga sikolohikal na emosyon na nararanasan mo sa pang araw-araw tulad ng:

• Takot

• Pagod

• Selos

• Awa sa sarili

• Pagkabalisa

Ang mga emosyong ito ay pwedeng makontrol, at dahil ang pag-ibig ay nasa kategorya ng “mga sikolohikal na emosyon,” nakokontrol rin ito. Ang pagkontrol sa pag-ibig bilang emosyon ay kasing dali lang ng pagkontrol sa takot, pagkasabik o pagod atbp. Ang problema dito ay ang tinuro sa’ting paniwalaan. Lumipas ang mga taon na nakundisyon tayong paniwalaan na ang pag-ibig ay natural na nangyayari lamang. Dumedepende lang itong lahat sa “tadhana”.

Ngunit sumasalungat naman ang katotohanan dito. Kapag meron kang wastong kaalaman dito, pwede mong gamitin ang psychology of love para mapahulog mo siya sa’yo at hindi na siya aatras. Pero walang bagay na perpekto, ibig sabihin ay hindi ito gagana nang 100% lagi, pero maiimprove mo naman ang chances mo nang todo. Kung mati-triple mo ang pagkakataon mo para mainlove sa’yo ang isang tao, bakit hindi?

1. Pano tayo naiinlove at ang sikolohiya sa likod nito.

Bago ka magsimulang mag-aral kung paano mapainlove ang isang tao sa’yo, tignan mo muna ang sikolohikal na aspeto nito, at hindi, wala itong kinalaman sa mga magic potions at midnight under the moon chanting sessions.

Hindi mo man naisip ito, meron ka at lahat ng mga kakilala mo ng checklist na nakaimbak sa isip ninyo. Sa listahang ‘to ay may nakasaad na batayan, mga batayang dapat mameet ng potential love interest mo bago ka maiinlove sa kanila. Tawag dito ng mga sikolohista ay ‘Lovemap.’

‘Pag ang isang tao ay hindi tumutugma sa isa o mas maraming pang punto sa listahang to, tanggal na kagad sila bilang potential love partner at malamang ay mananatili na lang silang kaibigan mo, ito ang dahilan kung bakit naiinlove ka sa isang tao at nananatiling kaibigan mo na lamang ang iba.

Of course, bawat tao ay iba-iba ang checklist. Ang items sa listahan mo ay dumedepende sa iyong:

• Pinapahalagahan

• Paniniwala

• Mga karanasan dati

• Background

• Mga dating relasyon

Ito rin ang dahilan kung bakit ang kaibigan mo ay pwedeng mainlove sa isang lalaki na ordinaryo lamang sa tingin mo. Nagmamatch ang lalaking ito sa kakaiba niyang ‘Lovemap,’ hindi sa’yo. Ang pagcalculate ng matches para makita kung tumutugma ba sa checklist ang isang tao ay hindi natin ginagawa nang conscious, subconscious natin tong ginagawa, wala tayong malay. Ginagawa itong lahat ng utak. Tulad ng pagutos ng utak sa puso mo na tumibok habang binabasa mo ‘to ... hindi mo namamalayan ‘to. Ito ang dahilan kung bakit posibleng mainlove ang isang tao at hindi nila alam kung bakit nainlove sila doon sa simula. Subconscious mo ang responsable dito.

Ito ang dahilan kung bakit ang love ay isang misteryosong pangyayari at binabahala na lang ito ng karamihan sa tadhana nila. Pero sa katotohanan ay wala itong kinalaman sa tadhana, lahat ng ito’y dahil sa subconscious, na tahimik lang na nag-iisip kung nagmamatch ba ang isang tao sa checklist mo o hindi. Ang katotohanan dito ay kapag naging aware ka sa specific criteria ng subconscious mind mo, madali mong malalaman kung bakit nahulog ka sa ibang tao at sa iba naman hindi.

Nakasaad sa ilalim ang isang halimbawa ng checklist ni Juan. Si Juan ay isang edad-27 na lalaki na nagkaroon na ng dalawang seryosong nobya dati. Dalawang taon na siyang tapos sa unibersidad at nagtatrabaho na ngayon sa United States. Pagod na siya sa pagdate ng mga babae nang on and off at naghahanap siya ng mas seryosong partner. Ang checklist ni Juan ay sinisimulan ng apat na kundisyong ito:

1. Parehas dapat siya ng antas ng edukasyon sa’kin.

2. Kulay brown dapat ang buhok niya (Nabasted kasi dati si Juan ng isang kulay brown na buhok na babae, na na-inlove siya. At dahil dun ay sinama ito ng subconscious sa checklist niya para makabawi sa pagkabigo niya dati sa may kulay brown ang buhok).

3. Malapit dapat siya sa pamilya niya at family-oriented. (Importante kay Juan ang anak at pamilya, at naghahanap siya ng babaeng may potensyal maging isang mabuting nanay. Naaakit tayo sa mga taong meron kung anong gusto at kailangan natin, dahil dun ay sinama ito ni Jamie sa listahan niya).

4. Mahilig dapat siya lumakbay.

Kung single ngayon si Juan, pero naghahanap ng partner, at nakakilala ng magandang babaeng may pulang buhok, malamang na hindi siya maiinlove dito. Kahit na ok naman ang tingin niya dito, hindi niya maiintindihan na ang pumipigil sa pag-akit ...ay ang subconscious na listahan ng iba’t-ibang batayan na hinahanap niya.

Kung kelan lamang chine-check ng ibang tao ang karamihang kahon ng batayan (kadalasan ay ang mga pinaka-importanteng points sa listahan ng batayan mo) ay doon ka lang maiinlove sa taong iyon. Pagkatapos ay tutulungan ka naman ng subconscious mo na manatiling inlove sa taong iyon para makasiguro na magiging kayo at makaka-maintain ka ng good relationship sa kanila. Dahil kumakapit ang subconscious mo sa isang partikular na tao tulad nito, ito ang dahilan kung bakit madalas napakahirap kalimutan ang isang taong nainlove ka kahit na ilang taon na kayong naghiwalay.

2. Paano i-manipula ang utak para masiguradong mamahalin ka rin nila.

Ilan ito sa mga subok na pamamaraan na nakakatulong upang mainlove ang isang tao sa’yo:

a. Tugmain ang iba’t ibang batayan. Meron tayong lahat ng listahang ito (o Lovemap) sa mga utak natin. Meron lahat ng pangunahing batayan ang listahang ito na inaasahan nating mameet bago isiping mainlove sa isang tao. Hindi naman given na kapag na-meet naman ng tao ang mga criteria ay maiinlove na tayo, pero kapag wala, ay madalas hindi na tayo maiinlove sa kanila. Ilang mga halimbawa ng batayang ito ay: “Dapat mahilig siya sa aso,” “Dapat aktibo siya,” “Edukado dapat siya”, atbp. Bago subuking mapa-inlove ang isang tao sa’yo, mag-research ka muna.

Alamin mo lahat ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa background at mga hilig nila – the more na may alam ka the better, at subukin mong i-meet ang mga batayan sa ganitong pamamaraan.

b. Ganapin ang pangangailangan nila. Sa tuwing naghahanap ang mga tao ng bagong partner, sinusubukan nilang maghanap ng katulad nila sa maraming aspeto. Hinahanap nila ang kanilang mga personal na kalakasan sa isang tao, at ang kasalungatan rin ng kanilang mga kahinaan. Halimbawa, maghahanap ang isang taong inferior, pero matalino, ng taong matalino rin, pero sa halip ng inferiority, maghahanap naman sila ng may confidence para mabalanse sila. Kung sinusubukan mong mainlove sa’yo ang isang kilala mong may inferiority complex, ang pagiging confident mo sa kanila ay epektibo sa pagpapalabas ng feelings of love nila para sa’yo. Kapag ginampanan mo ang role ng isang confident na tao, nagpapadala ka ng subconscious na mensahe sa kanila na “Meron ako ng kailangan mo!”.

c. Gaano ka nagta-try nang sobra? Nagtataka ang karamihan kung gumagana nga ba talaga ang pamimilit at panghahabol. Kung externally dependent ang taong hinahabol mo, malamang ay gagana ang panghahabol sa kanila. Ibig sabihin ng pagiging externally dependent ay nakasalalay ang isang tao sa ibang tao o bagay na nagpapagaan ng loob nila o kaya’y para makalimot ng bad place sa buhay nila. Kapag nasa kategorya ang taong ito, malamang ay susubukin nila ang kahit anong oportunidad para lang mapasok sa isang bagong relasyon. Sa kasong ito, mas mataas ang chances na mapainlove mo sayo ang taong ito. In short, kapag mahina ang loob ng tao at nangangailangan ng pangangalaga, mas malaki ang chance na maiinlove sila kagad sa’yo.

d. Gamitin mo ang inyong mutual friends. Kung ikaw at ang ninanais ng puso mo ay may parehas na kaibigan, pwede at dapat mong gamitin ito sa iyong advantage. Ang pinakarason dito ay dahil madaling maprogram ang subconscious kapag may trusted sources (tulad ng mga kaibigan) na nagbaback-up sa kung ano ang ipino-program dito. Kapag ayos ka sa mga kaibigan niya, malamang ay sasang-ayon sila. Kapag shunga ka sa tingin nila, malamang ay sasang-ayon rin sila. Sa ibang paraan para rin itong subtle form ng brainwashing – the more na sinasabi ng mga mutual friends sa kanya na ayos ka, mas malaki ang chance mo na makapasok sa isip niya.

e. I-manually wire mo ang utak nila. The more na inuulit-ulit mo ang isang bagay sa isip niya, the more na mapapaisip mo siya sa bagay na iyon. Bakit? Simple lang, sobrang maimpluwensiya ang tuluyang paguulit-ulit sa subconscious mind para tanggapin ang isang bagay. Pero hindi ito nagbibigay ng lisensya na tawagan mo sila kada sampung minuto – sasakalin mo lang sila at matatakot lang sila sayo. Madali mong mapo-program ang isip nila kapag subtle ang pagremind mo sa kanila ng presensya mo. Lagi ka dapat nasa paningin nila, siguruhin mong nakikita ka nila as much as possible, hindi bale kung minsan lang kayo nag-uusap o hindi, manatili ka lang sa kung saan ka nila nakikita at matatatak mo ang posisyon mo sa isip nila.

f. Ilagay mo ang sarili mo sa mga positibong bagay. Kapag nababanggit ang pangalan mo sa isang crowd, anong unang papasok sa isip ng mga tao? Pano ka nila nakikita? Sa tingin ba nila ikaw ay ‘matibay ang loob’, ‘masayahin’, ‘confident’, o negatibong bagay ito tulad ng ‘needy’? The better na pinosisyon mo ang sarili mo sa isip nila, the better ang tingin nila sa’yo. Hindi bale kung sino ka man (lahat tayo may negatibong qualities), dumedepende lang itong lahat sa pagtingin nila sa’yo. At gugustuhin mong tignan ka lang nila sa positive light.

3. Meron ba talagang love at first sight o kathang-isip lang iyon?

Meron talagang love at first sight. Kapag may taong nakameet sa mga batayan ng subconscious list mo sa simula pa lang, malamang ay maiinlove ka sa taong ito sa unang tingin.

“Teka lang,” sabi mo sa sarili mo, “Kung hindi ko pa siyang nakakausap, pano ko naman malalaman kung mamimeet niya ang mga batayan ko o hindi?”

Madali lang yan. Maaaring kasama sa mga batayan mo ang mga bagay tulad ng kung paano sila tumayo, maglakad, magsalita, o kaya’y makipagusap sa iba. Pwede itong mangyari pag ang pagkilos, paggalaw, itsura o kung ano man niya’y nakakapag-paalala sa’yo ng ibang tao.


Ang classic na halimbawa ay kapag pinapaalala ng taong ito ang minahal mo dati. Kadalasan ay may sinusunod tayong pattern at naiinlove sa parehong tipo ng tao na minahal natin dati. Kaya kapag may pinapaalala ka ng isang tao sa dati mong minahal ...matatagpuan mo na lang sarili mo na mala-love at first sight sa kanila at hindi mo alam kung bakit. Tas iisipin mo lang na “tadhana” lang na nainlove ka sa kanila.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)