Paano tantanan, lubayan, tigilan ng makulit na ex o dating kasintahan?

Dorothea Marquez
is a Entertainer in Japan

Paraan para iwasan dating kasintahan o asawa

Sinusubukan mo bang kalimutan na ang ex-boyfriend mo? Napakasakit ba ng paghihiwalay niyo ng ex-girlfriend mo kaya halos gusto mo ng malimutan ang lahat? Natural lang naman na ganyan ang maramdaman mo. Pero heto siya, tinetext ka ng tinetext at pinipilit na ibalik ang relasyon niya.

Paano tantanan, lubayan, tigilan ng makulit na ex o dating kasintahan (2)

Naka move-on ka na pero siya hindi pa. O baka naman, natutukso ka na makipag-balikan, pero ayaw mo namang mag-mukhang baliw na habol ng habol kaya pinipilit mong iwasan siya. Anuman ang sitwasyon, kailangan mong malaman ang paraan para umiwas. Madaling sabihin pero mahiap gawin? Eto ang mga tips para dyan:

-Alisin ang komunikasyon sa kanya. Burahin mo na agad ang cellphone number niya, o kahit anong contact mo sakanya. Dapat na makahalata siya na hindi ka na interesadong makipag-usap sa kanya kahit na sobrang mapilit siya. Matuto kang mag-kontrol. Yan naman talaga ang solusyon sa lahat. I-block siya sa anomang social media sites. Brutal ba? Hindi naman, lalo na kung ginugulo ka na niya. May mga private settings naman sa mga social media. Kung hindi mo siya pwedeng I-block, baguhin nalang ang settings mo.

- Tandaan mo kung ano yung schedule niya. Kung magka-kaklase o magka-trabaho kayo, malamang na alam mo kung saan at kelan siya pumupunta sa isang lugar. Sa una, mag-aadjust ka talaga. Sikapin mo na iwasang puntahan ang mga yon. Kung hindi mo naman maiwasan na pumunta sa canteen o cafeteria dahil kailangan mo, baka pwedeng mas agahan mo o magpa-huli ka ng kaunti.Baka may mga activities na pareho kayong kasali. Gumawa ka ng mga bagong kaibigan para makita niya na okay ka na at mag-move on na siya.

-Iwasan mo din ang mga kaibigan niya o kahit na sinong malapit sa kanya.Mahirap talagang harapin ang break-up lalo na kung may iisa kayong grupo ng mga barkada at kaibigan. Kung hindi mo sila maiwasan, baka pwedeng limitahan mo nalang ang pakikisama sa kanila. Kapag madalas mo silang makasama, mas mahihirapan ka lang na kalimutan ang mga nakaraan at napag-samahan niyo ng ex mo.

-Kapag kinompronta ka ulit ng ex mo, maging magalang. Kung kakausapin mo siya na parang galit ka parin, baka isipin niya na hindi ka pa nakakamove-on at na may posibilidad pa na makipag-balikan ka sakanya. Maging mabait at mahinahon pa din sa kanya at matatag na sabihing “Hindi na pwede”. Ang reyalidad, pwede ka naman talagang makipag-kaibigan ulit sa kanya. Pero hanggat hindi pa nakaka move-on ang isa sainyo, may ma-huhulog at mahuhulog ang loob sa inyo.

-Iwasang tumingin sa mata niya. Kapag madalas kayong magkakatinginan o magiging malapit sa isat-isa, mahihirapan siya lalo na makamove-on. Kapag iniwasan mo na makipag-eye contact sa kanya, ipinapakita mo lang na di ka na interesado.

-Kapag ayaw ka talagang tigilan, kausapin mo na siya at prangkahin. Kung babae ka, mas maganda kung gagawin mo to ng may kasama. Pwedeng-pwede ka niyang pilitin kung nag-iisa ka.

-Baguhin ang lifestyle mo at mga nakasanayan. Hindi lang siya ang mas makaka move on, pati din ikaw.


Syempre, depende yan sa sitwasyon. Kung patuloy kang makikipag-usap sa kanya, mas nadadagdagan lang ang hirap sa kalooban niya at mas aasa siya na pwede pa kayong mag-balikan. Kaya maging matatag ka na itigil na at tapusin ang lahat. Makatulong sana sayo ang artikulo na ito.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)