Takot ka na ba umibig? Nadala na: Paano aalisin takot na magmahal muli?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Sa totoo lang, parang ang sarap-sarap sa pakiramdam na ma-inlove o umibig. Inlove ka man o hindi, alam mong isa to sa pinaka nakaka-enjoy na pwedeng mangyari sa buhay mo.

Pero madaming dati eh sobrang in-love, na ngayon ay takot na takot o ayaw man lang pag-usapan ito. Kung minsan pa nga, nagpapanggap ang iba na okey lang sa kanila na hindi magmahal, pero ang totoo gusto nila na magmahal at mahalin. Bakit nga ba takot ang iba na magmahal at pwede bang maalis ang takot? Syempre naman! Kung isa ka sakanila, baka makatulong ang artikulong ito sayo. Tignan ang ilang posibleng dahilan kung bakit takot ang iba na magmahal:


- Takot na masaktan. Kapag nagmahal, totoo na pwedeng pwede kang masaktan. Maaring hindi pa man nangyayari sayo, naiisip mo na na kapag nagtiwala ka sa isang tao, maaapektuhan ka niya ng sobra at pwede niyang sirain ang tiwala mo. Nangyayari naman talaga kung minsan, pero kung magpapadala ka sa takot, hindi ka magiging masaya. Para yang gusto mong magdrive ng kotse para mamasyal, pero ayaw mong i-start ang makina kasi natatakot kang mabangga.


- Ang nakaraan mo. Kung naranasan mo ng masaktan noon, baka sa kapamilya, kamag-anak, kaibigan o karelasyon, malamang na ayaw mo ng maulit pa o maalala pa nga ang nagyari sayo. Ang totoo, malaki ang epekto ng mga nangyari sayo noon sa kung ano ka ngayon. Pakiramdam mo siguro, nawalan ka, sinaktan, niloko o ginamit pa nga. . Ayon sa isang ekspert, kapag nasaktan ka ,baka kakikilala mo palang sa isang tao, nega ka na agad at parang ayaw mo ng makipag-usap sa takot na masasaktan ka lang.


- Pakiramdam na wala kang halaga. Baka may nagawa kang kasalanan noon, o lumaki ka na walang natatanggap na papuri. Minsan, iniisip ng iba na walang kahit na sinong makakatanggap sa pagkatao nila.


- Lagi namang hindi patas pag dating sa pag-ibig. Kapag mas mahal mo ang isang tao kesa sa pagmamahal niya sayo, baka madismaya ka.Ang ganong mga relasyon, kadalasan ng di natatagal at nagkakasakitan lang. Baka mataas ang ine-expect mo sa isang tao. At kapag di nangyari yon, isipin mo na di siya patas sayo. O baka naman baligtad. Pwedeng nakokonsensya ka kasi ikaw naman ang hindi nagiging patas. Kung palagi kang nag-aalala at na kokonsesnya, baka mas piliin mo nalang mapag-isa. Ang problema? Hindi mo na susubukan pang maranasan na maging masaya sa pagmamahal at talagang sayang yon.


Ano pa man ang dahilan mo, pwedeng pwede ka pa ding matutong magmahal ulit at ma-alis ang takot na masktan.


- Tanggapin na natatakot ka at kontrolin ito. Sabi nga nila, “acceptance’’. Kung tatanggapin mo na may problema ka, mas madali kang makakaisip ng solusyon. Ikaw lang ang makaka-kontrol sa sarili mo. Ang takot, nasa isip lang yan. Ikaw ang magdedesisyon kung sino at ano ba ang gusto mong kalabasan ng isang relasyon. Kaya alisin mo ang takot.


- Isipin kung paano ka ba nagsimulang matakot na mag mahal at humingi ng tulong sa maasahang kaibigan. Baka naskatan ka sa huli mong relasyon? Lumaki sa walang paki-alam na magulang? Kung ano man ang dahilan, wag mong sisihin ang sarili mo. Subukan mo din na magkwento sa kaibigan mo. Baka kailangan mo lang ng atensyon at ng makikinig.


- Maging positibo at iwasan ang nagpapalungkot sayo. Positive lang! Yung iba, nakatulong sa kanila yung pagiwas sa mga gawain na nagpapalungkot. Halimbawa, iwasan na magmukmok o manood ng mga malungkot na teleserye. Parang wala naman epekto yung panonood, pero ag totoo, malaki ang epekto non sa damdamin mo.


Masarap magmahal at mahalin at yan ang totoo. Sabi nga, ginawa tayo ng Diyos para magmahal. Kung pipigilan mo yon, pinipigilan mo na maging masaya. Kung nasaktan ka man, bangon lang at tuloy ang buhay. Sana nakatulong sayo ang artikulo na ito.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)