CHINESE HOROSCOPE: ANO ANG KAPALARAN KO SA 2017? Pera, Kwarta, Negosyo, Kwarta, Pagibig, Trabaho

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ipagdidiwang ang Chinese New Year ng January 28, 2017, Sabado, at ito ang taon ng Red Rooster, isa sa mga 12 animals signs batay sa astrology ng Chinese zodiac horoscope.


Heto ang Chinese horoscopes ngayong taon upang magsilbing gabay sa ibat-ibang aspeto ng ating buhay ngayong 2017. Para sa Zodiac Horoscope, tignan dito 2017

Horse: Pinanganak sa taong 2002, 1990, 1978, 1966, 1954, 1942, 1930, 1918


Ikaw ay likas na may malakas na personalidad. Ikaw ay magaling mamuno ngunit dahan-dahan lang sa paggamit ng kapangyarihan. Ang sobrang paggamit nito ang maaari mong ikalugi kaya’t lumayo sa sugal.


Trabaho:

Pangalagaan mo ang mataas na posisyon sa trabaho dahil hindi ka masyadong siswertehin sa negosyo at stock market.


Kayamanan:

Huwag masyadong maghangad ng maraming pera at pagyamanin ang perang tinatamasa mo ngayon.


Relasyon:

Hindi masyadong makulay ang buhay pag-ibig mo ngayong taon. At kung ikaw ay cengaged na, may puruhang hindi mo itutuloy ang pagpapakasal ngayong taon.


Kalusugan:

Pangalagaan mo ang iyong kalusugan – madali kang mapuyat. Kung kaya naman bigyang pansin ang pag-eehersisyo at pahinga.

Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Horse sa 2017


Sheep or Goat: Pinanganak sa taong 2003, 1991, 1979 ,1967, 1955, 1943, 1931, 1919


Maganda ang taon na ito sa pagbuo ng lasting relationships.


Trabaho:

Ikaw na nasa industriya ng automobile, public relations, libangan, at police work ay makakaasang maganda ang takbo ng trabaho ngayong taon.


Kayamanan:

Umasang magiging matatag ang iyong pamumuhay at makakadama ng pagluwag-luwag ng problema sa pera.


Relasyon:

Makulay ang buhay pag-ibig mo ngayong taon, masyadong makulay na maaari kang masangkot sa love triangles. Kung ikaw ay may asawa na, huwag kaligtaang ipakita ang pagmamahal sa kanya.


Kalusugan:

Mas malayo ka sa sakit ngayong taon kaysa noong lumipas ngunit mag-iingat sa aksidente sa daan.

Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Sheep sa 2017


Monkey: Pinangananak sa taong 2004, 1992, 1980, 1968, 1956, 1944, 1932, 1920


Maiging magsagawa ng maraming trips and travels this year. Sa ganitong paraan ka mas uunlad.


Trabaho:

Nababagay ka sa mga trabahong may movement kung baga tulad ng sales and marketing, travel and finance. Ang mga trabahong ito ay hindi nagpipirme sa itaas o ibaba kung kaya malaki ang tsansa ng pagbago-bago ng takbo ng buhay.


Kayamanan:

Masuwerte ka sa pera ngayong taon at malaki ang puruhan sa promotions and malagong investments.


Kalusugan:

Ang iyong kabuuang kalusugan ay maganda ngunit mag-ingat sa aksidente sa pagmamaneho.


Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Monkey sa 2017


Rooster: Pinanganak sa taong 2005, 1993, 1981, 1969, 1957, 1945, 1933, 1921

Maraming oportunidad ang naghihintay sa iyo ngayong taon. Maraming oportunidad sa trabaho at negosyo ngunit magiging magulo ang relationships mo sa ibang tao.


Trabaho:

Magiging masyadong busy ka ngayong taon, maiging maghanap ng high-paying jobs upang matamasa ang malaking kita.


Relasyon:

Maraming mamumuong pag-ibig para sa’yo ngunit iwasan ang parating pagtatalo. Mag-isip-isip muna bago makipag-away at baka ito ang maging mitsa ng pagtatapos ng inyong relasyon.


Kalusugan:

Maari kang masangkot sa hindi seryosong mga aksidente. Pakaingatan mo ang iyong puso at baga.

Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Rooster sa 2017


Dog: Pinanganak sa taong 2006, 1994, 1982, 1970, 1958, 1946, 1934, 1922

Ito ay napakaswerteng taon para sa iyo. Lahat-lahat mula sa trabaho, negosyo at buhay pag-ibig ay papalarin ka.


Trabaho:

Likas kang magaling sa sining, musika, pagkatha at architecture. Iyo itong pagyamanin.


Kayamanan:

Huwag masyadong pag-isipan kung paano mag-invest, ipaubaya mo na lang sa iyong instincts kung anong negosyo ang babagay sa iyo.


Relasyon:

Kung hindi ka pa nakapag-propose, gawin mo na ngayong taon. At kung ikaw ay may asawa na, huwag kalimutang lambingin pa rin siya parati. Maging mapagkumbaba sa lahat.


Kalusugan:

I-enjoy mo lang ang iyong malusog na pangangatawan ngunit hinay-hinay lang sa sobrang paglamon.

Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Dog sa 2017


Boar or Pig: Pinanganak sa taong 2007, 1995, 1983, 1971, 1959, 1947, 1935, 1923

Isang masaganang taon ito para sa iyo – magkakaroon ka ng maraming kaibigan, paglago ng negosyo at maraming tao ang nandyan para sa’yo. Ngunit lahat ng ito ay kailangan mong maging matiyaga para makamit ang lahat ng ito.


Trabaho:

Maigi para sa iyo ang trabaho na ukol sa religion, metaphysics, public relations, media at pulitika.


Relasyon:

Walang masyadong kapana-panabik sa buhay pag-ibig ngayong taon, ngunit wala rin naming major problems – steady lang siya.


Kalusugan:

Mas malusog ka ngayong taon at kung magkakasakit ka man, madali kang gagaling.


Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Pig sa 2017

Rat: Pinanganak sa taong 2008, 1996, 1984, 1972, 1960, 1948, 1936, 1924

Hindi ka masyadong uunlad ngayong taon ngunit dahil sa likas kang maswerte, wala kang masyadong magiging problema.


Trabaho:

Ang showbiz, mga patim-palak, at sining ay para sa iyo. Lumayo sa pagsusugal.


Kayamanan:

Huwag kang masyadong maglulustay para hindi ka rin mawalan ng maraming pera.


Relasyon:

Maging mapagkumbaba ngayong taon at huwag maging tactless kundi mo gusto ng mga bangayan.


Kalusugan:

Bigyan ng kaukulang pansin ang iyong baga, kidney, at tiyan. Magkaroon ng sapat na pahinga at ehersisyo.


Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Rat sa 2017


Ox (baka): Pinanganak sa taong 2009, 1997, 1985, 1973, 1961, 1949, 1937, 1925

Ang Ox at Horse ay likas na hindi magkasundo kung kaya naman maaari kang mapasubo sa pagtatalo ngayong taon. Ngunit hindi ito magiging hadlang sa mga promotions.


Trabaho:

Bagay sa iyong pumasok sa pulitika, army or pulisya. Ngunit mag-ingat sa mga nagbabadyang kaaway.


Kayamanan:

Huwag umasa ng maraming pera, ngunit may kaukulang income sa iyong posisyong tinatamasa.


Relasyon:

Wala masyadong bago sa buhay pag-ibig ngayong taon. Panatilihing palaging mahaba ang pasensya.


Kalusugan:

Walang problema sa iyong kalusugan, mag-ingat lang sa mga maliliit na aksidente.


Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Ox sa 2017

Tiger: Pinanganak sa taong 2010, 1998, 1986, 1974, 1962, 1950, 1938, 1926

Ito ay taon ng swerte, saya, romance, at pagtuklas para sa iyo.


Trabaho:

Ikaw ay unnlad sa industriya ng teaching at philosophy. Kung ikaw ay may sariling negosyo, may oportunidad para mag expand.


Kayamanan:

Matatag ang iyong pamumuhay ngayong taon. Wala kang magiging problema.


Kalusugan:

Mag-ingat sa matutulis na bagay at aksidente, mag-ingat na masugatan.


Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Tiger sa 2017

Rabbit: Pinanganak sa taong 2011, 1999, 1987, 1975, 1963, 1951, 1939, 1927

Ito ay magiging taon ng pag-ibig at saya. Mag-ingat lang sa ibang taong hindi mo nakakasundo.


Trabaho:

Ang showbiz, sales and speaking ay nababagay para sa’yo. Mas magaling ka sa mental tasks kaysa sa mga tasks na nangangailangan ng physical endurance.


Kayamanan:

Kayod lang ng kayod at marami kang kikitain.


Relasyon:

Masyado kang popular kung kaya naman makulay ang iyong buhay pag-ibig. Mag-ingat nga lang sa love triangles.


Kalusugan:

Mag-ingat sa matutulis na bagay.


Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Kuneho sa 2017


Dragon: Pinanganak sa taong 2012, 2000, 1988, 1976, 1964, 1952, 1940, 1928

Ito ay magiging magandang taon para sa’yo dahil nagkakasundo ang dragon at kabayo. Magandang kalusugan at kasaganahan ang naghihintay sa iyo.


Trabaho:

Ikaw ay uunlad sa industriya ng health, armed forces, at pagiging pari.


Kayamanan:

Maiging mamuhunan at maigi sa iyo ang travel business.


Relasyon:

Hindi masyadong maswerteng taon ito ng buhay pag-ibig para sa mga dragons.


Kalusugan:

May mga panahong masasangkot ka sa aksidente, pero walang magiging problema sa iyong kalusugan.


Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Dragon sa 2017

Snake: Pinanganak sa taong 2013, 2001, 1989, 1977, 1965, 1953, 1941, 1929

Itong taon na ito ay panahon ng kasaganahan para sa iyo.


Trabaho:

Maganda ang magnegosyo at mamuhunan sa stock market.


Kayamanan:

Ang iyong regular na trabaho at mga sidelines ay maganda ang takbo ng kita.


Relasyon:

Maaaring pag-isipian mo nang magpakasal ngayong taon. At panatilihing Masaya ang buhay may asawa.


Kalusugan:

Mag-ingat sa sipon at lagnat. Mag-exercise at huwag kalimutang magpahinga.


Tignan ang buong Hula at Kapalaran ng Snake sa 2017


Next: Ano kapalaran ko sa Pag-ibig sa 2017?


Swerte at malas na numero sa 2017




(updated January 2017)



About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Cherry Mei Maghirang
is in New Zealand
Pak n save
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.