May mga panahon sa iyong buhay na makikita mo ang iyong sarili na sinusuri at masusing inoobserbahan. Kung hindi ka sigurado na mapapasa mo ito, maaari kang managinip na kumukha ng pagsusulit at bumagsak. Ang mga panaginip na ito ay tinatawag na mirror dreams o mga panaginip na sumasalamin sa iyong mga nararamdaman. Gusto nitong ipakita sa iyo ang bahagi ng iyong buhay na kailangan mong paglaanan ng atensyon.
Ang mga panaginip na ito ay may maraming mga porma. Maaaring hindi mo mahanap ang testing center habang naglalakad ka sa mga pasilyo at hindi ka makakita ng taong matatanong mo kung saan mo makukuha ang pagsusulit na ito. O baka naman dumating ka sa tamang lugar ngunit mali pala ang oras at tapos na ang pagsusulit at umuwi na ang lahat.
Maaaring dumating ka sa lugar sa tamang araw at oras ngunit wala kang dalang number 2 na lapis na kakailanganin sa pagsusulit at hindi ka pinayagang kumuha ng pagsusulit. Maaaring mayroon ka din namang mga lapis ngunit blanko pala ang test paper at hindi mo pwedeng ipaalam kahit sino o baka naman nababali ang lapis kapag sinusubukan mong sumagot.
Marahil naman ay maayos ang lahat at bigla mo na lang makikitang hindi mo alam ang sagot sa lahat ng mga tanong. Matatanggap mo ang resulta ng pagsusulit kung saan may malaking marka na bumagsak ka na nakasulat sa papel.
Bumagsak ka at hindi mo makukuha ang mga premyo na dala ng pumasang grado. Hindi lang iyon, ngunit kinukutya ka ng lahat, pinagtatawanan habang pinamumukha sa iyo ang kanilang pasadong pagsusulit.
Ito’y mga bangungot na nararanasan ng marami. Importante ang pagsusulit na ito ngunit pwedeng literal o simbolo lamang ang kahulagan nito. Maaaring malapit ka nang kumuha ng panghuling pagsusulit at pakiramdam mo ay hindi ka handa. Mararanasan mo ang mga panaginip na ito sa mga gabing bago ang pagsusulit.
Kung simbolikal naman ang panaginip, ang pagsusulit ay maaaring mangahulugang ibang bagay. Baka may bagay na magdudulot ng hirap sa iyong tunay na buhay at pakiramdam mo ay hindi mo kaya ang hirap na ito.
Ang pagsasailalim sa masinsinang pag-oobserba ay hindi komportable para sa karamihan. Maliban na lang kung maganda ang tingin mo sa iyong sarili, makikita mong mahihirapan ka o pakiramdam mo ay babagsak ka.
Baka ikaw ay nakatakdang ma promote o magkaroon ng umento sa sahod at takot ka na baka hindi ka nararapat na makuha ito. Baka ikaw ang isa sa dalawa o higit pa na pinagpipilian para ma promote at hindi ka sigurado kung kaya mong manguna sa kompetisyon. Ang mga panaginip na ito ay maaaring salamin ng mga takot na iyon at makakatulong para makita mo ang mga bagay sa iyong sarili na kailangan mong pagtuunan ng atensyon. Baka may bagay na pwede mong gawin para mapaangat ang iyong sarili sa harap ng iyong mga boss.
References:
Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.
American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation