“Lumilipad ako!” Ang pananaginip na lumilipad ay nakakapagbigay ng lakas. Ang mga panaginip na tulad nito ay napakadalang at kadalasang may magandang ibig sabihin.
Kadalasan sa mga panaginip na ito ay mararamdaman mo na parang matagal mo nang alam kung paano lumipad; na ang paglipad ay napakanatural para sa’yo. Ikaw ay natutuwa sa iyong mga nakikita at pakiramdam mo ay matiwasay kang dumadaloy sa hangin, hindi naaalintana ang mga hanging lumalaban sa iyong paglipad. Ang kalayaang lumipad ng walang halong takot, o bigat ay ang pinakamagandang pakiramdam na iyong mararanasan.
Ang Pag-intindi sa Ibig Sabihin ng iyong Panaginip
Ang panaginip ng paglipad nang walang sagabal ay nagpapalakas sa iyo at nag-iiwan ng tuwa kapag ikaw ay nagising. Sa paggising mo, maaari mong makonekta ang panaginip na ito sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Maaaring ang ibig sabihin nito ay maganda ang pakiramdam mo sa sitwasyon mo ngayon na parang ikaw ay may kontrol dito. Pakiramdam mo parang kayang-kaya mo ang lahat at walang makakapigil sa pagkamit mo sa mga pangarap mo. Ang mga panaginip na ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay nasa tugatog ng iyong kakayahan at maliwanag ang iyong kinabukasan.
Ngunit mayroon ding mga panaginip ng paglipad na may dalang komplikasyon, at ang pag-unawa sa mga komplikasyong ito ay makakatulong sa’yo para maintindihan at maayos ang mga problema mo sa buhay.
Ang paglipad pababa patungo sa lupa ay maaaring magpahiwatig na sinusubukan mong pakiramdaman ang pinapahiwatig ng iyong kaisipan.
Kung ikaw naman sa panaginip mo ay mababa ang lipad at malapit sa lupa, ibig sabihin nito ay masyadong ka lang pa-easy easy sa buhay.
Maaari mo nga ring makitang lumilipad paatras ang iyong sarili sa isang panaginip. Ang mga ispiritista ay naniniwala na ito ay sumasalamin sa iyong kagustuhang tumanaw sa iyong kahapon at sariwaing muli ang mga nagdaang tuwa at kalungkutan na iyong naranasan. At pagkatapos, kapag naintindihan mo na ito, gusto mong maisaayos at mapanatag ang mga takot at problemang nararanasan mo sa totoong buhay.
References:
Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.
American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation