Ano Kapalaran ko Pera, Negosyo, Trabaho, 2016 Karera? Yayaman ba ako? Kayamanan

Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines


Ano masasabi ng mga bituin sa aking kapalaran sa pera, negosyo, karera, at trabaho para sa 2016? Basahin para malaman, base sa inyon Zodiac sign.


ARIES (Marso 21 – Abril 20)

BUOD ng 2016: Ito ay taon para asikasuhin ang iyong mga pagmamay-ari, sagpangin ang mga pagkakataon at maghanap ng mga pambihirang karanasan.

KARERA AT PERA: Mahalagang magpatuloy ka sa pagpokus sa iyong pag-unlad at karera – nang may sandaang porsyento ng iyong panahon sa Pebrero – sa puntong gagawin mo ito sa buong taon! Ito ay dahil narating mo na ang bahagi ng buhay mo kung saan higit na malakas ang iyong kagustuhang mag-iwan ng marka sa mundo. Magkakatotoo at matutupad ang iyong mga balak sa Oktubre, kung kaya’t hindi na magtatagal ang iyong paghihintay! At mukhang mayroong nag-aabang na suwerte sa Nobyembre, kung saan may matatanggap kang karagdagang pera—kung ang lahat ay matutupad sang-ayon sa plano!

TIP PARA SA TAON: Panatilihing malinaw ang isip sa lahat ng mga seryosong praktikal na usapin.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Aries


TAURUS (Abril 21 – Mayo 21)

BUOD ng 2016: Ito ang taon kung saan hindi ka dapat tumanggap ng ‘hindi’ bilang sagot. Magtiyaga at magsikap sa iyong sariling mga paraan, at kumbinsihin ang ibang tao na pumanig sa iyo sa pamamagitan ng iyong mga halimbawa at mapanghikayat na

pananalita.

KARERA AT PERA: Nagsisimula nang magsanib ang personal at propesyunal na mga bagay, at ang lahat ay nakasalalay na sa iyong mga relasyon at kung paano ka kumilos sa harap ng ibang tao. Dahil nasa kamay ng ibang tao ang iyong pagtatagumpay, ang Abril ay pinakamainam upang magkamit ng mga pagsulong sa iyong propesyon. Ang Enero at Hulyo ay nagpapaalala ng pag-iingat sa iyong pinansya, at nagpapahayag ng maraming kita kung mayroong sapat na pag-iingat. Sa Hulyo, maaari kang humarap sa isang personal na pagpili, dahil mayroong pagkakataon para sa isang pakikipagtulungan

sa negosyo sa isang kaibigan o kasintahan, ngunit maaaring pumagitna ang mga usaping

pantahanan.

TIP PARA SA TAON: Papanariwain ang iyong enerhiya sa Oktubre.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Taurus


GEMINI (Mayo 22 – Hunyo 21)

BUOD ng 2016: Ito ay taon upang mag-iwan ng iyong marka sa mundo, upang gawing totoo ang iyong mga pangarap at kamtin ang tagumpay sa iyong sariling mga pamantayan.

KARERA AT PERA: Magkakaroon ng mga sandali kung kailan ang mga panlipunang kaganapan ay nakasentro sa paligid ng iyong trabaho, at malamang na ikaw ay maakit sa mga tao dahil sa kanilang mga nakamit o estado sa lipunan. Gayundin, gugustuhin mong mapahanga ang iba sa pamamagitan ng iyong mga tagumpay. Magiging komplikado at kakain ng maraming panahon ang mga usaping pera sa kalakhan ng taon, kaya’t maging maingat sa lahat ng iyong mga transaksyong pinansyal at maging handa para sa ilang mga taas at baba sa bahagi ng Mayo, Hunyo, at Hulyo. Sa Nobyembre at Disyembre, ipinapahiwatig ng malakas ng kumpigurasyong astrolohikal ang darating na


tagumpay nang wala masyadong pagsisikap sa iyong bahagi.

TIP PARA SA TAON: Mas maraming ginhawa, karangyaan, at espasyo. Iyan ang iyong kailangan!


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Gemini


CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 23)

BUOD NG 2016: Ito ay taon ng mga kasukdulan, at maaaring ikaw ay maguluhan sa kung anong landas ang iyong susundin. Muli mong ibabalik ang orasan bandang Mayo at Hunyo, ngunit sapat lang upang kumpletuhin ang hindi pa natatapos na tungkulin.

KARERA AT PERA: Ang unang bahagi ng taon ay sadyang walang katiyakan kung kaya’t ang pagpapalit ng trabaho nang isang beses ay maaaring tumungo sa pagpapalit nito nang sanlibong beses. Kung ang pag-uusapan ay pera, ang Setyembre ang natatanging buwan na matatag, bahagya ay dahil ang mga pagbuti na magaganap ngayon ay mangyayari bilang resulta ng iyong mga pagsisikap sa nakaraan at sa halip na sa kapritso ng mga planetang madalas na nagbibgay ng maling pag-asa.

TIP PARA SA TAON: Mag-isip nang malaki.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Cancer


LEO (Hulyo 24 – Agosto 23)

BUOD ng 2016: Hindi mo maipipirmi

kung alin sa iyong mga ambisyon ang nakatalang magtagumpay hanggang Agosto,
kaya’t ang pinakamainam na gawin ay sumubok ng iba’t ibang tao at gawi.

KARERA AT PERA: Ang iyong taon ay

magaganap nang mayroong magkakatugmang astrolohikal na kundisyon kung kaya’t
walang panganib na maging buhaghag, kung magkakaroon ka lamang ng pinong paraan
sa pagtupad ng iyong mga gawain. Sa kabilang banda, kapag ipinilit mo ang mga
bagay sa maling panahon, madaling magwatak-watak ang iyong mga plano. Iyon ang
dahilan kung bakit kailangan mong isantabi ang iyong mga sariling pakiramdam at
maging mas mapagbatid sa mga katanungan ng iyong mga kasamahan. Mayroon ding
mga mahusay na indikasyon para sa mga nasa merkado ng ari-arian, ngunit huwag
maging padaskul-daskol upang makakuha ng higit pa sa iyong tinawaran.

TIP PARA SA TAON: Sagpangin ang mga

pagkakataong ibibigay sa iyo.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Leo


VIRGO (Agosto 24 – Setyembre 23)

BUOD ng 2016: Asahan ang mga

positibong kalakaran at sidhi ng sarili na siyang makakaapekto sa lahat ng
aspeto ng iyong buhay. Siguraduhing maglaan ng panahon sa mga taong makakabuti
sa iyo.

KARERA AT PERA: Mahalaga ang unang bahagi ng iyong taon para sa mga usaping pera, at magandang panahon para muling suriin ang iyong kabuuang paraan ng paghawak ng pera. Huwag ilaan ang lahat ng iyong pera sa iisang bagay. Napapanahon ang pag-aaral, kaya’t ilaan ang iyong oras upang matuto ng mga bagong kasanayan at magkamit ng panibagong karanasan. Kapag lumaki ang iyong mga pinagkukunan ng pera, magiging masagana ang Hunyo sapagkat maaari itong magbigay sa iyo ng maraming salapi. Ito ay mainam na buwan para sa kaginhawahan at pagbubuo ng iyong mga ideya. Maging mapagbantay sa mga bagay na may kinalaman ang iyong mga kasamahan: kung ikaw ay nagsasamantala sa isang tao maaari kang tumanggap ng mas malaking dagok bilang kapalit.

TIP PARA SA TAON: Ang buhay ay hindi

isang pag-eensayo – kaya ibigay mo dito ang lahat ng iyong makakaya.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Virgo


LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23)

BUOD ng 2016: Mula Pebrero hanggang

Setyembre, maaari kang makaranas ng personal na alitan, ngunit iyon ay maaaring
makabuti sapagkat lilitaw ang mga kinahihiligan at mapapanatili kang nakatayo
sa lupa.

KARERA AT PERA: Kailangan mong isaayos ang iyong pinansya sa Pebrero, kung kailan ikaw ay magpapasya kung saan itatabi ang iyong mga ipon at ano ang iyong mga kayang pagkagastusan. Bubuhayin ng planetang Venus ang iyong mga hilig at bibigyan ka ng mga panibagong ideya kung paano dapat gamitin ang iyong oras; kapag hinayaan mong mangyari ang mga bagay nang hindi gaanong ipinaplano ang mga ito, mas magiging masaya ka. Ang Bagong Buwan sa ika-24 ng Mayo ay mainam para sa iyong mga inaasahan sa iyong propesyon; nakatakda kang magkaroon ng panibagong simula at pumasok sa bagong masaganang siglo. Sa usapin ng karera, pinakamakapangyarihan ang mga buwan ng Oktubre at Nobyembre, subalit maaaring matagalan bago dumating ang mga gantimpala. Ipinapayo ang pag-iingat, ngunit ang ilang mga pagbabago ay mukhang hindi maiiwasan.

TIP PARA SA TAON: Huwag mong isipin kung ano ang magagawa ng mundo para sa iyo – kundi kung ano ang iyong magagawa para sa mundo.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Libra


SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22)

BUOD ng 2016: Hindi ka makakalayo hangga’t hindi mo inaasikaso ang mga usaping pinansyal. Karamihan sa mga mangyayari ay nakaugat sa kung ano ang iyong kaya at hindi kayang pagkagastusan.

KARERA AT PERA: Ikaw ay hinihimok ng malalim na mga hilig, ngunit ang iyong mga emosyon ay hindi laging sang-ayon sa mga trabahong iniaalok! Ang iyong pangangailangan para sa pagiging pribado at iyong pangangako sa mga pang-grupong aktibidad ay mas titindi sa Pebrero, kung kailan pagdududahan mo ang iyong mga pangmatagalang plano at inaasam; maaaring ikaw ay mapilitang isuko ang isang responsibilidad. Ang Hunyo at Hulyo ay maaaring maging pinakamagastos na buwan at ikaw ay posibleng humantong sa isang walang-pakialam na mapag-aksayang kondisyon. Sa bahagi ng iyong karera, huwag masyadong matali sa mga detalye. Mas mahalaga ang iyong mga pangmatagalang inaasam at kahilingan sa ngayon, kaya’t palawakin ang iyong

pananaw. Pagdating ng Setyembre at Oktubre, panatilihing nakabukas ang iyong
mga pagpipilian at laging maghanda ng lugar na pag-uurungan.

TIP PARA SA TAON: Mangarap hangga’t maaari!


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Scorpio


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 22)

BUOD ng 2016: Namumulaklak ang isang

bagong relasyon. Maging romantiko o mababaw man ang relasyong ito, babaguhin
nito ang iyong buhay.

KARERA AT PERA: Nakalaan na naman ang iyong horoscope sa trabaho. Hindi lamang trabaho kundi ang iyong mas malawak na mga ambisyon sa propesyon, ang iyong kagustuhang ipatupad ang iyong kapalaran na maging unang una sa lahat ng gawain ng tao. Malamang na iyong ipagpaliban ang lahat ng mga pangako sa pamilya at pag-asang romantiko, ngunit ang Bagong Buwan sa ika-24 ng Hunyo ay mag-oobliga sa iyo na asikasuhin ang ilang mga kagyat na usapin sa bahay. Ang mga nakakasabik na galaw ng Mars sa Setyembre ay magdadala sa iyo ng diwang mapagkampanya na siyang dahilan kung bakit ka kilalang-kilala – at isang mapanlikhang silakbo na maaaring makapagpatupad ng isang hiling.

TIP PARA SA TAON: Tamasahin ang iyong

mga ambisyon – at pagsikapang mabuti ang iyong kasiyahan.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Sagittarius


CAPRICORN (Disyembre 23 – Enero 20)

BUOD ng 2016: Makakamit mo ang iyong

mga tagumpay sa ilalim ng kakaibang pagkakahanay ng mga planeta – kaya maniwala
ka sa iyong sarili!
KARERA AT PERA: Pataas
at paabante – iyon ang iyong motto. Ngunit kapag ikaw ay pumasok sa isang gusot
sa iyong propesyon matapos ang Abril, ang pinakamainam ay kumilos sang-ayon
lamang sa pinakamataas na mga motibo. Kung nasa iyong puso ang mga interes ng
ibang tao tulad ng iyong sarili, ikaw ay maililigtas sa kapunahan. Kayong mga nagbalak
ng maiksing bakasyon sa maagang bahagi ng taon ay sinasang-ayunan din ng mga
impluwensya ng mga planeta, sapagkat iyon ay makakabuti sa pagpapalawak ng
iyong pagtanaw. Malalaman niyong lahat na ang mga kakilala sa ibayong-dagat ay
mas mahalaga kaysa dati ninyong inakala. Dagdag pa, ikaw ay nakatakdang
magkamit kung ikaw ay sangkot sa anumang katanungang ligal o naghahabol na
makamtan ang mga ambisyong pang-edukasyon.

TIP PARA SA TAON: Piliin ang matagalang

pagkakaibigan at malalimang pangako.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Capricorn


AQUARIUS (Enero 21 – Pebrero 20)

BUOD ng 2016: Ang mga planeta sa itaas ng iyong tsart ay nagpapakita ng iyong mataas na mga pag-asa, ngunit maaari mong iuna ang mga lihim na ambisyon.


KARERA AT PERA: Hindi bababa sa walong planeta ang mahigpit na sumasang-ayon sa iyo sa maagang bahagi ng taong ito, na magbubunga ng mahahalagang resulta para sa pera at lahat ng pinagtulung-tulungang pondo. Ang tanging hula namin ay bubuti ang kalagayan ng iyong negosyo pagdating ng Hulyo, basta’t iyong sagpangin ang lahat ng pagkakataong darating sa iyo.


Maaaring gumasta ka nang walang pakundangan sa Agosto, ngunit makakaugalian mo


namang magtabi ng pera pagdating ng Setyembre, habang pinaghahandaan ang hinaharap at tinitiyak na mayroon kang pera para sa lahat ng mga mahahalagang
gastusin. Mayroong isang susing patakaran sa trabaho: seryosohin ang lahat ng iyong mga kasamahan – at huwag isiping nagbibiro sila!

TIP PARA SA TAON: Magbigay ng sandaan at sampung porsyentong pagsisikap sa pagkamit ng iyong mga mithiin.


I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Aquarius


PISCES (Pebrero 21 – Marso 20)

BUOD ng 2016: Magsisimula nang magbago ang lahat ng mga matagalang balakid. Lubusan na silang mawawala pagdating ng Hunyo. Mula doon, magiging matiwasay ang iyong paglalayag.

KARERA AT PERA: Ang tuloy-tuloy na pagdaan ng Jupiter sa iyong tsart ay nagbibigay ng pangakong maganda-gandang gantimpalang pinansyal. Gayunpaman, ang kilos ng planetang ito ay lubhang maingat, at sa ngayon ay tumatanggi pang ibigay ang buong kapangyarihan nito para sa iyo. Maging matiyaga lamang. Susing panahon ang Pebrero hanggang Marso, kung saan ang Venus ay pumapasok sa eksena, dala-dala ang pag-asa para sa malapit at kapakipakinabang na relasyon sa negosyo. Sensitibo ang panahong
ito kung kailan ikaw ay mayroong huling pagkakataon para ipinal ang isang partikular na kaayusan o isangkot ang isa pang ispesyal na tao sa iyong mga plano – at mapangahas na imbitahan ang taong ito.

TIP PARA SA TAON: Maging mapagbigay nang hindi nag-aasam ng anumang kapalit.

I-click dito para sa overall 2016 horoscope ng Pisces



These Horoscopes are provided for entertainment purposes only, and as such, they come with no guarantee of accuracy or usability of the information and advice contained within. Read at your own risk!


About the author

Buhay OFW Org

Ang layunin namin ay magbigay ng de-kalidad na edukasyon gamit ang wikang Filipino.
Profession: Organization
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.