Ano Swerte at Malas na kulay sa 2017? Kapalaran ko Tadhana Lucky

Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines

Pinapaniwalaan na may mga kulay ang nagdadala ng swerte at buwenas. Kung ano ang suot mong kulay, may kapangyarihan ito makaapekto sa iyong tagumpay. Totoo ba ito? Para sa mga nagtataka o gustong umososyo, narito ang mga swerte at malas na kulay base sa Chinese Horoscope nitong year of the Fire Rooster 2017. Para naman sa gusto malaman mga swerte at malas na numero, basahin dito.


RAT

Sinasabing ang mga taong ipinanganak sa taon ng daga ay maingat, mapagmasid, at may kakayahang kutuban kung anuman ang mangyayari sa hinaharap. Sabi nga, nararamdaman nila kung anuman ang ang nakaambang na panganib bago pa ito mangyari. Malikhain din sila gawa ng mga nasabing mga kakayahan. Sila ay magaling sa sining, mga imbensyon, at iba pa. Gayunpaman, hindi sila dapat naka depende sa mga kakayahang ito, kailangan din nilang mag-isip ng mabuti sa mga gagawin, at ang paghingi ng opinyon sa iba ay importante rin.

Swerteng mga kulay: Black, White, Grey


OX

Isa ang ox sa mga hayop na paulit-ulit na nginunguya ang kanilang pagkain bago ito maipasok sa kanilang katawan para madaling matunaw. Katulad nila, ang mga taong nasa Ox sign ay gustong mag-isip ng malalim sa matagal na panahon bago gumawa ng madaliang aksyon. Sila ang mga taong nag-iisip ng sobra at palatanong. At kapag sila ay gumawa na ng hakbang, matapang at hindi nila ito inaatrasan. Gayunpaman, sila ay masyadong praktikal at pinaninindigan ang kanilang mga desisyon at hindi nila ito gustong baguhin pa.

Swerteng mga kulay: Gray, Yellowish-brown


TIGER

Ang mga tao namang ipinanganak sa taon ng tigre ay gusto ng diretsong hakbang kahit hindi dinadaan sa wastong usapan, na maaring ikasama ng iba. Sila ay maambisyon at hindi nakukuntento sa normal na kapaligiran. Sila ay papalit-palit ng trabaho. Gusto nilang maipakita ang kanilang talento at abilidad at ma-promote sa mas mataas na posisyon sa kanilang mga karera. Ang kanilang pagkukulang lamang ay mas gusto nilang magtrabahong mag-isa at hindi gustong makihalubilo sa iba, at minsan ay hinahamak nila.

Swerteng mga kulay sa taong 2017: Golden, Black


RABBIT

Sinasabing maka-pamilya ang mga lalaking nasa taon ng rabbit. Gusto nilang mag-alaga ng hardin, at iba pang gawaing pambahay. Bagay ang mga mahinhin, eleganteng babae sa mga katulad nilang tahimik, samantalang mahihirapan naman silang makipamuhay sa mga extroverted na mga babae. Ang mga babae naman sa taon ng rabbit ay mapag-isip, maalalahanin, at maalaga. Sila ay masigasig at binibigyang pansin ang emosyon at kung ano man ang nasa paligid nila. Kaya sila ay magaling na bilang sekretarya, hostesses at reception staffs.

Swerteng mga kulay sa 2017: Peach-pink, Yellowish-brown


DRAGON

Sa labindalawang Chinese zodiac signs, ang dragon ang tanging likha lang ng imahinasyon o gawa-gawa lamang. Nang dahil dito, ang mga tao sa taon ng dragon ay mga nangangarap at mahilig sa imahinasyon. Maigi silang magtrabaho sa umpisa, pero madaling sumuko sa huli kapag naharap sa mga suliranin. Hindi bagay sa kanila ang mga permanenteng trabaho na may fixed salary. mas bagay sa kanila ang maging designers, architects, artists o cultural workers. Ang mga babaeng dragon ay masyadong nakatuon sa kanilang mga karera kesa sa pakikipag-asawa. Sa madaling salita, ang mga tao sa taon ng Dragon ay nakikipag-asawa lamang sa takdang panahon at nakatuon sa kanilang mga karera.

Swerteng mga kulay sa 2017: Creamy White, Cyan


SNAKE

Mabubuti ang loob, positibo, handang harapin ang mga pagsubok at kayang gawin ang lahat para tapusin ng maigi ang kanyang trabaho, yan ang mga taong ipinanganak sa taon ng ahas. Hindi katulad sa mga kinatatakutan at mga totoong ahas, sila ay magaganda at kabigha-bighani, mapalalaki o babae. Kadalasan sa kanila ay nakikipag-asawa kasunod ng pakikipag-relasyon kumpara sa arranged marriages. Matamis sila kung umibig, at makikita mo ang kanilang tiyaga sa pag-ibig sa Chinese Story na "The White Snake". Gagamitin nila kung ano man ang kailangan para lang mapasakanila ang kailangan nila. Maganda ang swerte sa mga nasa kanilang late years na, ganun din sa mga nasa kabataan nila.

Mga swerteng kulay sa 2017: Purple, black, Brown


HORSE

Ang mga taong nasa taon ng kabayo ay bukas ang isip at positibo, ngunit kadalasan, hindi niya natatapos ang kanyang trabaho mula umpisa hanggang huli. Naipapakita man nila ang pagiging positibo sa umpisa, madali naman silang sumuko sa mga malilit na suliranin. Dahil dito, sila ay sinasabing iresponsable. Kadalasan sa kanila ay gustong gawin ang mga bagay para sa karera sa kanilang kabataan. Nagtatagumpay man sila sa kanilang kabataan, nagkakaroon naman sila ng mga kabiguan kapag sila ay nagkaka-eded na. Sa pag-ibig, ang mga tao sa taon ng kabayo ay matapat at nakatuon sa kanilang hitsura, kaya sila ay palaging attractive. Pero nang dahil sa kanilang 'di nagtatagal na pag-uugali, kadalasan ay di sila nagtatagal sa kani-kanilang mga kapareha. Nang dahil din sa nasabing pag-uugali, di sila masyadong nagtatagumpay sa kanilang mga karera.

Swerteng mga kulay sa 2017: Dark green, Silver


SHEEP

Malumanay at malapit sa tao ang mga tupa. Umaasa sa kanila ang mga tao sa Middle East para sila'y mabuhay. Maaring makisalimuha ang mga tupa kasama ang mga tao. Sila ay mapagmatiis at matiyaga. Ito rin ang mga karakter ng mga taong ipinanganak sa taon ng tupa. Sila ay masigla at may matibay na paninindigan sa loob ng kanilang malambot at mahimulmol na panlabas. Hindi sila pabigla-bigla sa kanilang mga tungkulin, at palaging maaalahanin, nag-aanalyze ng mabuti, at tinatapos ang kanilang trabaho. Sa pakikipagrelasyon, gusto sila ng iba sa kanilang pagiging gentle at cultivated. Maayos sila sa negosyo, pero minsan ay nagkakaproblema dahil sa kanilang paninindigan. Ang mga taong nasa taon ng tupa ay flexible at may magandang pangangatawan. Ang mga lalaki ay maaring magmukhang babae, samantalang ang mga babae ay maalindog.

Mga swerteng kulay sa 2017: Peach-pink, Cyan


MONKEY

Matatalino at maabilidad ang mga taong nasa taon ng unggoy. Sila ay mga magagaling na lider. Nananalo sila ng mga pa-premyo sa kanilang pagkabata dahil sa kanilng talino, kaya kadalasan ay pinupuri ng mga magulang at guro. Hindi lang sila maswerte sa kanilang kabataan, pero lalo na kung sila'y nagkaka-edad na. Dahil sa sila'y magaling sa pagtitipid, hindi sila nagkakaproblema sa pagkain at iba pang pangangailangan. Minsan, ang mga tao sa taon ng unggoy ay quick-tempered, at ito'y pwedeng sagabal sa kanilang tagumpay. Kaya kailangan nilang maging pasensyoso. Gusto din nilang i-project ang kanilang mga sarili para sa atensiyon ng iba. Sila ay magaling sa pagdedesisyon nang dahil sa kanilang abilidad sa mga bagay. Sa kanilang mga pamilya, sila ay maalahanin.

Mga swerteng kulay sa 2017: Light blue, Vermillion, White


ROOSTER

Ang mga taong nasa taon ng tandang ay mapagmahal, mapagbigay, masikap, sociable, at magaling sa pananalita. Sila ay matatalino at mabilis mag-isip. Kaya minsan, sila ay hindi pasensyoso. Sa bilis nilang mag-isip, sila ay nabubulol sa pagsasalita. Kaya kailangan nilang mag-isip ng mahinahon. Ang mga lalaking isinilang sa taong ito ay malinis sa kanilang pangangatawan. Magaling sila sa pananamit anumang okasyon, gaya ng mga babae. Hindi nila masyadong gusto ang mga taong simple lang sa pananamit at hindi rin nila gustong makipag-usap sa kanila. Kaya minsan, sila ay malamig sa pakikitungo sa iba.

Mga swerteng kulay sa 2017: Orange, Brown


DOG

Pinapahalagahan ng mga tao sa taon ng aso ang hustisya. Sila ay matatapang, tahasan sa pananalita, palakaibigan, tapat sa kanyang mga kaibigan, at itinutuwid anuman ang mali. Dahil sa sila'y matapat, pinahahalagahan nila ang kanilang mga trabaho. Maigi sila bilang mga empleyado kaya puinupuri ng mga nakakataas sa kanila. Maaaring magkaproblema sa trabaho after thirty five, na kailanagn nilang malampasan ng mahinahon at tahimik. mabuti rin sila bilang katrabaho. Sa pag-ibig, sobrang matapat sila sa kanilang iniibig. Ganunpaman, sila ay madaling magalit at iritable. Madalas din silang napapasubo sa gulo. Mahilig silang maniwala sa kanilang mga teorya pero kulang sa aksyon at paghusga. Dagdag pa, sila'y mahilig sa makisawsaw sa mga bagay-bagay, panghuhusga at suspicious sa kapwa.

Mga swerteng kulay sa 2017: Blue, Green


PIG

Mapagmahal, tapat, at mapahintulot sa iba, ang mga taong nasa taon ng baboy ay maraming mga kaibigan dahil sila ay tapat at pinapahalagahan ang pagkakaibigan. Handa silang tumulong kapag may ngangailangan na kaibigan nila. Hindi nila gusto ng away at madaling kinakalimutan ang hindi pagkakaunawaan kung meron man. Sinasabi mang sila ay materialistic, hindi sila madamot at shini-share ang anumang meron sila.


Sa karera, madaling mawalan ng loob ang mga taong ipinanganak sa sign na ito kapag sila ay nafru-frustrate. Madali rin silang naaapektuhan sa mga sinasabi ng ibang tao, at nawawalan ng kumpiyansa sa sarili. Kaya mahalaga ang pagiging kalma at pakikipag-uasap sa mga katrabaho sa mga panahong ito. Sa kabila nito, sila ay masipag at hindi nahihirapan sa kanilang pagtatrabaho. Kaya kadalasan ay pinapaboran sila ng swerte. Mabuti rin silang taga-turo dahill sila'y tapat at masipag sa kanilang trabaho. Ngunit, sila ay masyadong mabait para maniwala sa iba, kulang sa responsibilidad, at iniisip lamang ang kasalukuyan. Hindi rin sila masyadong magaling sa paghawak ng pera.


Mga swerteng kulay sa 2017: Purple, Gray, Red


Next: Ano mga swerte at malas na numero sa 2017?


Ano mga bagay ang magdadala ng swerte sa loob ng bahay?


Ano kapalaran ko sa pag-ibig sa 2017?


These horoscopes are for entertainment purposes only, and as such, they come with no guarantee of accuracy or usability of the information. Read at your own risk.


Updated: January 2017


About the author

Buhay OFW Org

Ang layunin namin ay magbigay ng de-kalidad na edukasyon gamit ang wikang Filipino.
Profession: Organization
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.