Ang pagkakasalubong o pagsasailalim sa sarili sa mga mapanganib na sitwasyon sa iyong mga panaginip ay isang babala na may ginawa kang desisyon kamakailan na alam mong magreresulta sa maraming problema. Ito ay babala na ang daan na iyong tinatahak ay puno ng pagsubok at kailangan mo itong tignan at suriing mabuti bago ka magpatuloy.
Hindi ibig sabihin nito na dapat ay sumuko ka na lang. sa halip ay dapat maging mas mapagmatyag ka sa iyong paligid bago sumuong sa gulo. Ito ay babala para tignan at suriing mabuti ang mga desisyon na gagawin mo.
Ang pananaginip ng pagkamatay ay tumutukoy sa kagustuhang patayin ang isang bagay sa iyong buhay: relasyon, trabaho, karera o pwede ding ang iyong kahapon. Ang panaginipna ito ay hindi naman kailangang isang bangungot. Sa halip, ito ay panaginip na ang layunin ay himukin kang subukan ang isang bagong paglalakbay o bagong simula.
Ang pagmaneho sa isang hindi makontrol na sasakyan ay nagpapahiwatig na hindi mo makontrol ang iyong daan patungo sa tagumpay. Ito ay isang tanda na may kasalukyan kang masamang ugali na maaaring magdulot ng pangmatagalang problema.
Kapag ikaw ay nasa isang delikadong sitwasyon sa iyong panaginip, ituring ito na babala mula sa iyong subconscious na pag-iisip. Alagaang mabuti ang iyong pera, negosyo at kalusugan. Kapag ikaw ay naharap sa panganib sa iyong panaginip, ito ay isang positibong tanda na ikaw ay may kakayahang malampasan ito…
References:
Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.
American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation